“Aray, ano ba?! Bitiwan mo ko!”
Hinatak pabalik ni Savannah ang mahaba niyang buhok mula sa mahigpit na hawak ng isa sa mga kasamahan niyang preso.
Kasalukuyan siyang naglilinis ng banyo nang pumasok ito at bigla na lang siyang sinabunutan.
“Peste kang babae ka! Dahil sa ‘yo, naetsapwera ako na ako rito. Wala ka pang isang buwan, bida-bida ka na agad! Alam mo ba kung ano ang nawawala sa akin, ha?”
She pursed her lips and tried to struggle. Kilala niya ang babaeng bigla na lang umatake sa kanya.
“Bitiwan mo ‘ko, Nimfa! Hindi ko alam ang sinasabi mo.”
Nakagat niya ang labi nang bigla siya nitong itinulak at kung hindi siya nakahawak agad sa gilid ng inidorol ay tiyak na mukha niya ang tatama roon.
Mariin niyang pinaglapat ang mga labi habang nakayukong nakatalikod sa babae.
Ilang araw na siyang pinagdidiskitahan nito at nagtataka siya kung bakit mainit ang dugo nito sa kanya.
Dahil ayon sa ibang mga kasamahan niya ay hindi naman ito mahilig sa gulo at hindi rin palaaway.
Hanggang isang araw ay sinundan niya ito sa banyo dahil plano niyang kausapin pero hindi sinasadya ay narinig niya ang patagong pakikipag-usap nito sa telepono.
“Walang problema, Madam. Walang po-protekta sa kanya rito. Ni wala ngang dumadalaw sa kanya. Isa pa, hawak natin si warden. At alam niyang tao ako ni Sir Dos kaya wala siyang magagawa kahit anong gawin ko sa kanya… Basta kayo na ang bahala sa anak ko at sisiguraduhin kong tapos ang trabaho ko sa oras na ibinigay niyo sa akin.”
Napaigik siya nang bigla siya nitong sinipa sa likod kaya’t napaluhod siya.
“Kinikilala mo dapat kung sino ang kinakalaban mo. Naiintindihan mo?”
Hinila nitong muli ang buhok niya saka binigyan siya nito ng isang malakas na sampal pagkatapos ay kinalakadkad siya nito palabas ng banyo saka itinulak dahilan para mapaupo siya sa sahig.
Halos nabibingi pa siya sa lakas ng sampal nito nang maramdaman naman ang sakit ng pang-upo niya mula sa pagkakasadsad sa sahig.
Lumapit ito sa kanya saka yumuko pagkatapos ay hinawakan ang magkabila niyang pisngi gamit ang isang kamay saka nakangising tinitigan ang mukha niya.
“Ano lalaban ka?” sarkastikong tanong nito habang nakangisi. “Alam mo ba na lalo mo lang pinapadali ang trabaho ko, ha?”
Mariin niyang kinagat ang labi saka galit na tumingala rito. “M-magkano… ang ibinayad nila sa ‘yo, ha?”
Sandali itong natigilan saka mataman siyang tiningnan. “Anong bayad ang sinasabi mo?”
“Narinig kong kausap mo si Arya. Siya ang nag-uutos sa ‘yo para pahirapan ako, hindi ba? Magkano ang ibinayad niya sa ‘yo, ha?
Tumawa ito habang tinatapik-tapik ang pisngi niya. “So, alam mo na pala… Bakit mo tinatanong? May pera ka ba? Kaya mo bang higitan ang ibinabayad nila sa akin?”
Napalunok siya habang kagat-labing umiling. She had realized just how helpless she was. Mula nang mahatulan siyang pumatay kay Chloe ay nawala na sa kanya ang lahat.
Wala siyang pera at siguradong wala na rin siyang trabaho na babalikan pagkatapos ng tatlong taon na sintensya sa kanya.
At wala rin pamilya na maghihintay sa paglaya niya.
With that thought, she suddenly lost her drive to survive.
Mas mabuti pa nga na mamamatay na lang siya kesa ang mabuhay pa.
What is the use of living when you feel nothing but miseries? She was indeed hopeless.
Gusto lang naman niya ay mahalin din siya ng mga taong mahal niya pero kahit anong gawin niya ay walang gustong magmahal sa kanya ng totoo.
