Madam Ursula
Reads
Sa isang mundong ang salapi ay mahalaga, isang kakaibang pangyayari ang aantig sa inyong puso at kaluluwa. Si Erika ay isang probinsyanang napadpad sa Maynila sa isang pangakong huwad, na pagasa sana niya para makatulong sa kanyang Amang at Inang na halos wala ng makain sa hirap ng buhay sa bukid. Sa kanyang pakikipagsapalaran sa Maynila ay makakaranas ang lupit ng kapalaran at pagsubok si Erika. Halos magunaw ang mundo niya ng malamang niloko lamang siya ng babaeng itinuring niyang kapatid at ang halos maguho ang mundo ni Eroka ng isadlak siya nito sa pinakamababang uri ng trabaho. Sa isang masalimuot na mundo at kalakaran, hindi akalain ni Erika na ang taong pinagkakatiwalaan niya ang siya pang maghahatid sa kanya sa mundong kasuklam- suklam. Samantala, si Tyler naman ay bitbit sa balikat ang guilt dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. kaya ng mag iwan ito ng huling habilin na hanapin at pakasalan ang babaeng naging kabit nito, bagamat labag sa kanyang kalooban ay gagawin niya makaahon lamang sa bigat ng dinadalang sumbat ng kanyang konsensya at may hangaring mabawi ang perang naibigay dito at maibalik sa asawa ng kapatid. Ginawa ni Tyler ang lahat ng paraan para ipahanap ang naging kabit ng kanyang kapatid upang alukin ito ng kasal. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala ni Tyler si Erika at ang bibong anak nitong si Dos na bumago ng kanyang buhay at magdudulot ng liwanang sa kanyang pusong matagal ng malumbay. Ngunit ang dagok ng sandali sa biro ng tadhana ay hindi inakala ni Tyler dahil ang hanapbuhay ng babae ay bagay na hindi ata niya kayang matanggap. ngunit mahiwaga ang pagibig, kusang kumilos at kusang pinagbuklod ang kani-kanilang mga damdamin. Ngunit halos maguho ang mundo ni Tyler ng matuklasan niya, na ang babaeng sinasamba na ng kanyang puso ay ang babae pala ng kanyang Kuya na ipinahahanap nito sa kanya at ipinakiusap na pakasalan.
Updated at
Reads
Mag-isa na namumuhay at naninirahan si Eviona sa isang napakaliit at makipot na silid na matatagpuan sa pinakasukurang bahagi ng isang munting lupang inuupahan. Tubong lalawigan ng Masbate ang dalaga, at napilitan siyang iwan ang kanyang kinagisnang lugar upang makipagsapalaran at subukin ang kapalaran sa Maynila. Dahil sa labis na kahirapan at kakulangan sa pangangailangan, napagpasyahan niyang huwag nang manatili pa sa probinsya kung saan ang tanging ikinabubuhay ay ang paggugol ng mahabang oras sa bukid—mula sa pagtatanim ng kamoteng kahoy at iba pang pananim, hanggang sa paggapas at pag-aani ng palay na kakarampot naman ang kinikita. Inakala niyang sa lungsod ay mas magkakaroon siya ng pagkakataong umasenso at maiahon ang sarili sa hirap. Ngunit hindi lamang sa buhay at kabuhayan siya nabigo. Sa larangan naman ng pag-ibig, tatlong beses na niyang sinubukang magtiwala at magmahal, at tatlong beses din siyang nasaktan at napako ang pag-asa. Laging nauuwi sa wala ang kanyang mga relasyon, at hindi niya matagpuan ang lalaking tapat, mapagkakatiwalaan, at magmamahal sa kanya nang buong puso. Kaya naman sa mga baklang madalas niyang kausap sa trabaho ay tinagurian siyang “tigang”—isang tawag na nagpapahiwatig na walang sinumang nagkagusto sa kanya, walang kasintahan, at tila hindi pinagpala sa pag-ibig at hindi nadidiligan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, magbabago ang takbo ng kanyang buhay at damdamin nang magkaroon siya ng bagong kapitbahay. Mula noong lumipat ang bagong kapitbahay sa katabing silid, gabi-gabi ay hindi makaligtas sa pandinig ni Eviona ang iba’t ibang uri ng tunog na nagmumula sa kabilang panig. Naririnig niya ang malalalim at halinghing at mga ungol, ang mahahabang halinghing na puno ng matinding