Chenel
Reads
Lucas De Guzman, 29 years old. Isang lalaking gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Paano kung isang araw ay biglang mag-ibi ang ihip ng hangin at lahat ng mayroon siya ay biglang mawala, kasama ang pamilya niya. Ngunit habang nasa gitna ng kalungkutan ay saka naman niya nakilala si Jessica Delgado, ang babaeng ubod ng daldal. Ngunit kahit ganoon pa man ay hindi maikakaila na ito lang ang babaeng lumalaban sa kanya. Papaano niya susupilin ang pusong unti-unti nagkakagusto sa kanyang secretary--- Si Jessica Delgado. Mabibigyan pa ba sila nang pagkakataon na masabi ang nararamdaman sa isa\'t Isa. Paano kung puro mga pagsubok na lang ang maranasan nila ABANGAN!
Updated at
Reads
Marco Alvarez 28 years old gwapo at my Perpektong katawan, maraming babae ang nahuhumaling sa kanya, sa tuwing nakikita ito, dahil sa kakaiba niyang karisma, masasabing pinagpala talaga ang lalaking ito.Kung baga noong nagsabog ng kapogian ang kalangitan sinalo niyang lahat, dagdag pa ang magaganda niyang ngiti, at mapupungay na mata, na talagang matutunaw ka kapag tinitigan mo siya.Ngunit sa kabila naman ng natamasa niyang sweerte sa itsura kaakibat naman niya ang patong-patong na problema. Lalo na pagdating sa pera, ngunit hindi siya papayag na walang magbabago sa kanyang buhay.Hanggang isang araw may nag-alok sa kanya ng tulong ang classmate niyang si Rex, dahil roon ay nagkaroon siya ng pag-asa sa sarili at walang pagalin-langan niya itong tinanggap, subalit ng makarating na siya sa location ng lugar, laking gulat na lang niya ng tumambad sa kanya ang isang Bar na hindi pamilyar sa kanya, kaya labis ang kanyang pagtataka.Sa Bar na rin na iyon makikila niya si Maria Lucianne Ramerez, 26 years old, ang babaeng bibili ng buong pagkatao niya, maging daan rin kaya si Lucianne ng pagbabago ng buhay ni Marco o magdudulot lang ito sa kanya ng panandaliang saya.
Updated at
Reads
Mae Versola sa edad na dalawapo't tatlong taong gulang ay ulilang lubos at namumuhay ng mag-isa, hindi rin ito naging madali para sa kanya lalo't naging masalimuot ang kanyang nakaraan. Ngunit mula pagkabata niya hanggang ngayong magdalaga na siya ay mag-isa na niyang tinataguyod ang kaniyang sarili dahil isang taon pa lamang siya noong iniwan ng kaniyang Ama at Ina dahil sa isang aksidente na kumitil ng kanilang buhay na tanging siya lamang ang nakaligtas sa aksidenteng iyon. Hanggang sa kupkopin siya ng kanyang lola at pinalaki ito ng maayos. Subalit sa katandaan ay binawian na rin ito ng buhay kaya naman mag-isa na lang siyang tumira sa bahay ng kanyang yumaong lola at tanging ang kanyang sarili na lang ang inaasahan niya sa araw-araw.. Naging mabait naman ang mga kapitbahay niya, na nagpapabawas sa kanyang matinding kalungkutan at pangungulila. Isang araw nang aksidente niyang makita ang isang taong nagngangalang Zander De Vera sa labas ng kanyang bakuran, hindi na siya nag atubiling tulungan ito lalo't malubha ang kanyang kalagayan. Hanggang sa puntahan niya ito sa pinagdalhang hospital at nakilala nila ang isa't isa, subalit nalaman niyang pamilyadong tao pala ang lalaking tinulungan niya at isa rin itong mayaman tao, pero sa patuloy niyang pagdalaw sa hospital ay unti-unti na ring umibig si Mae kay Zander, subalit alam niyang may asawa itong kinakasama. Dapat ba niyang ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Zander kahit alam naman niyang mali ito? Pero para sa kanya ay gagawin niya ang lahat para magkaroon siya ng konting puwang sa pagmamahal ni Zander, ang lalaking una niyang minahal. Abangan!
Updated at
Reads
Isang masayang pamilya. Puno nang pagmamahalan, ngunit sa isang iglap ay mapapalitan ito nang pighati, galit, puot at pagrerebelde, dahil lang sa isang 'di inaasahang pangyayari.--- Ang pagkamatay ng buong pamilya niya. Sa nangyaring trahedya sa pamilya, may magagawa pa kaya si Alex Guevara para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang pamilya? Ngunit para sa kanya ay gagawin niya ang lahat upang maipaghiganti, wala siyang pakialam kung masama siya sa paningin ng ibang tao. At sino nga ba ang tunay na pumatay? Makakamit pa ba ng pamilya Guevara ang katarungan? Abanga!
