CHAPTER 25
Nakita niyang may lumapit na maganda at sosyal na babae kay Adam. Nagkamay sila at nagkangitian. Tumayo siya. Hindi sa gusto niyang mag-order ng maiinom kundi ang pigilan si Adam na mapalapit sa kausap niya. Kabastusan na kung kabastusan pero pumuwesto siya sa gitna nilang nag-uusap.
"Bago ka lang dito? Ngayon lang kasi kita dito nakita" tanong ni Adam na para bang walang silbi na nasa gitna nila siya. Ni hindi siya nito napansin o sinadyang hindi pansinin.
"Yes. I'm from Cebu. Bagong salta dito sa Manila. And you?" tanong ng Cebuano.
"Anong masarap na alak?" sinadya ni Ricci na lakasan ang pagtatanong kay Adam para lang matigil ang pag-uusap ng dalawa.
"Good, I might be a good company for a while, iyon ay kung okey sa'yo." Dumadaan lang ang tingin ni Adam sa kanya.
"……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.