KAPIRASONG PAG-IBIG
READING AGE 18+
Mae Versola sa edad na dalawapo't tatlong taong gulang ay ulilang lubos at namumuhay ng mag-isa, hindi rin ito naging madali para sa kanya lalo't naging masalimuot ang kanyang nakaraan.
Ngunit mula pagkabata niya hanggang ngayong magdalaga na siya ay mag-isa na niyang tinataguyod ang kaniyang sarili dahil isang taon pa lamang siya noong iniwan ng kaniyang Ama at Ina dahil sa isang aksidente na kumitil ng kanilang buhay na tanging siya lamang ang nakaligtas sa aksidenteng iyon.
Hanggang sa kupkopin siya ng kanyang lola at pinalaki ito ng maayos. Subalit sa katandaan ay binawian na rin ito ng buhay kaya naman mag-isa na lang siyang tumira sa bahay ng kanyang yumaong lola at tanging ang kanyang sarili na lang ang inaasahan niya sa araw-araw..
Naging mabait naman ang mga kapitbahay niya, na nagpapabawas sa kanyang matinding kalungkutan at pangungulila.
Isang araw nang aksidente niyang makita ang isang taong nagngangalang Zander De Vera sa labas ng kanyang bakuran, hindi na siya nag atubiling tulungan ito lalo't malubha ang kanyang kalagayan.
Hanggang sa puntahan niya ito sa pinagdalhang hospital at nakilala nila ang isa't isa, subalit nalaman niyang pamilyadong tao pala ang lalaking tinulungan niya at isa rin itong mayaman tao, pero sa patuloy niyang pagdalaw sa hospital ay unti-unti na ring umibig si Mae kay Zander, subalit alam niyang may asawa itong kinakasama.
Dapat ba niyang ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Zander kahit alam naman niyang mali ito? Pero para sa kanya ay gagawin niya ang lahat para magkaroon siya ng konting puwang sa pagmamahal ni Zander, ang lalaking una niyang minahal.
Abangan!
Unfold
"Bela! Saka, nga pala pagtapos mo kumain ay may pupuntahan tayo! ubusin mo 'yan pagkain mo ha! baka kasi mamiss mo yang luto ko," nakangiting sambit ko kay Bela.
Bigla siyang napatigil sa lang subo at nagtanong ito.
Huh! "Saan po tayo ate pupunta?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Doo……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……