Ito ang araw na babalik na sila Mansyon, medyo nalulungkot si Alelie. Kahit papaano ay nag-enjoy naman siya sa Isla. Saka, masarap mamuhay sa Isla, tahimik, sariwa ang hangin at higit sa lahat malayo sa napakagulong lungsod.
"Puwede bang dito na lang ako?" nadulas ang dila ni Alelie, lumabas tuloy ang nasa isipan nito.
Napahinto ang lahat, tumingin ang mga ito kay Alelie lalo na kay Monroe na nagtaka. Nagtatanong ang kanilang mga mata kay Alelie dahil sa sinabi nito.
"Ahh...masama bang tumira dito? May kasama naman ako eh, sina Aling Piling!" patuloy na sabi ni Alelie.
"Don't worry! Matutupad 'yang wish mo pagdating ng tamang panahon at oras." Sagot ni Monroe saka pumasok na ito sa loob ng yate .
Nanulis naman ang nguso ni Alelie. Nagbakasakali lang naman siya, tapos lilibutin niya ang Isla. Si……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.