Binigyan ko ng kape sila sir Sico no’ng bandang hapon. Sandali pa kaming nagkatinginan ni ma’am Zeym at agad naman niyang ibinalik ang paningin niya sa laptop niya.
“Kumain ka na?” tanong ni Rico.
Nakita ko ang bahagyang pagtingin ng dalawa niyang kapatid sa akin.
Ngayon lang ako tinablan ng hiya.
Tumango pa rin ako at nagpaalam na aalis na muna at may aasikasuhin pa ako.
Hindi itinago ni Rico sa akin na may girlfriend siya. Obviously, dapat naisip ko na nagtutukaan lang kami pero walang commitment doon.
Sino ba naman kasing tanga ang bigla nalang bubukaka sa harap ng lalaking may girlfriend na?
Kasalanan ko rin ito. At ang rupok ko pagdating sa kaniya. Titig palang niya ay halos gusto ko ng isuko ang lahat sa sarili ko.
Imbes na ituon ang attention ko sa kaniya, sinubukan ko na lang na mag foc……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.