She was willing to sacrifice herself for them. Nakahanda siyang gawin ang lahat para sa mga taong mahal niya kahit kapalit pa noon ay dangal niya at sariling kaligayahan.
At nagawa na niya iyon pero sa huli ay naiwan pa rin siyang mag-isa.
Bitterness instantly flowed in her heart. Lahat ng mga taong lumapit sa kanya at nakapalibot sa kanya ay walang ginawa kung hindi ang gamitin lang siya.
They were all had an ulterior motives behind. Walang gustong magmahal sa kanya at wala nang magmamahal pa sa kanya.
Her life was not only a freaking mess but she has a lifeless soul.
What is the use of living in a body with a dead soul?
Napatingin siya sa isang basag na bote sa sahig. Nagpumiglas siya sa mahigpit na hawak ni Nimfa at mabilis na inabot ang basag na bote saka iniumang sa harap nito.
“Heto!” Marahas niyang kinuha ang kamay nito at pilit pinahawakan ang bubog. “Para hindi ka na mahirapan tapusin ang trabaho mo. I’m giving you the chance to kill me… right now.”
Gulat na natigilan ito saka tila hindi makapaniwalang tiningnan siya. Maya-maya ay umiling ito at ngumisi.
“Baliw ka pala eh,” sambit nito saka marahas na inagaw sa kanya ang bote na humiwa sa palad niya pagkatapos ay itinapon iyon sa sahig.
Yumuko siya at tiningnan ang bote na halos katiting na lang ang natira dahil muli itong nabasag.
Bahagya niyang itinaas ang kamay para tingnan ang dumurugong palad. Patuloy ang pagdurugo noon pero nakakapagtakang hindi niya nararamdaman ang sakit na dulot nito.
Pinulot niya muli ang bote saka nakangising tiningnan si Nimfa. “Bakit hindi mo ‘ko patayin? Hindi ba’t matapang ka? Huwag mong sabihin na nakakita ka lang ng konting dugo ay dinadaga ka na agad,” nanghahamon na sambit niya nang mapansin na nakatingin ito sa kamay niya.
She must be crazy enough for seeking her own death. But the sorrow and angst deep within her is more painful than killing her.
And it would be the most favorable thing she could get from her if she could stop her heart for beating and bearing the endless pain na hindi niya alam kung hanggang kailan matatapos o kung may katapusan pa ba.
“Hindi ko pa nararanasang pumatay ng tao pero kung ‘yan ang gusto mo, ibibigay ko sa ‘yo. Pero masyado pang maaga para doon. Hindi pa ako nag-eenjoy na pahirapan ka,” naniningkit ang mga matang sambit nito. “Isa pa, hindi matutuwa ang amo ko kapag tinapos agad kita.”
Akmang lalapit ito sa kanya nang biglang matigilan nang bigla niyang itinutok ang matulis na bubog sa leeg niya.
Hindi siya papayag na maging masaya si Arya sa pagpapahirap sa kanya. She had this opportunity to end her life at hindi niya sasayangin iyon.
“Anong ginagawa mo? Ibaba mo ‘yan, Savannah.” Bigla siyang sinunggaban ni Nimfa at pilit inagaw ang bubog sa kamay niya.
Wala siyang ibang nasa isip ng mga sandaling iyon kung hindi ang tapusin ang buhay niya.
Halos hindi na niya namalayan ang nangyari hanggang sa naramdaman na lang niya ang pag-agos ng dugo sa braso niya habang pilit siyang pinapakiusapan ni Ana na isa sa mga preso na madalas niyang kasama na bitiwan ang bubog na hawak niya.
Nagkakagulo sa paligid niya at isa-isang lumabas ang mga preso habang si Nimfa ay matindi ang pagtanggi at pagpapaliwanag sa mga pulis.
“Anong nangyari? Sinaktan ka na naman ba ni Nimfa? Ayos ka lang ba, Savannah?” nag-aalalang tanong ni Ana. Hinawi nito ang buhok niya na nakatabing sa mukha niya saka inumpisahang linisin ang sugat niya at nilagyan iyon ng plaster.
Tumango siya at tila wala sa sariling tumayo at iniwan si Ana nang tawagin siya ng warden.
Para siyang isang robot na sumunod dito nang sabihin ng warden na pumunta siya sa visiting area dahil may bisita siya.
