Halos hindi makahinga si Savannah sa sobrang tuwa pagkatapos marinig ang ibinalita sa kanya ng kanyang abogado.
“S-sigurado po kayo, Atty.?” muling tanong niya rito na hindi pa rin makapaniwala sa magandang balitang hatid ng abugado.
“You heard it right, Savannah. With your behavior and ethical work and concern with your inmates brought your sentence to reduce to two years. At malaking bagay ang ginawa mong pagligtas sa binatilyong na-hostage. Kung hindi dahil sa ginawa mo ay siguradong hindi kakayanin ng batang iyon ang umabot sa hospital.”
Hindi niya mapigilang kagatin ang labi habang nakangiti. Iginalaw niya ang mga kamay na nakapatong sa mga hita niya at mariing pinisil iyon.
Indeed! She was not dreaming.
Sa wakas, dininig din ang dasal niya.
Lahat ng sakripisyo at pagtitiis niya sa loob ng kulungan ay nagbunga rin sa wakas.
Nagsipag siya at nagpakabuti sa loob ng halos dalawang taon sa pag-asa na mabibigyan siya ng parol.
Akala niya ay wala nang pag-asa na dinggin ang apela ng abogado niya kaya abot-abot ang pag-aalala niya.
Kung tutuusin ay walang kaso sa kanya ang isa pang taon sa loob ng kulungan pero may buhay na dapat niyang isaalang-alang.
Akala niya ay wala nang patutunguhan ang apela nila kaya’t inihanda na niya ang sarili sa isa pang taon na bubunuin sa sintensya niya.
Pero hindi niya akalain na matutupad ang kahilingan niya sa pamamagitan nang pagligtas niya sa binatilyong nabaril ng isang preso.
Who would have thought that the horrible incident inside the prison could be a blessing in disguise?
Ang binatilyong tinutukoy ng abogado ay kasalukuyang dumadalaw noon sa Ina nito na kapwa niya preso. Kasama ang Tatay nito.
Masayang nagku-kwentuhan ang mag-anak nang lumabas ang isa sa mga kasama niyang preso upang harapin ang bisita nito.
Makalipas ang ilang minuto ay bigla na lang itong tila nawala sa sarili nang agawin ang baril ng pulis at hinostage ang binatilyo saka pinaputukan ang mag-anak.
Nadaplisan ng bala ang babaeng preso habang ang binatilyong anak nito ay tinamaan ng bala malapit sa puso nito nang pilitin nitong kumawala.
Sa kabila ng gulo ay naawat ang preso na namaril na base sa naoobserbahan niya rito nang mga nakaraang linggo ay dumaranas ng depression at minsan ay nagpapakita ng senyales nang pagkawala sa katinuan.
“Tulungan niyo ang anak ko! Parang awa niyo na… Dalhin niyo agad sa hospital ang anak ko. May sakit siya sa puso...”
The mother pleaded desperately habang pilit na niyayakap ang anak na nakahandusay.
She stayed rooted and observe the boy for a moment and gazed at the blood flowing from his body.
Medyo may kalayuan ang hospital at base sa kalagayan ng bata ay tiyak niyang hindi ito aabot doon.
Maya-maya ay bumaling sa kanya ang Ina nito at nagmamakaawang humingi ito ng tulong sa kanya.
“Savannah…Doctor ka! Parang awa mo na, tulungan mo ang anak ko! May sakit siya sa puso…”
Her pleads reminded her the profession she had almost forgot.
She’d long driven the idea of being a doctor. Dahil alam niya na hindi na siya makakabalik sa propesyong iyon kahit kailan
She knew Arya wouldn’t allow her to come back and regain the reputation she had lost. Tulad nang ginawa rito ng kanyang Ina.
She contemplated and had a second thought but at the end, in her heart, she’s still a doctor. And in front of her was a patient fighting for his life.
Mabilis siyang lumapit sa bata at pinulsuhan ito. Pagkatapos ay bumaling siya sa Ina nito na tila biglang kumislap ang pag-asa sa mga mata habang isinasalaysay sa kanya ang kundisyon ng anak.
After hearing some of his medical history, she didn’t think twice and promised to do her best to save the boy.
Dahil sigurado siya na hindi kakayanin ng katawan nito kung hihintayin pa na madala ito sa hospital.
Bilang doktor ay ginawa niya lang ang nararapat gawin ng mga sandaling iyon.
Hindi niya kakayaning panoorin na lang ang isang pasyente na unti-unting mamatay sa harapan niya.
Ipinadala niya sa clinic ang binatilyo habang kalmadong inihanda ang mga kakailanganin niya.
She disregarded her current status and performed the basic surgery using her ability and skill as much as she could.
Sandaling sumagi sa isip niya ng mga oras na iyon na maaaring madagdagan ang kaso niya oras na hindi niya mailigtas ang pasyente pero mas nanaig sa puso niya ang sinumpaang tungkulin sa kanyang propesyon kahit wala na siya sa tungkulin.
Fortunately, the patient was rescued on time and was sent to the hospital safely and alive.
