Eat By Stranger SSPG [OBSESSION SERIES 1]
Share:

Eat By Stranger SSPG [OBSESSION SERIES 1]

READING AGE 18+

Miss Alii Romance

0 read

Inilaan ni Ivelle ang buong oras at atensyon niya sa pagiging isang surgeon. Simula nang maabot niya ang pangarap na ito, wala na siyang ibang iniintindi kundi ang trabaho. Dahil dito, hindi na niya madalas nakakasama ang mga kaibigan niya, at halos wala na rin siyang balita tungkol sa kanilang mga buhay.Isang araw, nagulat siya nang tumawag ang matalik niyang kaibigang si Letheia. Humihingi ito ng tulong—isang pabor na mahirap tanggihan. Ikakasal daw si Letheia sa anak ng business partner ng kanyang ama, ngunit ayaw nitong ituloy ang kasal. Nakiusap ito kay Ivelle na pumunta sa bachelor party ng lalaki sa isang sikat na bar at subukang akitin ang groom para hindi na matuloy ang kasal.Bagamat labag sa loob ni Ivelle, pumayag siya para makabawi sa kaibigan. Suot ang maskara upang maitago ang kanyang pagkakakilanlan, nagpunta siya sa party at ginawa ang plano. Ang hindi niya inasahan, ang simpleng pabor ay hahantong sa isang hindi mapigilang gabi—isang gabing nag-iwan ng marka sa kanilang dalawa.Kinabukasan, habang mahimbing pang natutulog ang lalaki, mabilis siyang tumakas. Ang akala niya, tapos na ang lahat. Ngunit ilang araw lang ang lumipas, nalaman niya mula kay Letheia na hindi na natuloy ang kasal. Ang dahilan? Hinahanap na siya ng lalaki.Akala ni Ivelle, ligtas siya dahil sa maskarang suot noong gabing iyon. Ngunit hanggang kailan niya matatakasan ang lalaki na tila handang gawin ang lahat upang matagpuan siya? At paano kung sa paghahanap na iyon, unti-unti niyang madiskubre na hindi lang simpleng "gabi" ang iniwan niya—kundi isang bagay na maaaring baguhin ang kanyang buhay magpakailanman?

Unfold

Tags: darkone-night standHEheir/heiressdramasweetserious
Latest Updated
SPECIAL CHAPTER 2

“Ere na po, ma’am,” sabi ng doktor na magpapaanak sa akin ngayon. Nasa loob na ako ng delivery room, kung saan ilalabas ko na sa mundo ang tatlo kong supling. Halong kaba at tuwa ang nararamdaman ko, habang pinipilit kong maging matatag para sa kanila.

Huminga ako nang malalim, pinakiramdaman ang bawat kirot, at buong lakas akong um……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.