C-6: The visitor

DOWNPAYMENT (SPG) 1146 words 2022-08-13 06:56:50



Mahigpit na niyakap ni Alelie ang kanyang Ina at kapatid. Nag-iyakan sila sa muli nilang pagkikita - kita. Nakahinga rin nang maluwag si Alelie dahil nasa maayos na kalagayan ang kanyang pamilya. Isa na lang ang kulang at iyon ay ang kanyang Kuya Aries.


"Thank you!" mahinang sabi ni Alelie nang mapalingon ito kay Monroe malapit sa kanila.


Tumango lang si Monroe, wala kang makikitang anumang emosyon sa mga mata nito. Subalit hindi alintana ni Alelie iyon ang mahalaga ay ang kaligtasan ng kanyang pamilya.


"Anak, sino siya? Siya ba ang tumulong sa atin?" tanong ni Aling Laura kapagkuwan.


Hinawakan naman ni Alelie ang kamay ng Ginang.


"Malapit nang makalabas si Kuya, baka bukas narito na siya Inay." Iba ang isinagot ni Alelie.


Biglang lumiwanag ang mukha ni Aling Laura.


"Siyanga anak? Naku, maraming salamat sa Diyos makakatulog na ako nang mahimbing." Masayang sagot ng Ginang.


Masaya din si Alelie dahil maiibsan na ang problemang iniisip ng kanilang Ina.


"Subalit hindi mo pa sinasagot ang aking tanong anak." Tugon ni Aling Laura.


Unti-unting nagbaba nang tingin si Alelie at marahang sinulyapan si Monroe na nakatitig lang sa kanila. Napalunok si Alelie, patawarin siya ng kanyang Ina subalit ayaw pa niyang ipagtapat ang lahat-lahat dito. Tumikhim muna si Alelie bago ito nagsalita at pilit ding ngumiti nang muling tumingin sa kanyang Ina.


"Amo ko po Inay," maalumanay na sagot ni Alelie saka palihim na kinagat ang pang- ibaba nitong labi.


"Ah...ang bait naman niya! Saan kayo nagkakilala at saka anong trabaho mo sa kanya?" tanong ulit ng Ginang.


"Nakilala ko po siya sa resto bar inaya niya akong maging personal assistant niya." Turan ng dalaga.


"Ganoon ba, anong trabaho niya anak?" tanong na naman ni Aling Laura.


"Isa po siyang bilyonaryo Inay, marami siyang negosyo. Saka, baka hindi na tayo magkikita ng madalas alam niyo na sa kanya ako nakatira at malaki ang utang ko sa kanya. Madalang siguro akong pupunta rito sana maintindihan niyo ako." Saad ni Alelie.


"Naiintindihan kita anak, basta huwag kang makakalimot na dadalaw rito. Malayo nga siguro itong lugar na kinaroroonan namin ngayon, kaya maghihintay na lang kami sa pagdalaw mo ulit. At saka, maraming salamat anak napakabuti mo mag- iingat ka palagi." Malungkot na wika ng Ginang.


"Kayo rin po! Kung ano ang ibinilin ni Sir Monroe sa inyo, susundin niyo po sana. Saka, sana tuluyan nang magbabago si Kuya pagkalabas nito mula sa kulungan." Sagot ni Alelie saka niyakap ang Ina.


Nanatiling magkayakap ang mag- ina ng ilang minuto bago tuluyang namaalam si Alelie. Malungkot niyang iniwan ang kanyang Inay at kapatid na tanging ang kanyang pagkaway sa mga ito ang siyang maiiwan niya sa kanila. Agad na pinunasan ni Alelie ang mga luha nito saka umayos na nang upo. Malayo na ang kanilang sasakyan hindi na niya matanaw sina Aling Laura at Aileen. Nailipat na rin si Aileen ng Unibersidad na papasukan nito. Humanga siya kay Monroe dahil napakabilis ng action nito sa kanyang problema.


"Bakit hindi mo sinabi sa Inay mo na kasal tayo?" tanong ni Monroe kapagkuwan.


"Hindi pa ako handa eh! Magtatanong at magtatanong iyon, hindi ko pa siya kayang sagutin." Mahinang sagot ni Alelie.


