ROBIN'S POV
"Hindi ka na ba binibigyan ng sakit ng ulo ng kapatid ko?" Nakangiting tanong ko kay CJ habang umiinom kami dito sa sala ng bahay namin.
Its already a midnight kaya tulog na rin sina Allison at Mama. Kaming dalawa nalang ni CJ ang gising dahil may pag-uusapan kaming importanteng bagay ngayon.
Umiling naman si CJ at napangiti. "Nah, for the past 1 month, she's being nice to me and I think malapit na rin mahulog ang loob niya sa akin." He said.
Kunwari naman ay nagulat ako sa sinabi niya. "Really? Then how about that Kenneth guy? Ginugulo pa rin ba niya si Allison?" Tanong ko.
Sa sinabi ko ay tila nagdilim ang buong mukha ni CJ at napakapit ito ng mahigpit sa hawak niyang wine glass.
"That moron, he kissed Allison yesterday and I saw that Allison is kissing him back. Hindi na talaga ako makakapayag na malapitan pa niya ulit ang girlfriend ko. Alam mo naman na ginawa ko ang lahat para lang makuha ko si Allison at maging isang topnotcher sa school namin ngayon at maagaw ko ang lahat kay Kenneth. Hindi ko hahayaang malalamangan ulit ako ng gagong 'yon." Then he took a sip from his wine.
I just shook my head and also took a sip from my wine. 1 month ago, CJ planned na kunwari ay nagtangka siyang magpakamatay para lang kaawaan siya ni Allison kasabwat ako at ayon nga ang naging dahilan kung bakit naging girlfriend na niya ang kapatid ko ngayon. Dahil sa likas na maawain si Allison ay hindi niya alam na napaikot siya ni CJ. It was all CJ's planned. Sinadya niya rin sugatan ang sarili niya para maging kaawa-awa siya sa paningin ni Allison. He's so desperate to get Allison's attention dahil naging boyfriend na nga nito noon si Kenneth at hinding-hindi matanggap ni CJ iyon.
Natawa nalang ako sa sinabi niya. "Yeah, that's why pineke mong kunwari ay nagsuicide ka para kaawaan ng kapatid ko at nagtagumpay ka nga. You already got her."
He chuckled. "Papayag ba akong magpakamatay nalang bigla? Baka kapag tuluyan na talaga akong namatay ay makuha na rin sa akin ni Kenneth si Allison at magkaroon na sila ng happy ending. Hindi naman yata ako papayag do'n, Robin. Allison is mine only." Then he crossed his arms and legs.
Demonyo talaga. Hindi na nagbago.
"Then how about Allison's four bestfriends? Alam mo na ba ang dahilan kung bakit ayaw na niyang makausap at makita pa ang mga 'yon?" Tanong ko.
He shrugged. "I still don't know why pero malalaman at malalaman ko rin 'yon. Pabor rin naman sa akin na pigilan ang isa pang mga gago sa paglapit-lapit nila kay Allison. I can't believe this is happening right now! Lahat ng ginawa at plinano ko ay worth it. I'm such a genius!" Nakangisi niyang sabi at sumandal ito sa couch.
Napangisi nalang rin ako. Si CJ lang naman ang gusto kong makatuluyan ni Allison dahil may tiwala ako sa kanya at bestfriend ko siya sa matagal na panahon. Kung hindi rin dahil sa pamilya niya ay tuluyan na kaming naghirap nila Mama. Malaki ang utang na loob namin sa pamilya nila CJ kaya hinding-hindi namin sila magagawang traydurin lalo na ang traydurin ko si CJ sa mga hiling at gusto niya lalo na ang makuha ang kapatid ko.
Tutol ang girlfriend kong si Miracle na pilit kong pinagtutulakan si Allison kay CJ. Katulad ni Allison ay likas rin na mabait at maawain si Miracle pero wala naman siyang magagawa dahil ang gusto ko pa rin ang masusunod dahil kapatid ko si Allison.
My younger sister is very beautiful and hot kaya maging pati na rin ang mga katrabaho ko sa company namin nila Mama ay palihim na pinagpapantasyahan si Allison. Nahuli ko pa minsan ang katrabaho kong si Sydney na tinititigan ang mga bikini photos ni Allison sa f*******: account niya. Nang makita kong ginagawa ni Sydney iyon ay kaagad ko siyang pinatanggal sa trabaho niya dahil sa inis ko.
Hindi na ako magtataka kung bakit baliw na baliw si CJ sa kapatid ko. Allison got all his wants as a man idagdag pang mabait at maunawain ito. Si Allison lang rin ang tanging naging kaibigan niya noong mga bata palang kami bukod sa akin na kuya niya.
"How about the wedding? Kailan niyo naman balak magpakasal?" Nakangisi kong tanong.
