Love Me, Heal Me SPG
READING AGE 18+
Si Lucas, isang matipuno, guwapo at mayamang binata ngunit nabubuhay sa isang madilim na kahapon, ang peklat ng isang pangit na karanasan sa kanyang nakaraan ang naging sanhi ng bawat bangungot ng kanyang buhay. Eto rin ang naging mitsa ng bawat pagkakamali at latay sa kanyang pagkatao.
Dahil sa pangit na karanasan na naging masamang anino kay Lucas, nagpalipat lipat sila ng tirahan ng kanyang lola na tanging nagmalasakit sa kanya. Ang sakit ng damdamin bilang anak na pinabayaan lamang ng mga makasariling mga magulang ay naging asin na lalo pang nagpahapdi sa kanyang sugatang kaluluwa.
Dahil sa pait ng kahapon ay kinailangan ni Lucas na magdusa emosyonal at pisikal, at higit sa lahat ang trauma ng nakaraan ay naging hadlang at malaking panakot para magawa ni Lucas ang mag mahal at mamuhay ng normal.
Lingid kay Lucas, ang kanyang kapalaran ay biglang magbabago sa pagtatagpo nila ng isang dalaga, si Hailee, na siyang magdudulot ng hindi lamang panic sa kanyang pagkatao, kung hindi muling gigising sa pagkataong kinasusuklaman ni Lucas. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pagiwas at paglayo, ang tadhanang nakatakdang magtagpo ay pagaadyain ng panahon. Lingid kay Lucas, wala siyang kamalay-malay na ang babaeng akala niya ay gumigising sa lahat ng takot at trauma niya, ay siya palang gumagamot at nagpapahilom ng lahat ng sugat niya sa nakaraan. Ang agbig na matagal niyang inasam, pinangarap ngunit iniwasan ay hindi mamamalayan ni Lucas na kusa ng umusbong at naging mas makapit na ugat na hindi kayang mabuwag ng kahit ano pang takot at bangungot ng kanyang nakaraan.
Ngunit sa huli, malalaman ni Lucas sa huling pagkakataon na nagawa ni Hailee na itaya ang sariling buhay at kalusugan magawa lamang na paghilumin ang sugat niya sa nakaraan. Kaya nga bang labanan ni Lucas ang nakaraan at harapin ang kanyang kasalukuyan, magagawa nga ba ni Lucas na magmahal ng busilak at magagawa nga rin ba niya ang kasing busilak ng pagmamahal sa kanya ni Hailee?
Unfold
Ang sakit at pagkagulat ay nagdulot ng shock kay Hailee, kaya nabigla ito at nahirapan siyang huminga. Hindi akalain ng dalaga na ang sobrang lamig kanina, pagod, excitement at stress ay magsasama sa pagkakatoang ito.
"Lucas...Lucas, stop. Sandali lang, teka lang, please help me, help me," pagmamakaawa ni Hailee habang patulo……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……