Updated at
Reads
Cheska Delmundo, edad dalawampu’t limang taong gulang, isang simpleng babae na nangangarap magkaroon ng lalaking magmamahal sa kaniya. Kaya hanggang sa kaniyang panaginip ay dala-dala niya ang mga pangarap. Ngunit biglang nagulo ang buhay niya nang magpalit ng bagong boss ang kompanya na kung saan siya nagtatrabaho. Dahil puro na lang panlalait ang napapala niya sa lalaki. Naisip tuloy niya kung may galit ba ito sa kaniya? O talaga berde ang dugo nito. Ang nakakainis pa'y akala mo'y kung sinong hari ito kung makapag-utos sa kaniya. Kulang na lang ay ipakulam niya ang bagong boss niya. Hanggang kailan niya kayang pagtiisan ang ugali ni Luke Cortes? Kung sa bawat galaw niya ay may pamumula itong nasasabi sa kaniya. Magagawa kaya ni Chesska na baguhin ang ugali ng boss? Magkakaroon ba ng pag-ibig sa pagitan nila? ABANGAN!
Updated at
Reads
ISLA Stela Montemayor, ang babaeng nagnanais na mabago ang buhay ng kanyang pamilya, dahil simula pagkabata pa lang niya ay naranasan na ang matinding paghihirap, ang isang kahig isang tuka dahil na rin sa katayuan nila sa buhay, Sa kagustuhan niyang mabago ang buhay ng mga magulang niya, ay hinangad niyang magpunta sa lungsod, dahil sa isang babaeng nag-alok ng tulong sa kanya, matapos silang pagtagpuin. Ngunit paano niya ma-iiwan ang lugar na kinalakihan, kung isang araw ay may isang lalaking naligaw sa Isla nila, at ito rin ng naging dahilan para unang beses tumibok ang puso niya. Si Denver, Lamonte, ang lalaking pinili niyang makasama sa Isla kahit ang kapalit nito ay ang pangarap niya para sa pamilya. Ngunit sa kabila ng lahat ay may maganda siyang malalaman tungkol sa lalaking minahal niya, dahil isa pala itong mayamang tao. Si Denver na kaya ang maging daan para mabago ang buhay ni Stela? Tuloy-tuloy na kaya ang pagbabago ng buhay niya kasama ang lalaking pinakamamahal niya? O may mga pagbabago pang magaganap? Abangan!
Updated at
Reads
SAMANTHA VELASCO, edad na dalamput apat na taong gulang. Pumasok ito bilang Isang NBI Agent ng Black Stone upang matulungan ang mga taong naaapi. Taglay ang kasungitan sa katawan, lalo na pagdating sa mga lalaki. Ngunit hindi matatawaran ang angking kagandahan. Isa rin ito sa mga babae na labis na hinahangaan ng mga kalalakihan. Ang papel niya ay imbestigahan ang mga nangyayaring krimen sa bansang pinaglilingkuran. Nais din niyang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kaniyang kapatid na babae at pinakamamahal na Ama. Sa patuloy na pagtanggap sa mga misyon at paghahanap sa taong pumatay sa kapatid at Ama ay hindi niya inaasahan ang makadaupang palad si Mr. Brayn Corts. Sa bawat pagkikita nilang dalawa ay para silang aso at pusa na hindi magkasundo. Sa bawat mission na magkasama ay palagi silang nagbabangayan dahil magkasalungat sila sa buhay. Kung baga parihas silang ma-pride at walang gustong magpatalo. Sa dalawang taong pinagtagpo ng maling panahon, may mabuo kayang pag-ibig sa kanila? Abangan!
Updated at
Reads
Rio-xhen. is a man feared by everyone because of his speed and brutality in killing his enemy, he is also called an incredible person, when he was young he was already skilled in fighting, until he was met in their place by a rich man where he trains children using his talent to become his weapon as a master assassin.When he arrived at the famous rich man's place, he met a woman named Shane Stanley, the daughter of the man who brought him to the place. the woman who can help him get out of the complexities he has to face is also the one who can change his life as an assassin who is paid to kill.look out"
Updated at
Reads
Isang babaeng kinatatakokotan ng kahit sinong tao na makabangga niya dahil sa angking galing nito sa pakikipagtunggali--- Nathalie Collins. Isang mahusay na NBI Agent, dahil lahat ng misyong ibinibigay sa kaniyan ay walang kahirap-hirap niyang nalutas. Ngunit sa kaniyang puso ay nakapaloob ang lungkot at paghihiganti upang mabigyan ng katarungan ang mga magulang na basta na lang pinatay ng taong hindi niya kilala. Sa patuloy niyang paghahanap sa mga kriminal na pumaslang sa pamilya niya, ay unti-unti namang lumalambot ang puso niya sa babaero niyang boss na si Frank Smith. Para sa kanya ay kailangan niyang sumipilin ang kaniyang puso lalo na at alam ni Natalie na sa bandang huli ay siya pa rin ang uuwing luhaan. Ngunit hanggang kailan niya kayang paglabanan ang pag-ibig na nadarama para kay Frank? At may pag-asa pa kayang makamit ng mga magulang ni Natalie ang hustisyang nararapat para sa pamilya? Abanga!
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.