“You can pack your thing, Savannah. Aayusin ko lang ang release paper mo at anumang oras ay makakalabas ka na rito.”
Tumango siya at nakipagkamay sa abugado.
“Thank you, Atty. Napakalaking tulong ang nagawa niyo sa akin. You know how much I needed to get freed this time.”
“Don’t mention it. Ginagawa ko lang ang trabaho ko and besides, you served here so well that you only deserve a pardon, not to mention your innocence from that crime.”
She pursed her lips upon hearing the latter and suddenly lost in thought.
Napansin ng abogado ang pagbabago ng reaksyon niya na agad naman nitong naunawaan.
“By the way, after your release I will work on your revoked medical license,” untag nito na nagpabalik sa diwa niya. “Just tell me when you are ready.”
“Hindi na muna sa ngayon, Atty.” Tanggi niya.
Hindi pa napapanahon para bumalik siya sa trabaho lalo na’t mahihirapan pa siya kahit gustuhin niya. May mga bagay na mas mahalagang unahin bukod doon.
“I’ll call you when the right time comes.”
Tumango ang abogado at pagkatapos ng ilang bilin at paalala sa kanya ay nagpaalam na rin ito.
Pagbalik sa selda ay sinalubong siya ni Anna.
“Anong balita, kakosa?”
Ito ang naging kaibigan at kakampi niya sa halos dalawang taon na pamamalagi niya sa kulungan.
Si Anna ang tumulong at sumalo sa lahat ng gawain na hindi niya magawa dala ng kundisyon niya noon.
Though, no one dared to bully her as much as Nimfa did to her, hindi pa rin naging madali ang naging buhay niya sa loob ng kulungan.
Lalo na sa panahon ng pagbubuntis niya.
She had to endure everything despite her delicate pregnancy.
Despite all the hardship and difficulty she had experienced, she successfully hid her pregnancy and safely gave birth to a baby girl.
Pagkatapos niyang ibalita kay Anna ang sinabi ng abogado ay tuwang tuwa itong yumakap sa kanya.
“Masaya ako para sa’yo, Sav,” anito at hinawakan ang magkabila niyang kamay habang nangingilid ang luha. “Mami-miss kita.”
Pinaglapat ni Sav ang mga labi at malungkot na sinalubong ang tingin ng kaibigan.
“Mami-miss din kita. H’wag kang mag-alala. Tutulungan kita na makalabas dito.”
Pinahid nito ang luha saka nagkibit ng balikat. “H’wag mo na muna isipin iyon. Mas importate si Jewel at iyon ang dapat mong pagtuunan ng pansin.”
Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman niya nang banggitin nito ang pangalan ng anak niya.
Jewel brought her life back. Dahil dito ay nagkaroon siya ng rason para ipagpatuloy ang buhay.
Binigyan nito nang pag-asa at liwanag ang madilim niyang buhay na muntik na niyang sukuan.
She was on the brink of seeking her own death dahil wala ng saysay ang buhay niya.
Pero dumating si Jewel at binigyan ng kabuluhan ang buhay niya at ito naging dahilan para bumangon at lumaban.
She was her strength and her weakness, too.
At ngayon magiging malaya na siya ay gagawin niya ang lahat para sa kaligtasan ng anak.
Sabik na sabik na siyang makita at makasama ito.
Mula nang isinilang niya ang anak ay hindi na niya ito muling nakita o nahawakan muli.
Kailangan niyang magsakripisyo. Tiniis niya ang lungkot at sobrang pangungulila para sa kaligtasan nito.
Itinago niya sa lahat ang tungkol sa bata sa pangamba na madamay ito sa paghihiganti ni Arya.
She secluded herself inside the jail at mula nang malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis niya ay hindi na siya tumanggap ng dalaw kahit kanino.
Kahit ang iilan niyang kaibigan ay hindi niya hinaharap kapag dumadalaw ang mga ito.
“Ano na pala ang plano mo paglabas mo?”
Napatingin siya kay Anna na bakas ang pag-aalala sa mukha.
Matalik na kaibigan ang turing niya rito kaya’t wala siyang inilihim dito at ganoon din ito sa kanya.
Ipinagtapat niya rito ang binuo niyang plano.
“Pero sigurado ka na ba sa gagawin mo?” nag-aalalang tanong nito pagkatapos siyang pakinggan. “Paano kung…”
“Back then, I expected to be deprived to become a mother in this lifetime. But Jewel miraculously came into my life. Nang mga panahon na iyon ay wala na akong lakas para mabubay… Siya ang buhay ko, Anna,” emosyonal niyang sambit. “At alam ko na kaloob ng Diyos na mapalaya ako nang maaga para sa kanya. Dahil kailangan ako ng anak ko kaya wala akong hindi gagawin para sa kapakanan at kaligtasan niya kahit kapalit pa ay buhay ko.”
Hindi siya sigurado kung magtatagumpay siya sa gagawin pero iyon lang ang naiisip niyang paraan para solusyonan ang problema niya.
Just imagining herself doing her plan, she felt like wanting to throw up. But the condition of her daughter left her with no choice.
She could swallow her pride and dignity all for her daughter.
At least, just for now…
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.