The Island Affair
READING AGE 16+
"Hindi mo na kailangang magtago mula sa mundong nanakit sa'yo, Wifey. Dahil dito sa isla ko, ako ang batas... at ikaw ang priority ko."
Si Dr. Ciara Joyce "CJ" Romero ay may perpektong buhay sa Maynila—magaling na doktor, anak ng gobernador, at nakatakda sanang ikasal. Ngunit sa isang iglap, gumuho ang lahat nang matuklasan niya ang maruming pagtataksil ng kaniyang kasintahan. Upang takasan ang kahihiyan at hanapin ang naglahong kapayapaan, lumipad siya patungo sa isang liblib na isla.
Doon ay nakatagpo niya si Arkine James Del Rosario. Sa unang tingin, isa lamang itong tahimik, seryoso, at misteryosong resort manager na may sarili ring sugat na pilit ikinukubli. Noong una, tila isa lamang siyang hangin sa mga mata ni CJ—palaging malayo ang tanaw at malalim ang iniisip. Ngunit hindi para sa mga mata ni Arkine; dahil sa bawat sulyap, pilit niyang binabasa ang lungkot ng doktora.
Ang hindi alam ni CJ, ang simpleng engineer na unti-unti niyang nagiging sandigan ay ang bilyonaryong nagmamay-ari ng buong paraisong kaniyang tinataguan. At kapag ang mga multo ng kanilang nakaraan—ang kaniyang taksil na ex na si Eman at ang mapang-angking doktor na si JM—ay sumunod sa isla upang siya ay bawiin, ipapakita ni Arkine kung gaano kamahal at kadelikado ang maging pag-aari ng isang hari ng paraiso.
Kakayanin ba ng puso ni CJ na magtiwala muli, o ang takbuhan niya para makalimot... ay ang lugar kung saan muling mawawasak ang kaniyang mundo?
Unfold
"Oo na, sige na," wika ni CJ na may kasamang tawa at mahinhing pag-nguso, ramdam ang nangingibabaw na lambing sa panenermon ng kasintahan. "Uuwi na po, Engineer. Huwag ka nang mag-alala, magpapahinga na ako agad pagdating sa condo."
Napangiti si Arkine sa kabilang linya, nawala ang kunwaring pagsusungit sa kanyang mukha at na……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……