2.944K
VISITORS
142

ABOUT ME

Hi, I’m Miss Alii, your writer. ? Thank you so much for reading my stories and trusting me as an author. I really appreciate all the love and support you’ve been giving, lalo na sa mga bagong stories ko dito sa Stary/Dreame. I may not be as great as other famous authors, pero promise ko na I’ll always do my best to make you happy and satisfied with every story I write. Writing is my passion, and you—my readers—are my biggest inspiration to keep going. ✨ Please continue to support my works, and I hope you’ll enjoy every journey I create through my stories. ?

ABOUT ME

Hi, I’m Miss Alii, your writer. ? Thank you so much for reading my stories and trusting me as an author. I really appreciate all the love and support you’ve been giving, lalo na sa mga bagong stories ko dito sa Stary/Dreame. I may not be as great as other famous authors, pero promise ko na I’ll always do my best to make you happy and satisfied with every story I write. Writing is my passion, and you—my readers—are my biggest inspiration to keep going. ✨ Please continue to support my works, and I hope you’ll enjoy every journey I create through my stories. ?
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Miss Alii

The Mafia Lord's Unexpected Girlfriend

The Mafia Lord's Unexpected Girlfriend

Reads

Mahirap lang si Lyannah, lumaki sa isang liblib na isla at kumapit sa pangakong mabibigyan siya ng maayos na trabaho sa Maynila. Ngunit sa kanyang pagdating, natuklasan niyang isang malaking kasinungalingan ang lahat sa isang bar pala siya dadalhin. Tinakasan niya ang panganib, pero kapalit nito ay ang maging palaboy sa gitna ng siyudad na hindi niya kilala.Sa pinakamadilim na gabi ng kanyang buhay, isang estrangherong lalaki ang lumapit sa kanya. Malaki ang katawan, malakas ang presensya, at tila may itinatagong kapangyarihan. Binigyan siya nito ng pera para makakain at makapag-ayos... kapalit ng isang alok na hindi niya inaasahan maging kasintahan nito.At nang mas makilala niya si Alessandro, doon niya nalaman ang katotohanan.Hindi ito basta mayaman.Hindi ito basta makapangyarihan.Isa itong Mafia Lord at kayang baguhin ang buhay niya sa isang iglap… o wasakin ito nang hindi siya makakatakas.At ngayon… hawak na nito ang puso niya.

Updated at

Read Preview
Claiming The Heart Of My Enemy[CRIMSON LILLIES SERIES 1]

Claiming The Heart Of My Enemy[CRIMSON LILLIES SERIES 1]

Reads

Dahil sa kanilang nakaraan, ang muling pagtatagpo nila ay nauwi sa alitan—alitang humantong sa matinding labanan, galit sa galit. Ngunit paano kung .ang tensyon sa pagitan nila ang maging daan upang unti-unti nilang matutunang mahalin ang isa’t isa? Hahantong kaya ang galit sa isang mainit na pagmamahalan?Ano ang magwawagi—ang pag-ibig na kusang nararamdaman ngunit pinipigilan, o ang galit na unti-unting nawawala dahil sa matinding pagmamahal?

Updated at

Read Preview
The Billionaire's Faithless Vows

The Billionaire's Faithless Vows

Reads

Ipinakasal Thalia ng kanyang ama sa Kay Caspian isang bilyonaryong lalaki na kailanman ay hindi niya minahal. Sa simula, punô ng pagtutol at galit ang kanyang puso, ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unti niyang natutuklasang may ibang anyo ang lalaking ito isang anyo na marunong magmahal at magpakita ng lambing. Hanggang sa hindi na niya namalayan, nahulog na siya rito.Ngunit nang tuluyan na niyang binuksan ang kanyang puso, nagsimulang magbago ang lahat. Ang dating mainit na pagtingin ay napalitan ng lamig, ang dating haplos ay naging sakit, at ang mga salitang minsan ay nakapagpapasaya sa kanya, ngayo’y sugat na sa kanyang damdamin. Lingid sa kanyang kaalaman, may ibang babae na pala sa buhay ng kanyang asawa.Ngayon, kailangan niyang pumili ipaglalaban ba niya ang lalaking minahal na niya nang buong puso, o tuluyan na siyang lalayo upang buuin muli ang sarili na winasak ng pagtataksil

Updated at

Read Preview
Tinik nang Pag ibig

Tinik nang Pag ibig

Reads

Si Syrelle, isang graduating student, ay nagsimula ng kanyang OJT sa isang kilalang kumpanya kung saan nakilala niya ang CEO na si Ryker Damien Lee, isang half-Pilipino at half-Korean. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nauwi sa isang lihim na relasyon ang kanilang pagkakaibigan. Masaya si Syrelle sa piling ni Ryker, kahit alam niyang bawal at walang kasiguraduhan. Ngunit gumuho ang lahat nang bumalik ang babaeng tunay na minamahal ni Ryker, at nalaman ni Syrelle na ginawa lang pala siyang panakip-butas upang takasan ang sakit ng nakaraan. Sa gitna ng matinding kirot at pagkadurog ng puso, pinili niyang lumayo upang maghilom at muling hanapin ang sarili. At sa oras na tila nakakabangon na si Syrelle mula sa sakit na kanyang dinanas, biglang bumalik si Ryker upang suyuin siya at pabalikin sa kanyang buhay. Narealize nito na si Sya na pala ang totoong mahal nito. Ngunit babalik pa nga ba si Syrelle sa lalaking minsan nang nagpasakit sa kanya, o tuluyan na ba siyang lalayo upang hindi na muling masaktan?

