Thamia
“WHEREFORE, due to reasonable doubt, the accused THAMIA AZRA S. BUENAVENTURA, is hereby acquitted of the crime murder…”
Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. Natulala ako at tila ba wala nang ibang pumasok sa isipan ko nang marinig ang dalawang salitang sinabi ng interpreter sa akin.
Acquitted. Not guilty.
Dahan-dahan na tumulo ang luha ko. Parang isang panaginip ang lahat.
“So ordered!” sabi ng judge at inihataw ang gavel sa block, hudyat na tapos na ang court trial para sa akin.
“Tamie!” May yumakap sa aking gilid pero hindi pa rin ako nakagalaw dahil sa pagkabigla. “Makakalaya ka na!”
Napatakip ako sa aking bibig matapos maproseso ng aking utak ang lahat.
Makakalaya na ako?
“Congratulations, Thamia!”
Napatingin ako kay Atty. Flores, ang aking public lawyer at ang dumepensa sa aking kaso.
“Makakalaya na ako?” Parang hindi iyon mag-sink in sa aking isipan. Totoo ba ito? Hindi ba ito isang panaginip.
Apat na taon ng buhay ko ang nawala sa akin simula nang makulong ako. I was 18 when I was accused of murder kahit na wala akong ginagawa. Napagbintangan lamang ako. Kahit anong sabihin ko, wala akong laban. Nakuha ang mga ebidensya sa bahay namin.
“I’m sorry, Thamia…”
Iyon ang huling mga salitang sinabi sa akin ng aking ina bago siya maglaho sa buhay ko at iwanan ako. Iyon ang huling beses na nakita ko siya at nakulong ako sa krimen na hindi ko naman ginawa.
Lalong bumuhos ang luha ko nang mapagtanto na totoong makakalaya na ako.
Napaupo ako at tinakpan ng aking kamay ang aking mukha habang umiiyak sa kagalakang nararamdaman. Tinapik ni Atty. Flores ang aking balikat.
“You’re free now, Tamie.”
Parang noon lamang ay pinapangarap kong makawala sa impyernong ito. Noon ay hanggang panaginip lamang ang makitang muli ang labas ng selda kung saan ako nakakulong.
Apat na taon…apat na taon ang kinuha sa buhay ko dahil sa maling akusasyon.
“Tamie…”
May yumakap ulit sa akin. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng tumulong sa akin at hindi sinukuan ang kaso ko, pero hindi ko magawang makapagsalita. Magkahalong saya at lungkot ang aking nararamdaman.
Masaya ako na malaya na ako at malilinis na ang pangalan ko, pero malungkot din na nasayang ang ilang taon ng buhay ko.
“Huwag ka nang babalik dito, ah!” Nakangiti ang mga jail guard sa akin nang makalaya ako. Alam ko na binibiro nila ako. “Congrats, Tamie!”
Ngumiti ako sa kanila. Matapos ang naging desisyon ng korte, pinalaya kaagad ako. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala at naluluha pa sa tuwing naaalala ko iyon.
Tumama sa aking mukha ang sinag ng araw nang makalabas ako ng presinto. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang kalayaan na ipinagkaloob sa akin.
“Tamie!”
Napatingin ako sa tumawag sa aking pangalan. Nakita ko ang kaibigan kong si Kiel. Siya ang isa sa mga hindi sumuko sa akin at tinulungan ako.
Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap ko siya. Hindi ko akalain na magagawa ko ulit ito.
“Umiiyak ka na naman,” sabi niya at tumawa. “Pero masaya ako na nakalaya ka na.”
Tumango ako. “Thank you, Kiel. Maraming salamat sa pagtulong sa akin.”
Si Kiel ay kapitbahay namin na naging kaibigan ko na rin. Kahit papaano ay may kaya ang kanilang pamilya kumpara sa akin na pinanganak na mahirap.
Si Mama na lamang ang mayroon ako at tumutulong ako sa kanya na magtrabaho dahil iniwan na kami ng aking ama at ang balita ko ay may ibang pamilya na.
Si Mama na lang ang natitira sa akin pero…iniwan niya rin ako at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nasaan na siya.
