THE CEO’S CONFIDENTIAL LOVER
(Sensational Romance Novel: Joemar Ancheta)
Chapter 63
Hindi makapaniwala si Adam nang mapagsino niya kung sino ang dumating niyang bisita. Huminto siya at sandaling nagtago. Huminga siya ng malalim. Hindi siya puwedeng haharap kay Ricci na natataranta o kaya ay nauutal. Sa edad niyang dalawampu't walo, akala niya hindi na siya makakaramdam pa ng ganoon. Bumabalik ba siya pagiging tinedyer? Bumilis at lumakas ang t***k ng kanyang puso. Nanlalamig ang kanyang mga daliri. Bakit gano'n? Si Ricci lang ang nakita niya. Si Ricci na dating Janitress nila. Si Ricci na hamak na mas bata sa kanya. Oo nga, si Ricci lang ngunit siya, siya lang naman ang itinitibok ng puso niya ngayon. Siya lang naman ang hinihintay niya at inasam-asam na ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.