Hindi ako makatingin kay Rico dahil naiilang talaga ako sa mga titig niya sa akin. Tipong titingin na nga lang sa mukha niya, maiilang pa ako.
“Coffee?” sabi niya at inabot niya sa akin ang kape niya.
Kinuha ko ang tasa at nilagay sa tabi ng lamesa. Nakita ko ang pagngiti niya dahil nakita niya kung paano ko kunin ang tasa na hindi sasagi ang kamay ko sa kamay niya.
“Cute,” sabi niya at ngitian ako. Nahiya ako bigla.
Ang sarap untugin nitong ulo ko sa pader dahil nag-iiba ang reaction ng katawan ko sa presensya niya.
“Shel,” napatingin ako kay sir Sico na busy sa mga papeles na hawak niya.
“Gusto mo ng extra income habang naghihintay ng pasukan?”
Nanlaki ang mata ko at napatitig sa kaniya. “Opo,” excited na sabi ko.
“Gusto mo bang maging secretary ko pansamantala?”
Hala! Naiiyak akong tumango kay sir Sico. Natatawa niyang ginulo ang buhok ko.
“Good. Madali lang naman ang trabaho mo. May secretary ako pero kailangan ko ng taga ayos ng mga papeles ko dito sa bahay, at taga sulat sa mga kailangan kong e note.”
“Salamat po sir Sico,” nakita kong natigilan siya at ngumuso.
“Don’t call me sir. Kuya nalang,” sabi ni sir Sico sa ‘kin saka nagtungo sa harapan ng mesa para kunin ang kape na binigay ni Rico sa akin kanina.
“This is mine,” sabi ni Rico.
Tinignan siya ni sir Sico. “Makikitikim lang naman,”
“Shel,”
“Sir,” agad akong napatingin kay sir Sico.
“Kuya please,” nahihiya ako.
“Sige na. Kuya nalang. Naiilang ako ka-ka sir mo,” natatawang aniya.
“Sige po kuya Sico,”
“Ayuuun!” Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
“Teka, kukunin ko lang laptop ko sa bag,”
Sinundan ko siya nang tingin. Nahagip ng mata ko si Rico na hindi nakangiti, ngunit hindi rin nakasimangot. Blanko lang ang expression ng mukha niya habang nakatingin sa amin ni sir Sico.
Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang paggawa sa mga gawaing bahay. Sa gilid ng mata ko, nakita ko siyang pinapanood ako.
Ako ang kinakabahan at baka maabutan siya ni sir Sico na mariin na nakatingin sa akin.
Alam niyang sinusulyapan ko siya pero hindi siya nahihiya.
Ako pa iyong nahihiya kada naaabutan ko siyang nakatingin sa akin.
Susuwayin ko na sana siya dahil nahihiya at naiilang na ako. Hindi na ako makakilos ng maayos dito habang nag-aalis ng alikabok nang biglang lumabas si sir Sico sa kwarto niya.
“I need to go to the site. Sasama ka Rico?”
“No. May gagawin ako dito mamaya,” mariing sabi ni Rico na mariin na nakatitig sa akin.
“Okay,” tumingin si sir Sico sa akin kaya nginitian ko siya.
“Huwag ka na magluto mamaya ng dinner natin, Shel. Bibili na ako ng dinner mamaya,” tumango ako.
“S-Sige po k-kuya,” nahihiya kong sabi. Nakita ko ang pagsilay nang ngiti sa labi niya.
“I like it,” aniya at umalis na dala ang laptop at susi ng sasakyan niya.
Nang mawala si sir Sico sa paningin namin, agad na umupo si Rico sa harapan ko kung saan ako nagpupunas ng alikabok.
“Do you like Sico?” sabi niya habang humihigop sa kapeng ibibigay niya sana sa akin kanina.
“A-Ano pong sinasabi niyo?” kinakabahang sabi ko.
“Just answer me,” sabi niya ulit.
“W-Wala po akong gusto kay sir Sico,” sabi ko kay Rico.
Tumango-tango siya habang nakatingin sa kape niyang hindi pa maubos ubos ang laman. Grabe! Bilib ako sa kape niya. Hindi maubos ubos ang laman.
“E ako? Gusto mo ba ako?” agad akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hala! Ano ba itong si Rico.
Hindi ako nakasagot. Humaba ang nguso niya.
“Sico didn’t tell me the reason but you confessed to him the you tried to seduce him pero hindi mo kaya? Why?”
Bahagya akong nahiya sa sinabi niya. Sinabi pala ni sir Sico sa kaniya? E bakit naman ililihim e kapatid niya ito.
Isa pa, nabisto niya ako. Sa kaniya ko nga nabigay ang hindi ko dapat binigay.
“Don’t get me wrong but if you’re planning to seduce a Shein, I recommend you… myself.”
Kung may iniinom lang siguro ako, kanina ko pa naibuga iyon.
Napalobo ko ang pisngi ko para pigilang huwag mag-collapse dahil sa sinabi niya.
“Hindi mo ba ako type?”
Seryosong tanong niya na ikinapula ko.
“Ano po bang sinasabi niyo diyan?” kinuha ko ang feather duster pata umalis. Para na akong kamatis sa pula ngayon at ang lakas ng t***k ng puso ko.
Pero hinarangan ako ni Rico kaya hindi ako makadaan.
“You’re running again from me. Stay!”
“N-Naiilang po ako sir,” pag-amin ko sa kaniya.
Magsasalita sana siya nang bumukas ang pintuan kaya napatingin kaming dalawa doon. Nakita ko agad si ma’am Zeym.
“Master Rico?” gulat at natutuwang sabi niya nang makita si Rico.
Agad akong tumalikod para makaalis sa harapan nila. Ngunit bago ako pumasok ng kusina, nakita ko si ma’am Zeym na niyakap si Rico.
Hindi ko alam kung bakit pero nalungkot ako ng bahagya sa nakita.
Busy ako maghapon at halos hindi na ako pumasok sa loob. Alam ko kasing nag-uusap si Rico at ma’am Zeym sa loob. Ayaw kong madisturbo sila.
Nasa hardin lang ako at binubunot ang damo.
“Kailangan ko sigurong dagdagan ang bayad ni mama sa ‘yo,” napaangat ako nang tingin at nakita si sir Sico na nakasilip sa akin mula sa labas ng metal nilang bakod.
Hala! Anong oras na ba at nakabalik na siya?
“Bakit ka nandiyan?”
“Wala na po kasi akong ginagawa sa loob kuya,” sabi ko kahit ang totoo ay ayaw ko lang makadisturbo kina ma’am Zeym.
“Pumasok ka na,” sabi niya. Tumango ako at pumasok nang makita na naglalakad na siya papasok sa gate. Alam kong maabutan niya sa sala si Rico at ma’am Zeym.
Hindi nga ako nagulat dahil pagkapasok ko, naabutan ko siyang salubong ang kilay habang nakatingin kay ma’am Zeym at Rico.
Alam ni kuya Sico na binayaran ako ni ma’am Zeym para akitin siya. Kinakabahan tuloy ako sa gagawin niya.
Nang makita niya ako ay biglang umaliwalas ang mukha niya. “Nakapagluto ka na ng kanin, Shel?” tanong niya sa akin.
“Opo k-kuya Sico,” sagot ko saka tinapunan nang tingin si Rico at ma’am Zeym na ngayon ay gulat na nakatingin sa akin.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.