Updated at

Read Preview
Serena Sa Ilog [BAOG COLLABORATION #2]

Serena Sa Ilog [BAOG COLLABORATION #2]

Reads

Sa dilim ng lungsod, Si Serona ay tahimik na gumaganti sa nakaraan niyang puno ng pang-aapi. Isang dating walang kalaban-laban, ngayon ay isang babaeng may mapanganib na lihim—isang dancer at na promote na bar manager sa gabi, ngunit isang malademonyong nag hihigante. Mula sa maamo nyang mukha hindi mo aakalain marami na itong nabiktima na iniiwan nya sa tabi ng ilog.Sa kanyang paghahanap ng hustisya, nakatagpo siya ng dalawang lalaking magkaibang mundo—isang mahirap ngunit may pusong dalisay, at isang mayaman ngunit may bahid ng kasalanan. Isa sa kanila ang maaaring makabasag sa pader na itinayo niya sa paligid ng kanyang puso… ngunit isa rin sa kanila ang maaaring maging susunod niyang biktima.Habang sumisikita ang araw, isa-isa nang natatagpuan ang kanyang mga biktima sa tabing-ilog. At sa bawat patak ng tubig, dala nito ang lihim niyang maaaring magtapos sa kanyang sariling pagkawasak.Ngunit hanggang saan siya dadalhin ng paghihiganti? At sino ang tunay na kalaban—ang mga anino ng kanyang nakaraan, o ang nararamdaman niyang hindi niya dapat maramdaman?

Updated at

Read Preview
Eat By Stranger SSPG [OBSESSION SERIES 1]

Eat By Stranger SSPG [OBSESSION SERIES 1]

Reads

Inilaan ni Ivelle ang buong oras at atensyon niya sa pagiging isang surgeon. Simula nang maabot niya ang pangarap na ito, wala na siyang ibang iniintindi kundi ang trabaho. Dahil dito, hindi na niya madalas nakakasama ang mga kaibigan niya, at halos wala na rin siyang balita tungkol sa kanilang mga buhay.Isang araw, nagulat siya nang tumawag ang matalik niyang kaibigang si Letheia. Humihingi ito ng tulong—isang pabor na mahirap tanggihan. Ikakasal daw si Letheia sa anak ng business partner ng kanyang ama, ngunit ayaw nitong ituloy ang kasal. Nakiusap ito kay Ivelle na pumunta sa bachelor party ng lalaki sa isang sikat na bar at subukang akitin ang groom para hindi na matuloy ang kasal.Bagamat labag sa loob ni Ivelle, pumayag siya para makabawi sa kaibigan. Suot ang maskara upang maitago ang kanyang pagkakakilanlan, nagpunta siya sa party at ginawa ang plano. Ang hindi niya inasahan, ang simpleng pabor ay hahantong sa isang hindi mapigilang gabi—isang gabing nag-iwan ng marka sa kanilang dalawa.Kinabukasan, habang mahimbing pang natutulog ang lalaki, mabilis siyang tumakas. Ang akala niya, tapos na ang lahat. Ngunit ilang araw lang ang lumipas, nalaman niya mula kay Letheia na hindi na natuloy ang kasal. Ang dahilan? Hinahanap na siya ng lalaki.Akala ni Ivelle, ligtas siya dahil sa maskarang suot noong gabing iyon. Ngunit hanggang kailan niya matatakasan ang lalaki na tila handang gawin ang lahat upang matagpuan siya? At paano kung sa paghahanap na iyon, unti-unti niyang madiskubre na hindi lang simpleng "gabi" ang iniwan niya—kundi isang bagay na maaaring baguhin ang kanyang buhay magpakailanman?

Updated at

Read Preview
Haunted By Love

Haunted By Love

Reads

Sa likod ng marangyang palasyo at mahigpit na batas ng maharlikang pamilya, si Prinsesa Gabriela ay isang babaeng uhaw sa kalayaan—isang prinsesang nais maranasan ang buhay na malaya mula sa mga alituntuning bumabalot sa kanya. Ngunit sa gitna ng banta sa kanyang seguridad, isang lalaking handang mag-alaga at magprotekta ang ipinadala sa kanya—si Andrew Sarmiento, isang misteryosong butler na may angking kakayahan at matatag na presensya.Sa Pilipinas, natagpuan ni Gabriela ang kalayaang matagal niyang hinahanap, at kasabay nito, natagpuan din niya ang pag-ibig sa piling ni Andrew. Ngunit sa likod ng kanyang matatamis na sandali, may isang lihim na nakatago—ang lalaking minahal niya ay hindi isang ordinaryong butler, kundi isang taong may mas malalim na dahilan sa kanyang pananatili.Ano ang tunay na misyon ni Andrew? At kapag natuklasan ni Gabriela ang katotohanan, mapapanindigan pa rin ba niya ang kanyang damdamin, o ito ang magiging dahilan ng kanilang tuluyang paghihiwalay?

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.