“Alam namin na wala kang kasalanan. Mabuti na lang, napatunayan din kahit medyo natagalan. Masaya ako na nakalaya ka na.”
Ngumiti ako kay Kiel. Alam ko na hindi magiging madali ang lahat pero babawiin ko ang apat na taong nawala sa akin matapos kong makulong. Babangon ulit ako.
“May balita na ba kay Mama?”
Dinala ako ni Kiel sa isang kainan. Sinabi niya sa akin na maaaring na-miss ko ang pagkain sa labas ng kulungan.
“Wala pa rin. Simula nang umalis siya, apat na taon na ang nakakaraan, hindi pa ulit siya nagpapakita. Hindi nga namin alam kung…alam niya ba ang nangyari sa ‘yo. Maaaring nagtatago rin siya dahil siya naman ang makukulong kapag nakita siya.” Huminga nang malalim si Kiel. “Ayokong sabihin ito pero hindi kaya ang mama mo ang…”
Hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin. Alam ko ang iniisip niya.
Sa loob ng apat na taon, hindi man lang nagparamdam si Mama. Inabandona niya na ba talaga ako? Maayos kaya ang lagay niya?
Nang makalaya ako, si Mama ang naging wanted dahil siya ang tinuturo ngayon na gumawa ng pagpatay. Hindi ako naniniwala. Maaaring na-setup lang siya kaya nasa bahay namin ang murder weapon.
“I’m sorry, anak.”
Ikinuyom ko ang kamay ko. Naalala ko na naman ang mga salita niyang iyon.
“Anong plano mo na ngayon? Babalik ka pa ba sa pag-aaral?”
Oo nga pala. Tumigil ako sa pag-aaral dahil nakulong ako. Hindi ako nakatuntong ng kolehiyo dahil sa mga nangyari.
“Hindi pa ako sigurado,” sabi ko. Bumagsak ang aking balikat. “I mean, wala akong pera para makapag-aral. Siguro ay maghahanap muna ako ng trabaho at mag-iipon.”
I wonder, may tatanggap kaya sa akin matapos ang nangyari? Paniguradong malalaman ng ibang tao ang pagkakakulong ko kapag nag-apply ako sa trabaho. Isa pa, may tatanggap kaya sa akin ganoong senior high lamang ang natapos ko?
22 years old na ako ngayon. Alam kong itatanong nila sa akin kung bakit hindi kaagad ako nakapasok ng kolehiyo sa edad kong ito. Bukod sa kahirapan, nakulong pa ako.
“Itatanong ko kay Papa at Mama kung may bakante sa trabaho nila. Malay mo ay maipasok ka roon.”
Napatingin ako kay Kiel. Napangiti ako sa sinabi niya.
“Maraming salamat, Kiel. Utang na loob ko ang lahat sa inyo nina Tita. Kung hindi dahil sa inyo, baka hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ako.”
Hinawakan ni Kiel ang kamay ko. Napatingin ako roon.
“Ano ka ba, Tamie? Wala iyon. Alam mo namang mahalaga ka sa akin, hindi ba? Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako sa ‘yo.”
Napatingin ako kay Kiel. Bago naging komplikado ang buhay ko, naalala ko na umamin si Kiel sa akin na gusto niya ako noon. I kind of like him. Hindi naman mahirap magustuhan si Kiel.
Sinabi ko sa kanya noon na hindi pa ako handa sa relasyon dahil magpo-focus muna ako sa pag-aaral ko at trabaho dahil kailangan kong tulungan si Mama. Kahit ganoon, sinabi niya sa akin na maghihintay siya.
Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya sa akin.
Inihatid niya ako sa dating bahay namin. Ikinabigla ko pa na maayos iyon. Inaasahan ko na dahil walang nag-aalaga at napabayaan ay hindi na maganda ang kondisyon nito.
“Inalagaan ko ang bahay ninyo simula nang makulong ka. Welcome home, Thamia.”
Gusto ko ulit maluha, pero sinabi ko rin sa sarili na ayoko nang umiyak. Masyado na akong maraming naiiyak kanina.
“Thank you, Kiel.”
