The Innocent Part 5
READING AGE 18+
"Ayaw na ayaw kong tinatakbuhan. O tinatakasan! Huwag na huwag kang gagaya kay Amanda, Mia. Dahil kapag sinabi ko. Ginagawa ko!" banta ni Bryan habang titig na titig ito sa dalaga.
Hindi naman makapagsalita ang dalaga dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Bryan sa kanyang mukha. Takot din itong magsalita at baka bigla siyang halikan muli. Bagkus ay tiningnan na lamang niya ito ng matalim na tingin.
"Bakit ganyan ka makatingin sa 'kin? Papalag ka ba? Baka gusto mo na namang makatim," saad ni Bryan at lalo pang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga.
Kunting-kunti na lang at maglalapat na ang kanilang labi. Pinigilan na lamang ng dalaga ang kanyang pahinga. Habang pinagpapawisan na nakadikit sa ding-ding ang kanyang katawan.
Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone at doon natuon ang kanilang pansin. Kaya agad na nagkaroon ng idea si Mia para umalis sa harapan ng binata. Umilalim siya sa braso ng binata at agad na kinuha ang cellphone sa na nasa ibabaw ng lamesa. Sinagot naman niya agad ang tawag.
"Hello," saad ni Mia na mahina lamang.
"Hello, friend," sagot naman ni Dana ang kaibigan nito.
"Hi, babe. Ikaw pala, susunduin mo na ba ako?" tanong ni Mia.
"Babe?" saad ni Byran ng kunot-noo habang nakatingin ito sa dalaga.
Bigla nitong nilapitan si Mia at inagaw ang cellphone sa dalaga.
"Who are you?" tanong ni Bryan na galit.
"Ikaw, sino ka?" naiinis naman na wika ni Dana sa kabilang linya.
Nang marinig ni Bryan na babae ito ay agad niya pinatay ang tawag.
"Babe, pala, ah," saad ni Bryan na may nakakalokong ngiti habang nakatingin kay Mia.
"Wala kang pakialam!" asik nito sa binata.
"Sa susunod galingan mo, iyong kapani-paniwala. I pick you up tomorrow seven pm. Huwag mo akong tatakasan kung ayaw makatikim muli!"
Unfold
HANGGANG sa makarinig sila ng malalakas na putok ng baril. Duguan na silang pareho, habang nakatingin sila sa bawat isa't isa at doon ay nawalan sila ng malay.
"Bryan! Bryan!" sigaw ni Joseph.
"Mia! Mia!" wika rin nito sa dalaga.
Agad nilang binuhat ang katawan nila Bryan at Mia at isinakay sa kanilang sasa……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……