Trinity's POV
Ito na ba si Jaden? Napakagwapo niya at pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kakilala, weird man pero ganon ang nararamdaman ko and when he suddenly smile at me. My heart beats faster and my world stops. Siya ba ang tinutukoy ni manang na gusto niyang makatuluyan ko? I smile on what i'm thinking. Sobrang tuwa and at the same time ay masaya ako dahil nakilala ko siya. After so many years ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong happiness when Jojo leave me. This guy have something.
We're all here in dining room, eating and talking. They are kind at ramdam ko ang pagwelcome nila sa akin. Halatang iniiwas muna nila ang topic about sa 'fiance thingy' na 'yan, maybe gusto nila na pag-usapan 'yon some other time and I felt relief.
"You should try this." Nilagyan ni David ang plato ko ng afritada.
"Thanks, David." Nginitian ko si David and he smiled, too. He's nice and cute at the same time.
"Mas masarap 'to Trinity." Inabutan naman ako ni Kyle ng caldereta at isinalin niya sa plato ko.
"A-ah thanks din, Kyle." Nakangiti kong sagot na ikinamula niya. What was that?
"Eto pa, eat some dessert." Lumapit sa akin si Arthur at binigyan ako ng isang slice ng chocolate cake, my favorite.
Seriously? Hindi ko naman mauubos ang lahat ng nilalagay nila sa plato ko but I found them cute dahil napaka hospitable nila sa akin.
"Salamat din, Arthur."
"Welcome." Nakangiting sagot nito.
"Mga pabida." Rinig kong bulong ni Daniel sa sarili niya dahil katabi ko lang siya, hindi naman 'yon narinig ng mga kasama ko dito dahil mahina ang pagkakasabi niya. Naiinis ba siya sa mga kaibigan niya?
Tinignan ko si Jaden at nahuli ko itong nakatitig sa akin. Gosh! My heart is beating so fast again. Ano bang meron siya at nagkakaganito ako? Hindi naman kasi ako ganito kapag tinititigan ako ng mga lalake, normal lang kasi sa akin 'yon pero kapag sa kanya? Iba ang nararamdaman ko.
"So, Trinity, nag-aaral ka pa pala, gusto mo ba na ako nalang ang maghatid-sundo sayo?" Tanong ni Jun.
"Jun, kasi-" Nagsasalita pa lang ako nang biglang sumabat si Ben. Ngayon lang siya nagsalita kasi napakatahimik kasi niya.
"That's unfair." Then he looked at me.
"Tama si Ben! Unfair nga 'yon." Pagsang-ayon naman ni Sam.
"Psh." Ben only said.
Pagkatapos naming kumain ay ginuide nila ako sa magiging kwarto ko. The room is big and clean, hindi nga lang siya katulad ng room ko na color pink at malaki pero ayos na din 'to para naman masanay ako sa hindi ko nakaugaliang lugar.
"Thanks ulit sa pagwelcome sa akin. I really appreciate it." I smiled at them including him.
"You're welcome." Sagot nilang lahat.
Iniwan na nila ako dito sa loob ng kwarto para makapag-ayos na ako ng mga gamit ko, makapaglinis ng aking sarili at makapagpahinga.
Wala pang limang minuto ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya napatayo ako sa pagkakahiga ko mula sa kama at pinagbuksan ng pintuan ang kumakatok.
Pagkabukas ko ay si Daniel ang bumungad sa akin.
"May kailangan ka ba, Daniel?" Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay nagdire-diretso siyang pumasok sa kwarto ko at nilock ang pintuan ko. He pinned me on the wall na mas ikinagulat ko. Kinakabahan na ako sa kanya. Sabi ko na nga ba, 'yung pagtitig niya sa akin ay may ibang kahulugan yun.
He smirk na mas lalo kong ikinakaba. "Goodnight kiss." And after that he kissed me.
Hindi agad nakapagreact ang katawan ko sa ginawa niya at nakatingin lang ako sa kanya. After 5 seconds na pagkakadikit ng aming labi ay bumitaw na siya.
