THIRD PERSON'S POV
Sa paglipas ng isang buwan ay tila nabaliktad na ang mundo nina CJ at Kenneth at sa loob rin ng isang buwan ay maraming mga pagbabago ang nangyari sa buhay ni Allison. Tinotoo nga ni CJ ang sinabi niyang tuluyan na siyang magbabago para kay Allison dahil ngayon ay huminto na ito sa pagiging bully sa paaralan nila kasama sina Laurence at Gene at nagsisikap na rin itong mag-aral ng mabuti. Aakalain mo ba na sa loob lang ng isang buwan ay nangunguna na ngayon si CJ sa academics maging pati na rin sa sports? Talaga ngang malaki ang tulong na naibigay sa kanya ng kasintahan niyang si Allison dahil sobrang laki na ng ipinagbago ni CJ. Naging mas matured na rin itong mag-isip at nakikisalamuha na rin siya ng mabuti at maganda sa ibang mga tao lalo na sa paligid nila.
Sa kabilang banda naman, kung ano ang ikinataas at ikinaganda ng takbo ng buhay ni CJ ay iyon naman ang ikinalugmok at ikinabagsak ni Kenneth. Simula nang makipaghiwalay sa kanya si Allison ay tila para bang nawalan na rin siya ng ganang mag-aral pa. Idagdag pa ang unti-unti niyang paglubog at pagbaba sa academics dahilan para mas lumamang na si CJ sa kanya. Idagdag pa ang pagbabago nito maging pati na rin sa ugali at itsura niya. Kung noon ay kilala siya bilang tahimik at mahinang Kenneth, ngayon ay matapang na ito at may mga kagrupo na sa paaralan nila para mambully at makapanakit ng tao katulad nalang ng ginagawa noon nila CJ. Naging babaero na rin ito at kabi-kabilang babae na ang nakakarelasyon niya sa loob lang ng ilang linggo. Pasimple rin silang nagcu-cutting sa paaralan upang lumabas at gumimik kasama ang mga bagong kaibigan niya.
Hindi na siya ang nakilalang Kenneth noon ni Allison dahil ibang-iba na siya ngayon. Labis itong nasaktan sa ginawa sa kanya ng unang babaeng minahal niya kaya parang naging walang kwenta na rin ang buhay niya. Wala namang nagmamahal at makakaintindi sa pagsisikap niya sa paaralan kaya para saan pa ang ginagawa niyang iyon? Ni hindi rin naman siya mahal ng mga magulang niya maging pati na rin ang kapatid niyang si Kendrick.
Nang maging sila ni CJ ay natuwa si Allison sa malaking ipinagbago ng nobyo niya. Naging mas matured ito at nagsisikap na rin para makapagtapos ng pag-aaral. Baka nga ito pa ang maging Suma c*m Laude ng paaralan nila kapag natapos na nila ang isang taon nilang pag-aaral sa St. Claire University. Natanggap na rin nina Hannah at Paula si CJ para kay Allison dahil nakikita nila kung gaano kamahal ni CJ ang dalaga at ginagawa talaga niya ang lahat para lang mas maging deserving kay Allison. Ang akala nga nila ay hindi na magbabago si CJ pero nagkakamali pala sila kaya humingi sila ng paumanhin kay CJ na lubos namang naiintindihan ng binata.
Hindi rin aakalain ni Allison na ang kaibigan ni CJ na si Laurence ay nobya na ngayon ang kaibigan niyang si Hannah habang si Paula naman na kaka-break lang sa nobyo nito sa kabilang department ay nililigawan na ngayon ni Gene na isa rin sa mga kaibigan ni CJ. Bumagsak lang rin pala ang mga kaibigan niya sa mga kaibigan ni CJ pero natutuwa siya nang sa wakas ay mukhang may magandang lovelife na ang mga kaibigan niya.
Sa apat naman niyang mga bestfriends na trinaydor siya, hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang mga ito sa pangungulit sa kanya pero ngayon ay hindi na sila muling makalapit pa kay Allison dahil palagi na nitong nasa tabi si CJ. Sinabi kasi ni Allison kay CJ na ayaw na muna niyang makita at makausap pa ulit ang apat niyang itinuring na mga kaibigan at kapatid. Kahit nagtataka si CJ kung bakit at paano nangyari iyon ay sumang-ayon nalang siya at lahat ay ginagawa niya para hindi na ulit makalapit pa ang apat na kalalakihan sa nobya niya.
Nasanay na si Allison na sa tuwing makakasalubong niya si Kenneth kasama ang mga kagrupo nito sa paaralan niya ay palagi siya nitong iniinsulto at pinapahiya sa paaralan nila. Sa loob lang ng isang buwan ay kitang-kita na ni Allison ang malaking pagbabago ni Kenneth. Para bang nagkapalit sila ng katauhan ni CJ noon. Hindi niya maiwasang malungkot dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit nagkakaganito ngayon si Kenneth. Kasalanan niya ang lahat kaya pilit nalang niyang iniintindi ang mga ginagawa nito sa kanya.
Maglalakad na sana siya papunta sa klase ni CJ para samahan itong kumain sa Cafeteria nang hinarangan na naman siya ni Kenneth kasama ang mga kagrupo nitong sila Howie, Jomari at Lay.
"Saan ang punta ng manggagamit at isang linggo kong naging girlfriend? Doon ba sa former ex-bully mong jowa?" Nakangising tanong ni Kenneth at pinalibutan nila si Allison kasama ang mga kagrupo niya.
Napabuntong-hininga nalang si Allison. Nasanay na siya sa loob ng isang buwan kaya wala nang bago pa dito.
"Padaanin niyo ako." Madiing sabi ni Allison at maglalakad na sana ulit ito nang bigla siyang hinila ni Kenneth at isinandal sa pader.
