CHAPTER 21
Huminga nang malalim si Adam. Pinagmasdan niyang maigi ang kutsara at tinidor at ang kanyang plato na may dalawang kanin. Nauna nang sumubo si Ricci. Sarap na sarap ito. Ngunit siya, nag-aalangan sa pagkaing nasa harapan niya. Muli niyang nahuling tumingin si Ricci sa guwapong nakasando at naghumbs-up pa ito!
"Sarap pa rin talaga ng pagkain dito idol! The best!" May kasunod pang kindat.
"Huwag nang mambola. Nilibre na kita." Nakatawang sagot ng lalaki.
"Ba't niya nilibre ang pagkain natin?"
"Narinig mo naman yung sinabi di ba?" sagot ni Ricci habang ngumunguya.
"Bakit ba panay ang tingin at ngiti ng lalaking 'yan sa'yo?" bulong muli ni Adam.
"Napansin mo pati 'yon? E, kung pansinin ko rin kaya ang di mo pagsubo. Kumain ka nga muna. Gusto mo pa yatang subuan kita e. Malinis……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.