"Bye." Umalis na ito sa harapan ko then he waved his hand at lumabas na ng kwarto ko. Nang matauhan ako ay napaupo ulit ako sa kama at napamura.
"Sh*t! He stealed a kiss, sabi ko na nga ba at hindi siya mapagkakatiwalaan!" Dapat talaga ay hindi ako magtiwala ng buo sa mga lalakeng kasama ko dito sa bahay. They are kind and nice pero hindi pa rin maipagkakaila na mga lalake sila at natetempt din. Katulad na lang ng ginawa ng Daniel na 'yon. Stealing a kiss is a crime, you should kiss a person if you love him/her and not for a playtime reasons.
Kinalimutan ko nalang ang nangyari at palalampasin ito pero kapag ginawa na naman niya ulit iyon ay magkakamatayan na kami.
Calling..
09*********
May tumatawag na unknown number sa phone ko. Sino naman kaya 'to?
"Hello? Who's this?" Sinagot ko ang tawag at humiga sa kama.
(This is Kevin. Remember? 'yung guy sa mall na friend mo na?) Si Kevin? Makakalimutan ko ba siya e, siya nga 'yung first crush ko!
"Makakalimutan ba kita? Haha anyway.. where did you get my number?" I asked him. Sa pagkakatanda ko kasi ay hindi ko naman binigay ang number ko sa kanya.
(I have my source..) Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Ha?"
(How are you? Kumusta na pala si Val?)
Speaking of Val, simula nang magkakilala na sila ni Kevin ay palagi nalang niya akong kinukulit na gusto daw niya ulit makita si Kevin at dapat na palagi kong kasama dahil boyfriend ko daw. Kung alam lang niya na hindi naman kami seryoso ni Kevin dun at sinakyan lang namin ang trip niya.
"Hinahanap ka nga niya sa akin e, akala nga siguro niya ay boyfriend na talaga kita."
(Hindi ba pwede?)
"Ha?"
(Ah wala 'yon. If you don't mind nga pala, pwede ba tayong magkita ulit?)
Kinilig naman ako dun. Yayain ka ba naman ng crush mo na magkita ulit kayo ay sinong hindi kikiligin?
"Sure pero bakit?"
(Kumbaga bonding lang dahil may bago akong kaibigan na Trinity ang pangalan)
OMG! Napatili ako sa isipan ko dahil sa sinabi niya. Kevin 'wag kang ganyan dahil mas lalo akong kinikilig sayo!
"H-hehe ganun ba? Uhm.. kailan ba?" Napapangiti tuloy akong mag-isa dahil sa kanya.
(Tomorrow in the afternoon, itetext na lang kita kung saan tayo magkikita. Okay lang ba sayo?)
"Oo naman, Sige."
(Alright, so see you tomorrow then?) He said with his husky voice.
"O-okay." Napahiga ako sa kama at parang tangang tumitili nang mahina habang hinarang ko ang bibig ko sa unan.
(You should rest. It's already 11pm. Goodnight Trinity and sweetdreams) Then he ended the call.
Mukhang mapapasarap ang tulog ko nito. Kilig night for me.
**
" Ganda, Woke up! It's already 7am. Magbreakfast ka na." I feel someone poking my cheeks.
"Hmm.. Who are you?" Tanong ko habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. Ang sarap sarap pa ng tulog ko e!
"It's me, John."
"John, give me more 30 minutes." sagot ko at tumalikod ng pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot.
"No. Get up." Pangungulit niya.
"Later."
"Get up."
"Later."
"At the count of three kapag hindi ka pa bumangon diyan ay may gagawin ako na hindi mo inaasahan." I ignore him. E, sa antok na antok pa ako.
"One-"
"Two-"
"Three.."
"Sinusubukan mo talaga ako young lady ha?" Nagulat nalang ako nang bigla niyang tinanggal ang nakataklob na kumot sa katawan ko at kinikiliti na niya ako sa tagiliran.