Nang tumingin si Allison kay Kenneth ay bigla nalang bumilis ang t***k ng puso niya at halos hindi na rin niya maigalaw ang mga paa niya. Sa loob ng isang buwan, pinilit niyang kalimutan si Kenneth at doon niya ibinuhos kay CJ ang lahat ng atensyon niya pero bakit ganito?
Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin nagbago sa nararamdaman niya at si Kenneth pa rin ang mahal niya?
"Paano kung ayoko?" Tila nang-aakit na sabi ni Kenneth at hinawakan pa ang pisngi ni Allison.
Kahit nagbago man ang ayos ni Kenneth at naging badboy look na ang itsura nito at nawala na ang salamin sa mata nito ay hindi niya maitatanggi na mas lalo pa itong gumwapo at ngayon ay si Kenneth na rin ang Campus Crush sa buong St. Claire bukod sa nobyo niyang si CJ. Kahit sino sigurong babae ay magkakagusto na ngayon kay Kenneth kaya hindi na siya magtataka pa kung bakit every week nalang daw ay may bagong girflfriend ito na nababalitaan niya sa mga kaibigan niyang sina Hannah at Paula.
Pilit pinipigilan ni Allison ang emosyon niya. Gusto niyang maiyak kung bakit nangyari ito sa kanila ngayon ni Kenneth pero alam rin niyang kasalanan niya ang lahat. Kung hindi sana niya hiniwalayan si Kenneth ay hindi sana mangyayari ito pero paano naman si CJ?
"Padaanin mo ako sabi-"
Hindi na naituloy pa ni Allison ang sasabihin niya nang bigla nalang siyang hinalikan ni Kenneth dahilan para mas lalo lang siyang bumigay sa sarili niya. Nakapikit si Kenneth habang hinahalikan siya at sa hindi na rin niya maipaliwanag na dahilan ay hinahalikan na niya si Kenneth pabalik. Naramdaman pa ni Allison ang pagngisi ni Kenneth sa gitna ng paghahalikan nila at mas lalo lang nitong pinalalim ang paghahalikan nila.
"Allison, I know that you still love me." Banggit ni Kenneth habang patuloy pa rin sila sa paghahalikan.
Ang mga kagrupo naman ni Kenneth na sila Howie, Jomari at Lay ay nakatingin lang sa kanila na para bang may nakakaaliw sa pinapanood nila.
Nagulat si Allison sa sinabi ni Kenneth at akmang itutulak na niya si Kenneth nang bigla nalang may humila sa kanya at kaagad namang inambahan si Kenneth ng suntok sa mukha dahilan para mapaatras si Kenneth.
Si CJ.
"How dare you to kiss my girlfriend?" Galit na galit na sabi ni CJ at kaagad nitong itinago si Allison sa likod niya.
Ngumiti naman ng mapang-asar si Kenneth kay CJ at inayos nito ang suot niyang polo. "What's wrong to kissed my ex-girlfriend? Kasalanan ko bang mas magaling akong humalik kaysa sa'yo kaya siya nakikipaghalikan sa akin?" Sabi ni Kenneth at kaagad itong tumingin kay Allison na napayuko nalang dahil sa hiya.
"What? Allison is my girlfriend now at kung gagawin mo ulit 'to sa kanya ay hindi na ako magdadalawang-isip na ipademanda ka!" May otoridad na sabi ni CJ na ikinatawa lang naman ni Kenneth maging pati na rin ng mga kagrupo niya.
"Bakit, CJ? Natatakot ka bang masulot ko 'yang girlfriend mo? Hindi ibig sabihin na ikaw na ang pinakamatalino at pinaka the best daw dito sa St. Claire ay akala mo aayon na sa'yo ang lahat. You used to bully me before at ngayon ay gagawin ko 'yan sa inyo in a different way." Nakangiting sabi ni Kenneth dahilan para matakot na si Allison.
Pakiramdam talaga niya ay may binabalik na itong si Kenneth noon pa man pero hindi nalang niya iyon pinagtutuunan ng pansin.
"Gawin mo ang lahat ng gusto mo, Kenneth at aaminin kong mali ang mga ginawa ko sa'yo noon pero ngayon ay hinding-hindi ako makakapayag na guluhin mo kami ni Allison. Masaya na kaming dalawa ngayon kaya sana ganon ka rin." Malumanay na pagkakasabi ni CJ dahilan para mapangiti si Allison.
Ibang-iba na talaga si CJ at sa paraan rin ng pagsasalita niya ay mas naging kalmado na ito at mapagpasensya.
Humalukipkip naman si Kenneth at tinaasan siya ng kilay. "Sa tingin mo ba magiging masaya na talaga kayo hanggang sa huli? Tandaan mo 'to, CJ, kayang-kaya kong bawiin sa'yo ang mga kinuha mo sa akin at kapag nagawa ko 'yon, uuwi ka lang luhaan at talunan." Nakangisi nitong sabi pagkatapos ay umalis na ito sa harapan nila kasama ang mga kagrupo niya.
Kaagad namang bumaling si CJ kay Allison at tinignan ang kalagayan nito.
"Okay ka lang ba, baby?" Tanong ni CJ.
Tumango lang si Allison at niyakap si CJ. "Okay lang ako. Don't worry about me."
Narinig naman niya na nagpakawala si CJ na malalim na buntong-hininga. "Hinding-hindi ka na niya ulit guguluhin at malalapitan pa. I will guard you and protect you. Okay?" Sabi nito.
Tumango nalang si Allison at hindi na nagsalita pa.
Hindi niya alam pero pakiramdam talaga niya ay may hindi magandang mangyayari.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.