Tumango -tango naman si Monroe at nagkibit-balikat na lamang. Hindi na sila nag- imikan hanggang sa makarating sila ng Mansyon. Bumababa pa lamang sina Alelie at Monroe ay may isang babaeng blonde ang buhok na tila naghahanap sa kanilang pagdating. Ngumiti ito nang makita si Monroe at agad na lumapit sa kanila ang babae.


"Hi!" bati ng babae sabay halik sa pisngi ni Monroe.


Pinasadahan naman ng tingin ang babae si Alelie mula ulo hanggang paa. Hindi naman nagpatinag si Alelie ni hindi siya nasindak sa pairap na titig ng babae.


"Bago mo?" tanong ng babae na kay Alelie pa rin nakangiti.


"Anong sadya mo?" bagkus ay tanong din ni Monroe.


"Mukhang inosente at bata pa, nag- iba ka na pala ng taste ngayon." Patuloy na sabi ng babae.


"Valerie, stop that! You're scaring her, ano bang sadya mo?" awat naman ni Monroe.


Nakipagmatigasan naman si Alelie nang tingin kay Valerie. Hindi porke't binayaran ang kanyang dangal ay may isang taong hahamakin lang siya kahit sa tingin pa lamang.


"Pumunta ako rito para ibigay sa'yo ito. Closed deal kay Mr. Wong, pinal na at detalyado pirma mo na lang ang kulang. At may I remind you na malapit na ang business trip niyo sa Las Vegas." Wika ni Valerie na kay Monroe na nakatingin sabay abot sa hawak na brown envelope.


Kinuha naman ni Monroe iyon at inilabas ang dokumento saka binasa. Tumango -tango ito kapagkuwan at muling ibinalik sa loob ng envelope ang mga dokumento.


"Good! Care for a drink?" sabi ni Monroe pagkatapos.


"Huwag na, nasira ang araw ko dahil sa nakita ko ngayon. Tawagan mo na lang ako kapag lumipas na ang init ng katawan mo!" tanggi ni Valerie.


Monroe chuckled.


"She's not my fling, shey my Wife!" wika nito.


Kitang-kita ni Alelie ang paglabas ng mga mata ni Valerie at ang pagnganga nito dahil sa pagkabigla.


"You what?" nalilitong tanong ni Valerie.


"She's my Wife," kaswal na sagot ni Monroe.


Natawa si Valerie saka muling tumingin kay Alelie.


"Are you kidding me?" sabi na naman ng dalaga.


"No, I'm not!" nakangiting sagot ni Monroe sabay pakita sa daliri nila ni Alelie na may singsing na suot.


Natigilan si Valerie na hindi maipinta ang mukha nito. Napakurap-kurap pa ito na parang maiiyak dahil sa nakita nito. 


"I've gotta go," mabilisang wika ni Valerie at umiiling-iling pa bago ito humakbang palayo kina Monroe at Alelie.


Gusto sanang matawa ni Alelie kaya lang ay pinigilan na lamang niya.


"Anong problema niyon?" bagkus ay tanong ni Alelie kay Monroe.


"Just don't mind her, isa lamang siya sa mga gustong angkinin ako. Although, naikama ko na siya but not my type to be the mother of my children." Sagot ni Monroe.


Si Alelie naman ang natigilan kasi wala siyang nakita sa kasunduan na maging Ina siya ng magiging anak ni Monroe. Napangiwi tuloy si Alelie dahil sa naiisip nito, nahiling nitong sana ay hindi dahil magiging kumplikado lang ang lahat.


"Mauna na ako sa loob," sabi na lamang ni Alelie.


"Okay! Babalikan kita mamayang gabi just sit back and relax. May laban tayo ulit mamaya," nakangising tugon ni Monroe.


Napilitang ngumiti si Alelie at mabilis itong humakbang palayo kay Monroe. Hindi niya alam ang kanyang iisipin about kay Monroe. Nalilito pa rin siya kung dapata ba niyang pagkatiwalaan ang lalaking bumili sa kanyang dangal.


"Maligayang pagbabalik, Senyorita!" wika ng mga nakahilerang katulong kay Alelie pagkapasok nito.


Nagulat pa si Alelie dahil sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi niya napansin ang mga ito at nakayukod pa. Naiilang namang tumango si Alelie saka napangiti nang pilit din. Halos takbuhin nito ang malaking hagdanan papunta sa kwarto nila ni Monroe. Ay mali, kwarto lang pala niya kung saan siya sinisipingan ni Monroe anumang oras.

Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.