damdamin, at ang mga dirty talk na binabanggit ng babae at lalaki habang panay ang lagitnit higaang baka na gamit nila. Binibigkas ng mga ito kung gaano kasarap ang ginagawa sa gitna ng init at pagnanasa. Kasabay nito ay ang sunod-sunod na tunog ng pagtatagpo ng mga katawan, ang malalakas na kalampagan, at ang walang humpay na lagitnit ng higaan na tila sumasabay sa tindi ng nararamdaman ng mga nasa loob. Hanggang sa hindi niya namalayan ni Eviona, gabi-gabi na rin siyang dinadalaw ng mga panaginip na puno ng pagnanasa at init, mga pangyayaring hindi pa niya nararanasan sa tunay na buhay. At tuwing siya ay nagigising, nadarama niya ang kakaibang pakiramdam sa kanyang katawan—isang damdamin na bago sa kanya at nag-iiwan ng matinding kaba at pagkamangha. Mula noon, naging madalas na pangarap at hiling ni Eviona na maranasan din mismo ang tila matinding kaligayahang naririnig niya gabi-gabi. Nais niyang damdamin ang bawat damdaming ipinapahayag ng mga halinghing, ang bawat bugso ng hininga, at ang bawat tunog na dulot ng wagas na pagnanasa at lahat ng ito ay nais niyang maranasan kasama ang lalaking nagngangalang Jepoy. At ang kanilang mainit, madamdamin, at puno ng pagnanasang pag-iibigan ay nagsimula dahil lamang sa isang simpleng pagkakamali at hindi sinasadyang pangyayari. Isang gabi, sa pagmamadali at kawalan ng pag-iingat, hindi naisara at naikandado ni Eviona ang pinto ng banyong nagdudugtong sa kanilang dalawa. Kaya naman ang mga pangarap na matagal na niyang iniisip at inaasam, ang mga tunog at damdaming buong gabi niyang pinakikinggan at pinagnanasaan, ay naramdaman at natikman na rin ni Eviona sa unang pagkakataon. Isang karanasang hinding-hindi niya malilimutan habambuhay.
Updated at
Reads
Si Lucas, isang matipuno, guwapo at mayamang binata ngunit nabubuhay sa isang madilim na kahapon, ang peklat ng isang pangit na karanasan sa kanyang nakaraan ang naging sanhi ng bawat bangungot ng kanyang buhay. Eto rin ang naging mitsa ng bawat pagkakamali at latay sa kanyang pagkatao. Dahil sa pangit na karanasan na naging masamang anino kay Lucas, nagpalipat lipat sila ng tirahan ng kanyang lola na tanging nagmalasakit sa kanya. Ang sakit ng damdamin bilang anak na pinabayaan lamang ng mga makasariling mga magulang ay naging asin na lalo pang nagpahapdi sa kanyang sugatang kaluluwa. Dahil sa pait ng kahapon ay kinailangan ni Lucas na magdusa emosyonal at pisikal, at higit sa lahat ang trauma ng nakaraan ay naging hadlang at malaking panakot para magawa ni Lucas ang mag mahal at mamuhay ng normal. Lingid kay Lucas, ang kanyang kapalaran ay biglang magbabago sa pagtatagpo nila ng isang dalaga, si Hailee, na siyang magdudulot ng hindi lamang panic sa kanyang pagkatao, kung hindi muling gigising sa pagkataong kinasusuklaman ni Lucas. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pagiwas at paglayo, ang tadhanang nakatakdang magtagpo ay pagaadyain ng panahon. Lingid kay Lucas, wala siyang kamalay-malay na ang babaeng akala niya ay gumigising sa lahat ng takot at trauma niya, ay siya palang gumagamot at nagpapahilom ng lahat ng sugat niya sa nakaraan. Ang agbig na matagal niyang inasam, pinangarap ngunit iniwasan ay hindi mamamalayan ni Lucas na kusa ng umusbong at naging mas makapit na ugat na hindi kayang mabuwag ng kahit ano pang takot at bangungot ng kanyang nakaraan. Ngunit sa huli, malalaman ni Lucas sa huling pagkakataon na nagawa ni Hailee na itaya ang sariling buhay at kalusugan magawa lamang na paghilumin ang sugat niya sa nakaraan. Kaya nga bang labanan ni Lucas ang nakaraan at harapin ang kanyang kasalukuyan, magagawa nga ba ni Lucas na magmahal ng busilak at magagawa nga rin ba niya ang kasing busilak ng pagmamahal sa kanya ni Hailee?
