I Love You, My Enemy
Share:

I Love You, My Enemy

READING AGE 16+

Dyascallmyname Romance

0 read

"Akitin mo siya. Paibigin mo… tsaka mo durugin."
Iyan ang plano ni Kristine para sa "Control Freak" na si Adam, ang lalaking kumuha ng lahat ng para sa kanya. Pumasok siya sa buhay nito dala ang matinding galit at isang huwad na ngiti. Plano niyang iparanas kay Adam ang impyerno.
Ngunit nagkamali siya. Dahil sa bawat gabi na magkasama sila, sa bawat haplos na naghahatid ng kuryente sa kanyang katawan, ang galit ay napalitan ng mapanirang pagnanasa. Nagbago ang mga patakaran ng laro.
Nahulog si Kristine sa sarili niyang patibong. Paano kung ang paghihiganti ay magbunga ng totoong pagmamahal? Ngunit kapag nabuksan ang mga sikreto ng nakaraan at nalaman ni Adam na ang lahat ay nagsimula sa isang kasinungalingan... may puwang pa ba ang patawad, o tuluyan na silang mawawasak ng katotohanan?
Sa Bar (Adam POV)
“Kristine… let’s go,” sabi ko, sabay hawak nang mahigpit pero maingat sa kanyang braso.
Paglingon niya sa akin—nakangiti siya. Pero halatang-halata na medyo hilo na ito at hindi na diretso ang tingin.
“Uy, sissy!” sigaw ng isa niyang kasama, si Carol yata ito. “Look, your Daddy Adam is here… sinusundo ka na niya, Girl.”
At sabay-sabay silang nagtawanan. Napakunot ang noo ko sa narinig. “Daddy Adam…?” ulit ko sa mababa at pormal na boses na puno ng awtoridad.
“Excuse me! Adam is not my daddy…” sabi ni Kristine sabay tawa ulit kasama ng kanyang mga kaibigan.
“Ha? Eh, ano mo ba siya?” tukso naman ng isa pa nilang kasama.
Doon ko binalingan si Kristine. Ngumiti siya—iyong lutang na lutang na ngiti na tila ba nasa ibang mundo na siya dahil sa kalasingan. Bigla siyang nagtaas ng kamay at dahan-dahang itinatapat ang kanyang daliri sa dulo ng ilong ko.
“He’s my... baby…” aniya habang nakatitig sa akin.
Napakunot lalo ang noo ko. “Baby…?” ulit ko, halatang hindi makapaniwala sa narinig ko. Mula sa pagiging "Atty. Sebastian," naging "Baby" ako sa loob lang ng isang gabi?
“'Di ba, Adam?” Hinila niya ako bigla palapit sa kanya, dahilan para mapayuko ako lalo sa harap niya. “Baby kita? Sabihin mo sa kanila…”
Napapikit ako saglit, pinipigilan ang sarili na huwag sumabog sa hiya at inis sa harap ng mga usisero niyang kaibigan.
“Kristine, tama na—”
“Adam…” lambing niya, nakasandal na halos ang buong bigat ng katawan niya sa akin. “Sabihin mo kasi na baby mo ako…”
Napabuntong-hininga ako. Tumingin ako sa mga kaibigan niya na lahat ay naghihintay ng isasagot ko, bitbit ang mga cellphone na nakahanda nang i-video ang susunod na mangyayari. Wala na akong choice kundi tapusin ang palabas na ito para ayo ko na siya rito.
“Baby ko si Kristine,” sabi ko, madiin ang bawat salita upang manahimik na sila.
Sabay-sabay silang nagtawanan at nagkantiyawan. Pero si Kristine—nanatili lang na nakatingin sa akin. Ngumiti siya nang kontento, parang ako lang ang mundo niya sa sandaling iyon. At sa totoo lang, kahit nakakainis ang sitwasyon, may kung anong kumurot sa puso ko sa paraan ng pagtingin niya.
“Tara na,” sabi ko ulit, hinila ang kamay niya. “Uwi na tayo.”
“Sige…” sagot niya. Pero hindi pa rin siya tumatayo. Nanatili siyang nakaupo, tila nag-e-enjoy sa pag-aantay ko.
Napapikit ako sa gigil at pinigilan ang inis na kanina pa gustong lumabas. “Kristine…” mas mababa na ang boses ko ngayon, iyong tonong nagbabala na. “Tumayo ka na.”
Ngumiti lang siya—parang mas inaasar ako lalo. “Tatayo ako…” sabi niya, ngunit hindi naman gumagalaw ang kanyang mga binti.
Napabuga ako ng hangin at tuluyang nawalan ng pasensya. Lumapit ako nang husto sa tenga niya, sapat na para maramdaman niya ang init ng aking hininga sa kanyang balat.
“Sige,” bulong ko nang seryoso. “Kung hindi ka tatayo… hihigpitan ko ang hawak ko sa 'yo, at bubuhatin na lang kita palabas dito.”
Tumingala siya sa akin, mapungay ang mga mata at may pilyong ngiti sa mga labi bago bumulong pabalik.
“Kiss mo muna ako.”
Napapikit ako nang mariin. Halatang lasing na siya—makulit, matigas ang ulo, at walang pakialam sa mga taong nakatingin sa paligid namin. Pero hindi ko siya pwedeng iwan sa ganitong estado, at lalong hindi ko siya pwedeng hayaang mapahiya.
“Kristine, no... lasing ka na,” mahina pero madiin kong wika. “Tara na, umuwi na tayo.”
“Akala ko ba baby mo ’ko? Patunayan mo sa kanila na baby mo ’ko... kiss mo na ’ko, dali!” Nakatulis ang kanyang nguso, tila isang batang nanghahamon. Ang mga kaibigan niya ay nagsimula nang mag-hiyawan, lalong nagpapadagdag sa tensyong nararamdaman ko.
Ayaw ko man, pero para matapos na ang eksenang ito at ayo ko na siya rito, dahan-dahan akong lumapit. Maingat. Hinawakan ko ang pisngi niya gamit ang isa kong kamay para maging steady siya.
At saglit—marahang dumikit ang labi ko sa labi niya.

Unfold

Tags: familyHEopposites attractbadboyheir/heiressdramasweetoffice/work placesuperpower
Latest Updated
Chapter119

Tiningnan ni Adam ang telepono habang nakasilip sa malawak na lupain at sa kanyang pamilyang masayang nag-aayos ng mga gamit. Ang promotion ay nangangahulugan ng mas mataas na posisyon, malaking dagdag-sahod, at seguridad—bagay na matagal nilang pinangarap bago sila natutong mangarap ng mas malalim.


Huminga siya nang m……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.