Kumakabog pa din ang dibdib ni Alelie kahit lulan na siya ng kanilang sasakyan. Paano ba naman kasi at muntikan ng mag-krus ang landas nila ni Rain sa bar. Papaalis na ito nang saktong dumating ang binata sa bar kaya sa secret exit siya dumaan para hindi sila magkita. May maganda ding naidulot ang pagpapakulay niya ng buhok saka pagpapa- rebond.
"Kanina ka pa hindi mapakali, is there something wrong?" untag ni Valerie kay Alelie.
Gulat na napalingon si Alelie sa dalaga pero mabilis din itong nakabawi sa kabiglaan.
"Wala naman! May naalala lang ako," pagkakaila nito.
"Okay, sabi mo eh! Diretso na tayo sa kinaroroonan ng Inay at kapatid mo. May bibilhin ka bang pasalubong para sa kanila?" tanong na naman ni Valerie.
"Wow, bakit biglang bait ka yata ngayon?" Bulalas ni Alelie.
Napangisi naman si Va……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.