Updated at
Reads
Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkatagpo ang landas nina Miguel at Athena. Ang kanilang mga puso ay magkakaroon ng unawaan at malalim na ugnayan. Unang pagibig ni Athena si Miguel, habang ganun din ang binata sa kanya. Sa labis at matinding bugso ng pag-ibig ay nagpakasal agad sina Miguel at Athena at namuhay nang tahimik at payapa sa isang maliit na isla. Ngunit ang lahat ay nagbago nang umuwi si Miguel sa Maynila kung saan talaga ito nakatira. Walang kaalam-alam si Athena na si Miguel ay hindi na muling makakabalik at si Miguela ay hindi na pala malaya. Nagpasya si Athena na magtungo sa Maynila at alamin ang lahat. At doon bumagsak ang mundo ni Athena dahil nalaman n niya na may asawa na si Miguel sa Maynila. halos maguho ang mundo ni Athena ngunit inalala niya ang maliit na buhay na nasa kanyang sinapupunan. Nanaig ang pagmamahal ni Athena kay Miguel at mas ninais na mamuhay sa Maynila nang mag-isa at pumayag na maging kabit, makasama lamang ang ama ng kanyang anak. Inilihim niya sa pamilya ang kalagayan, maging ang katotohanan sa pagkatao ni Miguel. At habang si Athena ay naging kabit ni Miguel sa mata ng iba at lalo na ni Paula na siyang unang pinakasalan nito. Doon madiskubre ni Miguel ang lahat, maging ang sanhi ng pagkakaratay ng kanyang lola sa coma.
Updated at
Reads
Parang sinukluban ng langit si Rica nang malaman ang kondisyon niya sa doktor. Lalo pa siyang nalugmok sa kalungkutan nang sabihin nitong bilang na ang panahon niya. Halos hindi na naging normal ang buhay niya magmula noon. Isang alok ng kaibigan ang sasagip sa kanyang lugmok na kapalaran, pero hindi akalain ni Rica na iyon ang magdudulot ng samo’t saring paghihirap sa kanyang buhay. Dahil nang makasama niya ang lalaking dapat ay nakatakdang niyang sirain ang kasal, kasama noon nasira ang kanyang buhay at sinalo ang hirap ng naging bunga ng pagkakamaling iyon. “Bakit ganun? Ako na nga ang nahirapan? Ako na nga ang walang napala. Bakit hanggang ngayon, dalawang taon na ang nakakaraan, ay nakasunod pa rin ang bangongot na iyon sa kanya? Bakit hindi patas? Bakit hindi patas…?" Hindi maiwasan ni Rica na kuwestiyunin ang lumikha.