"Hahahahahahahaha! Stop it John! Hahahahahahaha!" Sa sobrang pagkakakiliti niya sa akin ay nasa itaas ko na siya habang ako naman ay nakahiga pa rin.
"Ayaw mo gumising e." Sabi niya habang kinikiliti pa rin ako.
"Hahahahahaha! Oo na tatayo na ako." At itinigil na nito ang pagkiliti sa akin.
Pero pareho kaming napatigil dahil sa pwesto namin. He's on top of me at sobrang lapit ng mukha namin. Pareho rin kaming nakatitig sa isa't-isa. Ang gwapo pala ni John lalo na kapag malapitan, now I wonder na maraming nagkakagusto sa kanya.
Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa akin na ikinagulat ko. "Ang ganda mo talaga." Sabi niya habang nakatitig sa labi ko.
Akmang hahalikan na sana niya ako nang naitulak ko siya at tumayo ako. Napahiga na siya ng tuluyan sa kama dahil sa pagtulak ko sa kanya.
"M-maliligo muna ako, bababa na lang ako." Sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. Nakita naman ng peripheral vision ko na tumayo na siya sa pagkakahiga sa kama ko.
"O-okay.. sige, aalis na ako." At mabilis siyang lumabas ng kwarto ko.
Sht! Kung hindi ko lang talaga siya naitulak ay malamang na nahalikan niya rin ako katulad ng ginawa sa akin ni Daniel kagabi. I should must be careful now.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako sa kwarto ko at nagtungo sa dining area. Naabutan ko silang lahat na kumakain na.
"Kain ka na." Nilapitan ako ni Jun at pinaupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Ipinaglagay niya ako ng plato, kutsara at tinidor sa lamesa at pagkatapos ay ipinaglagay niya rin ako ng kanin at ulam sa plato ko.
"Jun, ako na." Pero parang wala siyang naririnig sa sinabi ko. Pagkatapos nun ay umupo na siya sa tabi ko at nag-umpisa nang kumain.
Napatingin naman ako sa mga kasama ko at mukha silang mga nalugi. Nalugi naman saan? Nang tinignan ko si Jaden ay kumakain lang ito at hindi makatingin sa akin.
Jaden, Nacucurious ako sayo, Matagal na ba tayong magkakilala? Pakiramdam ko kasi, oo.
Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilang mailang kina John at Daniel. Sino ba namang hindi maiilang sa lalakeng hinalikan ka at sa lalakeng muntik ka nang halikan? Di'ba?
"Bakit parang ang tahimik mo yata ngayon John? At hindi ka nag-iingay? Nakakapanibago." Puna ni David sa kanina pang walang imik na si John.
"W-wala. Pagod lang siguro ako dahil sa practice." Sagot ni John habang nakayukong kumakain.
"Ganun ba? Speaking of Travis, bakit wala pa siya dito?"
"Sabi nga pala ni Travis sa akin kagabi ay pinapunta raw siya ng mommy niya sa Japan para bisitahin ang lola niya don. Baka next week pa siya makauwi dito." Ani Mason.
Sa kanilang sampu, parang si Mason lang ang hindi gumagawa o kumikilos ng mga kakaibang bagay kapag kaharap ako and I think that's cool. Nakikita ko si Kuya Troy sa kanya. Very cool and quiet.
"I see, How about Kevin? Hindi pa rin ba tapos 'yung emergency sa kanila?"
Bigla kong naalala si Kevin, may lakad pala kami mamayang hapon at kailangan kong magpaganda ng bonggang-bongga para sa kanya.
Si Arthur ang sumagot. "Mamayang gabi ay uuwi raw siya."
"Then good para makita na ni Trinity sina Travis at Kevin." Tumingin sa akin si Daniel at nginisian ako.
Argh! I hate him! Kiss Stealer!
Napatingin na naman ako kay Jaden and I saw him smiling at me kaya napangiti na rin ako. Naaalala ko tuloy sa mga ngiti niya si Jojo. Hay.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.