Pumasok ako sa loob ng bahay. Naandito lahat ng alaala ko kasama si Mama, ngunit ngayon ay may bahid na. Rito niya ako sa bahay na ito iniwan at dito rin ako dinampot ng mga pulis noon.
Umakyat ako sa kuwarto. Nang mahiga ako sa kama, kusang tumulo ang mga luha kahit na sinabi ko sa sarili na hindi na ako iiyak. Hindi ko akalaing magagawa ko pa ulit maranasan ang kahit papaano’y malambot na kama.
Nang magising ako kinabukasan, sinabihan kaagad ako ni Kiel na nabanggit ng kanyang ina na may bakanteng trabaho sa pinagtatrabahuhan nito. Kung gusto ko raw, maaari akong mag-apply.
Nag-ayos ako kaagad. Sinabi ko sa sarili na wala akong dapat sayangin na oras.
Nakapila ako sa interview. Ang sabi ni Tita sa akin, maging honest lang daw ako sa mga sagot ko.
Kinakabahan ako. Paano kung…inilingan ko ang sarili. Napawalang-sala naman ako. Wala naman talaga akong ginawang krimen.
After my first interview, I was told na nakapasa ako para sa final interview. Iyon nga lang, hindi same day ang final interview.
Natuwa ako. Kahit na hindi nakapagtapos ay may pag-asa ako. Iyon ang pinanghawakan ko hanggang sa mawala iyon sa final interview.
“We conducted a background check, Miss Buenaventura,” sabi ng final interviewer. “Nakulong ka pala ng apat na taon? What case?”
Ito iyong ikinatatakot ko. Ito iyong pinag-aalala ko. Mauungkat at mauungkat ang pagkakakulong ko.
“M-Murder…”
Katahimikan ang namuo sa loob ng silid. Nang mapatingin ako sa mga taong naroroon ay nakita ko kung gaano sila natakot sa akin.
“Pero napatunayan naman po na hindi ako ang may kasalanan. Napagbintangan lang po…”
Habang tumatagal ay humihina ang aking boses. Ikinuyom ko ang aking kamay. Alam ko na iba na ang tingin nila sa akin.
“Tatawagan ka na lang ulit namin kung tanggap ka.”
Doon na nawala ang lahat ng pag-asa ko. Dahil alam ko na hindi na ako makakatanggap pa ulit ng tawag sa kanila. Alam ko na naapektuhan na ng pagkakakulong ko ang tingin nila sa akin.
Lumabas akong malungkot at naglakad papaalis doon. Sinalubong pa ako ni Tita Letty, ang nanay ni Kiel.
“Kumusta?”
“Tatawagan na lang daw po ako. Nalaman po nila na nakulong ako.”
Bumagsak din ang ekspresyon ng mukha ni Tita pero agad niyang binawi ang sarili.
“Huwag kang mawalan ng pag-asa. Malay mo naman, hindi ba?”
Kilala ang kompanyang pinagtatrabahuhan ni Tita. Malaki ito at pagmamay-ari ng kilalang pamilya rito sa bansa. Imposibleng tanggapin ako ng mga ito lalo na at maaari kong madungisan ang pangalan at reputasyon nila.
“Maraming salamat po, Tita.”
Ayoko na rin na mahila ko si Tita pababa. Baka isipin ng iba ay konektado si Tita sa isang kagaya ko.
Nagtangka pa akong maghanap ng ibang trabaho, pero parati nilang nalalaman ang tungkol sa pagkakakulong ko.
Sa huli, wala akong mahanap na trabaho. Kapag naririnig nila ang salitang murder, nag-iiba ang tingin nila sa akin.
I didn’t kill anybody, pero dahil sa akusasyon na nangyari, ganoon ang tingin ng iba sa akin.
Naupo ako sa isang bench. Wala na akong pera. Paubos na ang natitirang ipon na mayroon ako.
Binuksan ko iyong tinapay na binili ko sa convenience store. Naiiyak ako sa nangyayari pero hindi ko hinayaan na bumagsak ang mga luha.
Tumingala ako. Makulimlim ang kalangitan, parang ang nararamdaman ko.