Natigilan naman si CJ sa sinabi ko at tila nag-isip. "Gusto ko sigurong baka next month na? Pero syempre, kailangan kong makumbisi muna si Allison na pakasalan ako. Kailangan ko rin dagdagan ang paawa at mala anghel kong acting para mapaniwala ko ulit siya na hindi ko siya mukhang pinipilit sa gusto ko. Mas masarap sa pakiramdam na kusa siyang bumibigay sa akin, Robin at kapag nangyari na 'yon ay may chance na rin ako na angkinin ang lahat ng sa kanya." He smirk.
Tumango naman ako. "Then goodluck to you. Sana magtagumpay ka. Cheers!" Sabi ko at itinaas ang wine glass ko.
Tinaas rin ni CJ ang sa kanya pagkatapos ay ininom namin iyon.
CJ's plan is working.
He's already desperate and obsess to my sister.
HIRO'S POV
Pagkatapos kong dumaan sa Principal's office dahil may ibinigay akong files sa Principal namin ay nakita ko si Allison na naglalakad mag-isa papunta yata sa library. Napangiti naman ako saka lumapit sa kanya at sinabayan siya sa paglalakad.
"Hiro, ikaw pala." Sabi ni Allison at ngumiti ito sa akin.
She's very beautiful. Damn.
"Ako nga. Kakadaan ko lang mula sa Principal's office dahil may pinapabigay na files si Sir Guevarra kay Principal. How about you, are you going to library?" Tanong ko.
Tumango naman siya. "Ah, oo. May pinapakuha kasi sa aking libro si CJ para sana sa exam niya bukas. Nasa practice pa kasi siya ngayon sa basketball kaya ako nalang muna ang nagpresinta na kunin ang mga kakailanganin niyang libro."
I paused for a moment. Totoo ba talaga ang mga ipinapakita ni CJ kay Allison ngayon? Tuluyan na ba talaga siyang nagbago? He suddenly excelled sa academics and sports dito sa St. Claire at natalo na nga niya ako maging pati na rin si Kenneth na consecutive topnotcher sa buong apat na taong pag-aaral namin dito sa St. Claire. 1 month ago, Allison and Kenneth already broke up at nalaman ko nalang bigla na boyfriend na ni Allison si CJ.
There is something wrong between them at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tuluyang naniniwala na nagbago na si CJ kahit ibang-iba na ang mga ipinapakita nito ngayon kumpara noon.
"Do you already love him?" Tanong ko dahilan para mapahinto si Allison sa paglalakad.
"S-sa ngayon, unti-unti ko na siyang nagugustuhan pero aabot rin naman siguro sa puntong kaya ko na siyang mahalin ng buo. Malaki ang ipinagbago niya simula nang maging kami kaya dapat lang sigurong bigyan ko naman siya ng pagkakataon para mahalin ako." Mahina niyang pagkakasabi at bumuntong-hininga pagkatapos.
Napailing nalang ako. "Naging kayo lang pala ni CJ dahil naaawa ka sa kanya? Allison, kung talagang mahal ka niya ay dapat iconsiderate rin niya ang nararamdaman mo. May pakiramdam naman siguro siya na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin siya mahal." Sabi ko.
Napayuko naman ito at pinaglaruan ang mga kamay niya.
"Okay naman kami ngayon at siguro kapalaran ko nang kay CJ lang talaga ako babagsak."
Nakaramdam ako ng awa para kay Allison. She's so kind and selfless kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili kong magkagusto sa kanya ng palihim. Yes, I already like her at sa nakikita kong ganito ang sitwasyon niya ay parang gusto ko nalang siyang yakapin at ilayo kay CJ.
Tinignan ko naman si Allison ng seryoso. "Hanggang ngayon ba ay si Kenneth pa rin ang mahal mo? Please answer honestly." I asked.
Ngumiti naman siya ng malungkot at tumango pagkatapos. "Yes, I still love him but I don't have any choice. Ayokong masaktan si CJ kung patuloy pa rin akong makikipagrelasyon noon kay Kenneth. This is my fate, Hiro. Kay CJ lang talaga siguro ako nababagay."
So, its all because of CJ? Hindi na ako magtataka kung may ginawa na naman siyang kalokohan para paikutin si Allison sa mga gusto niya. I know CJ very well. Maloloko niya si Allison pero kahit kailan ay hinding-hindi niya ako maloloko.
Siya lang naman ang traydor kong kababata. Kilala ko siya, lahat ay gagawin niya makuha niya lang ang gusto niya.
I nodded and I give a hint message to Allison.
"Allison, hindi lahat ng nakikita mo sa paligid mo ay totoo. Please be aware dahil hindi tayo safe sa mundong 'to. Don't be so nice to the people na akala mo ay mapagkakatiwalaan mo dahil in the end, aabusuhin lang nila ang lahat ng kabaitan na ipinapakita mo." Sabi ko.
Naguguluhan namang tumingin si Allison sa akin.
"What do you mean by that?"
Umiling lang ako at ngumiti ulit sa kanya. "You'll find out soon. See you later!" Huling sinabi ko bago na tuluyang iniwan si Allison na naguguluhan pa rin dahil sa sinabi ko.
I need to talk to CJ. Hindi pwedeng paikutin at manipulahin niya lang si Allison ng ganito.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.