“Mia, salamat sa pagpayag mo na maging OB nitong anak ko,” sabi ni ma’am Lay at ako naman ang nahiya nang sabihin niya ang salitang anak.
“Ano ka ba naman Lorelay. Para namang hindi tayo magkaibigan,” sabi nito saka tumingin sa gawi ko.
Nakita ko ang magaan nitong ngiti sa akin. Gaya ni ma’am Lay at pamilya ni Rico, ramdam ko ang kasiyahan sa mukha nito.
Para bang hindi kaso sa kaniya na galing ako hindi marangyang pamilya.
“Hindi ko aakalain na may anak na ang anak natin, Lor.” Sabi niya kay ma’am Lay.
“Ako nga rin Mia. I’m sure magugulat itong si Rico.”
“Sabay ba silang uuwi ni Zee dito?”
“Hindi ko pa alam e. Walang balita si Zee sa akin,” sabi ni ma’am Lay. “Nga pala Rachelle, itong si Mia ang mommy ni Rico. Pwede mo siyang tawaging mommy.”
“Ay hala po!” Sabi ko.
“Nakakahiya naman po tita,” s……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.