Updated at
Reads
Hindi Lingid kay Yvonne ang lihim na mga plano ng madrasta. Kapag wala ang ama nito at nasa mga business trip nito ay lumalabas ang sungay nito. Lahat ng mga alaala ng kanyang ina ay inalis nio maging ang mga halaman ay pinakilaman ng bagong babae. Makailang ulit itong nangyari kaya galit na galit si Yvonne at ilang beses pa niyang isinusumbong sa ama ang madrasta ngunit palagi na lamang ay kinakampihan ito ng kanyang papa. Minsan pa nga ay nasampal pa siya ng ama dahil sa pinagbibintangan daw niya ang asawa.Ang pangyayaring iyon ay tumatak sa puso ni Yvonne kaya lumabis ang hinanakit niya sa kanyang ama. Pero totoong narinig niya sa telepono na may kinalaman ang babae ng minsang may biglang nangholdap sa kanya at muntikan na siyang masaksak. Labis na namuhi si Yvonne sa madrasta at lalong naghinanakit sa ama. Pero isang gabi galing sa party si Yvonne ay doon nangyari ang isang trahedyang ang buong akala niya ay siyang kikitil na sa buhay niya. Ngunit sa awa ng diyos ay nakaligtas si Yvonne at napadpad sa bakuran ng isang binatang nagngangalang Intoy. Labis ang naging takot ng dalaga dahil sa traumang naranasan at nangakong gagawin ang lahat upang makapaghiganti at maipaalam sa ama ang kalupitan ng kanyang madrasta.
Updated at
Reads
Matapos ang isang trahedya sa pamilya ni Anthony at malagpasan ang sariling depression at kalungkutan. Sinimulan niyang pangasiwaan ang mga negosyong naiwan ang kanyang mga magulang. Sa tulong ng mga dati na ring pinagkakatiwalaan ng kanyang ama at lolo ay nagawa ni Antohny ang mamuhay ng payapa. Sa isang event na dinaluhan niya ng magputna sa isa sa kanilang mga property ay nakita at nabighani siya sa isang dalaga. Ngunit pag aari ito ng iba. Inaamin ni Anthony na ginamit niya ang kapangyarihan at pera para takutin at silawin ang magulang ng babae para pumayag itong ipakasal sa kanya ang anak nito. Ngunit hindi akalaing ni Anthony na ang ginawang hakbang na iyong ang magdadaa ng delubyo sa kanyang tahimik na buhay. Wala ni Isang beses siyang matandaan na naging masaya ang babae sa kanya ganun din ay hindi siya naging payapa at hindi siya itinuring nitong asawa. Sa paglipas ng panahon ay namatay ang asawa ni Anthony at pinaniniwalaan niyang kagagawan niya ang lahat kaya nagkasakit muli si Anthoy at na depress at iyon ang naging sanhi ng paglabo ng kanyang paningin. Mula ng malibing ang asawa ay nagtago at naging mailap sa tao si Anthony at madalas ay nasa mansion na lamang ito ang mga tauhan ay sa computer na lamang kinakausap. Ngunit sa isang ikot ng kapalaran ay dinala siya ng kanyang tauhan sa isang club na bagamat ayaw niya ay napilitn dahil sa kahilingan ng tapat na tauhan. At doon niya nakilala si Juliana na kalaunan ay inilabas niya para makasama. Nguniti ang mga sandali niya sa kanyang private beach ang nagpatingkad ng curiosity nya sa karakter ng babae. Ngunit ilag si Anthony sa babae at natatakot dahil nararamdaman niyang nagsisimula na naman siyang magkaroon ng interes sa babaeng alam niyang pera ang unang nakikita sa kanya. Ngunit ang pagkatao ng babae at ang paraan ng pagtaggap nito sa kalagayan niya ay hindi akalaing ni Anthony na magpapabago sa pananaw niya sa mga tulad ng babae. Muling binuksan ni Anthony ang kanyang puso at nagtiwala kay Juliana ngunit walang kaalam alam si Anthony na hahadlangan ito ni Maggie ang kanyang beyanan. Ginamit ni Maggie ang isang trahedya at lihim na iniingatan ni Anthony upang e black mail ang biyudo. Ngunit may isa pang lihim si Anthony na wala pang nakakaalam. Pinakamamahal niya si Juliana at hindi siya papayag na mawala ito sa kanya.
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.