Lampasan ang tingin nang makita niya ang tinutukoy nitong bisita. Wala siyang makitang dahilan para harapin ito kaya tumalikod siya upang bumalik ng selda.
Pero bago pa siya makahakbang ay mabilis siyang nilapitan ni Lucille at pinigilan sa braso.
“Sav,” mahinang tawag nito. “Pwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang?”
Ilang sandali siyang nanatiling nakatalikod dito. Pinilit siyang iniharap ni Lucille at ganoon na lang ang pagkagulat at panlulumo sa mga mata nito nang tuluyan siyang napagmasdan.
“Oh, God!” Napatakip ito ng bibig nang tuluyan mapagmasdan ang kabuuan niya. “Anong nangyari sa ‘yo? Sinong may kagagawan nito, Savannah?”
Hindi siya sumagot. Maya-maya ay unti-unti siyang nag-angat nang tingin at ilang sandaling tinitigan ang babaeng unang nagwasak ng puso niya.
“Do you feel sorry for me?” Tinabig niya ang kamay nito saka mapaklang ngumiti. “But I’m telling you, it’s none of your f*****g business. J-just leave me alone—”
Hindi pa siya tapos magsalita nang bigla siyang nakaramdam nang matinding pagkahilo kasunod ang biglang pagdilim ng paligid niya.
Nang magising siya ay nasa loob na siya ng isang puting kwarto.
Sigurado siya na nasa ospital siya at hindi sa clinic ng bilangguan.
Nanatili siyang nakatitig sa kisame habang inaalala ang mga nangyari kasabay ang unti-unting pagpatak ng luha niya.
How could she have this pitiful and miserable life in just one snap?
Hindi siya kumilos nang marinig ang pagbukas ng pinto. She had no intention of dealing with anyone.
Mataman tinitigan ni Dr. Gregg si Savannah na hindi man lang natinag sa pagtitig sa kisame kahit na ramdam nito ang presensya niya sa loob ng kwarto.
Napailing siya saka tumikhim upang kunin ang atensyon nito pero hindi pa rin ito kumilos.
Nalaman niya ang buong pangyayari sa loob ng kulungan at kung paano nito nakuha ang mga sugat at galos sa katawan nito.
At dahil siya ang doctor ng anak ni Nimfa ay napaamin niya ito sa kaugnayan nito kay Arya at ang mga ipinapagawa nito rito.
Napabuntong hininga siya at naaawang tiningnan ang dalagang doctor.
Hindi niya ma-imagine kung anong klaseng hirap at sakit ang pinagdaraanan nito para naisin nitong kitilin ang sariling buhay.
He looked at the cliff board he was holding once again and silently thank for it.
Sigurado siya na sa ibabalita niya ay hindi na nito maiisip pang gawin ulit iyon.
Lumapit siya rito na sapat upang mapansin siya nito.
“Kumusta na ang pakiramdam mo, Dr. Sav?.. I’ve put some ointment on your wounds.”
“Mababaw na sugat lang ang mga ito kaya bakit kailangan pang kabitan niyo ako ng dextrose?”
Umupo si Savannah sa gilid ng kama saka pahaklit na tinanggal ang maliit na hose na nakakabit sa braso niya.
Pinigilan siya ni Dr. Gregg pero natigilan ito nang tiningnan niya ito nang masama.
“Nag-aaksaya ka lang ng oras. Tawagin mo na lang ang pulis para maibalik na ako sa kulungan.”
“You haven’t heard the good news, yet…”
Napatigil siya at nagtatakang tiningnan ang doctor.
‘Good news?’
Sa kalagayan niya, may posibilidad pa kaya na may magandang mangyari sa kanya?
Bahagya siyang napailing saka mapaklang tumawa at tumingin sa doctor.
“Good news? Really? Mamamatay na ba ako?” sarkastikong tanong niya saka tumawag.
“It’s not something to be fun of, Dr. Sav, alam mo ‘yan… This might be the most challenging time for you but trying to kill yourself—”
“I’m not here to listen to your preach, Dr. Gregg. Doctor ka at hindi pari para sermunan ako. At kung anuman ang gawin ko sa buhay ko, wala ka nang pakialam doon!”
“Paano kung sabihin ko sa ‘yo na buntis ka? At bilang doktor mo, obligasyon ko na siguraduhin ang kaligtasan ninyong mag-ina.”
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.