Paano kaya kung umalis ako ng bansa at magbago ng katauhan? Magpapakalayo-layo ako at babaguhin ang pangalan ko at iba pang dokumento.
Bumagsak ang aking balikat sa naisip. Kakailanganin ko ng malaking halaga para roon. Wala na nga akong natitirang pera.
Kailangan ko pa ring magtrabaho. Kahit anong trabaho sana. Pagnakaipon ako, aalis ako sa bansa at babaguhin ko ang lahat sa akin nang sa ganoon ay hindi ako makilala at hindi na maidikit sa akin ang kirmeng hindi ko ginawa.
Ganoon na nga lang siguro. But in order to do that, I need a lot of money. Saan naman ako kukuha nito?
Kinuha ko ang mumurahing kape na binili ko rin sa convenience store. Tumayo ako at uminom sa kape ko.
Habang naglalakad ako, wala ako sa sarili dahil sa mga iniisip. Hindi ko namalayan na makakabangga na pala ako.
May dumaan sa harapan ko and I crashed on her. Natapunan ko ng kape ang kanyang suot na damit.
“Oh, my god!”
Nanlaki ang aking mga mata lalo na nang sumigaw ang babae. Nataranta ako at agad siyang nilapitan. Kinuha ko rin ang panyo na mayroon ako.
“Sorry po, hindi ko sinasadya.”
Idadampi ko sana ang panyo sa kanya nang tabigin niya ako. Malakas ang pagkakatabig niya sa akin kaya napaupo ako sa sahig at natapon ang kape.
“Don’t touch me!”
Nananakit ang aking pang-upo dahil sa pagkakaupo ko sa sahig. Hindi ako makatayo. Bukod pa roon, nahihiya ako sa mga taong nakatingin sa amin at nakasaksi ng nangyari.
May mga lumapit na lalaki sa kanya. Hindi ko magawang maingat ang aking ulo.
“What’s wrong?” tanong ng isang lalaking may baritonong boses.
“Ito kasing babae na ito! Tinapunan ako ng kape.”
Alam ko na nakatingin na siya sa akin. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa kanya.
“Don’t treat a girl like that, Nella.” Lumapit sa akin ang lalaki. He offered me his hand.
Sa gulat ko, hindi ko napigilan ang sarili at nagtaas ng tingin sa kanya, and I saw a beautiful man. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ito kagandang lalaki.
Tinulungan niya akong tumayo. Pinagpagan niya rin ang suot kong damit.
“Ah, hindi na—”
May inilabas siyang panyo at ipinunas iyon sa aking pisngi.
“You have a dirt on your face. Such pretty face shouldn’t have filth on it.”
Wala akong nagawa. Natulala lang ako sa angking gandang lalaki ng kaharap ko.
“Migo, are you seriously going to waste our time with that petty girl? You, playboy!”
Roon lamang nasira ang ilusyon ko nang marinig ko na ang boses ng babaeng nakabangga ko kanina.
“Come on now, Nella. I’m not a playboy. It just my nature to be nice to people especially to girls.” Kinindatan ako ng lalaki na siyang dahilan upang mamula ang aking pisngi.
Hinawakan niya ang kamay ko. Ipinatong niya ang panyo niya roon.
“Take care of yourself,” sabi niya sa akin bago umalis.
Masama akong tiningnan ng babae at umirap. The guy placed his hand on the small of her back.
Tiningnan ko ang panyo na ibinigay niya sa akin. Napansin ko na may nakasingit doon. Kinuha ko ang maliit na card at napagtanto na business card iyon.
Miguel Aeneas Landaverde
CEO, Landaverde Conglomerate
May nakalagay roon na contact number niya.
Muli akong nagtaas ng ulo at naabutan ko siyang inaalalayan papasok ng kotse ang babae. Muli siyang tumingin sa akin. Ngumiti ito nang pagkalambing-labing at sinenyasan ako.
“Call me.”
My stomach churned. I was mesmerized by his beauty for a second, pero totoo nga ata ang sinabi ng babae. Playboy ito.
Inilingan ko ang sarili. Hindi ako dapat makipag-ugnayan sa mga ganoong klase ng lalaki.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.