Leftover
Share:

Leftover

READING AGE 16+

TheInkOfNyc Realistic Urban

1571 reads

Mayroong mga kadahilanan kung bakit nabubuhay ang isang tao. Maaaring nabubuhay siya bilang isang masuwerteng nilalang o maaari rin namang isang kamalasan. Ngunit, sa sitwasyon ng isang dalagang nagngangalang Euri, nabuhay siya sa mundo bilang isang kamalasan sa iba at lalo na sa kanyang pamilya. Buong akala niya na puro kasiyahan ang kanyang mababatid sapagkat nagmula siya sa isang simple ngunit masayang pamilyang nagturo sa kanya ng mga birtud sa buhay. Sa kasawiang palad, ang kaaya-ayang takbo ng kanyang buhay ay magbabago nang kunin sa kanya ang kanyang mga magulang, ang mga mahahalagang tao sa kanyang buhay.

Ang hindi inaasahang insidenteng ito ang simula ng kanyang kalbaryo at pagtrato niya sa kanyang sariling malas. Magkawatak-watak ang kanilang landas ng kanyang mga nakababatang kapatid. Sa mura niyang edad, mararanasan niya ang pambababoy at pagmamalabis sa kanya ng mga umampon sa kanya.

Tinuring niya ang kanyang sariling isang kamalasan.

Labis na pagkaawa sa kanyang sarili ang kanyang matutunghayan.

Diyos ay kanyang sinisi at kinamumuhian.

Isang taong wala nang tatangkang pupulot.

Basura kung ituring niya ang sarili.

Hanggang kailan niya ipapamukha sa sariling isa siyang tirang wala nang pakinabang pa?



— Akdang Isinulat ni: Eleanor, Aziel S.
— No. of Episodes: 72 chapters
— P.O.V. used: First Person’s Point of View
— Date Signed Off: 28th of January, 2022
— Current Status: UNEDITED; ON THE PROCESS OF EDITING


©Leftover.Dreame.Starywriting2020-2022 | COMPLETED

Unfold

Tags: independentdramatragedyheavyfemale leadcitybetrayalliesself discoverspiritual
Latest Updated
Pagtatapos

Nakatingin ako ngayon sa kanyang mukhang nasa loob ng kabaong. Kahit kailan talaga napakagwapo ng aking tanging pinakamamahal. Kahit na ramdam na ramdam ko ang pamamaga ng aking mga mata dahil sa labis na pag-iyak at walang wastong pahinga'y hindi ko pinagtuonan ng pansin 'yon. Nais kong bago man siya ilibing sa sementeryo katabi ng aking mga ma……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.