Thamia
NANLALAMIG na naman ang aking kamay habang kaharap ko si Miguel. But unlike before, this is more business-like meeting.
Sinundo ako ng kanyang driver kanina at dinala ako rito sa building ng kompanya ng mga Landaverde.
Naghihintay ako sa isang lounge. Nang ipakilala ko ang sarili ko sa sekretarya ni Miguel, dito niya sinabi na maghintay ako.
Maganda ang facility at binigyan pa ako ng juice at cake. Hindi ko lang magawang makain iyon dahil kinakabahan talaga ako.
“Miss Buenaventura?”
Medyo napatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng sekretarya ni Miguel.
“Y-Yes po?”
Masyado akong tensyonado na napapapitlag ako sa kaunting ingay.
Ngumiti siya sa akin, siguro para mawala ang kabang nararamdaman ko.
“Hindi pa lang po tapos ang meeting ni Mr. Landaverde. Kung may iba po kayong kailangan, sabihin ninyo lang po sa akin.” Tumingin siya sa cake at juice na hindi ko pa nagagalaw. “May iba po ba kayong gusto?”
“Ah, hindi na. Okay lang. Thank you. Maghihintay na lang po ako rito.”
Ngumiti ulit siya sa akin at tumango. Lumabas siya ng lounge at naiwan akong mag-isa.
Tiningnan ko ang cake. Baka mawala ang kaba ko o mabawasan man lang ito kung kumain ako.
Kinuha ko ang cake at tinikman iyon. Halos maghubog puso ang aking mga mata. Sobrang sarap nito! Mas masarap pa siya sa cake na inaakala kong pinakamasarap na!
Nagpatuloy ako sa pagkain habang tinitingnan ko ang lounge.
Itong lugar pa lamang na ito ay sobrang ganda na at well-facilitated. Sobrang high-end ng kanilang building. Hindi na ako magtataka dahil mayaman talaga sina Miguel.
Nag-research din ako tungkol sa kanya at marami silang negosyo. Lalo tuloy akong kinakabahan na nagagawa kong makipag-usap sa kagaya niya.
“Sorry for the wait.”
Halos mabitawan ko ang platito na hawak ko nang marinig ko ang boses niya. Mabuti na lang at nahawakan ko ulit nang mahigpit.
Tiningnan ko si Miguel. Kagaya noong unang beses ko siyang makilala, nakangiti na naman siya sa akin.
“Looks like you’re enjoying the cake,” sabi niya at naglakad papalapit sa akin.
Naupo siya sa aking tabi at ipinatong sa backrest ang isang kamay. He’s hovering me now, at pakiramdam ko ay sinasakop niya ang buong pagkatao ko.
“You have an icing here.”
Hinawakan niya ang aking baba at marahang pinadaanan ng kanyang hinlalaki ang gilid ng labi ko upang matanggal ang icing.
Nanlaki ang aking mga mata, pero hindi ko magawang iiwas ang tingin ko sa kanya.
Inilapit niya sa kanyang labi ang hinlalaki niyang may icing at dahan-dahan na dinilaan iyon. Lalong nanlaki ang aking mga mata at pinamulahan din.
He’s flirting with me!
Bahagya akong lumayo sa kanya. Tumikhim ako at iniyuko ko ang aking ulo. Mas lalo niyang pinapalala ang aking nararamdaman!
“Hmm, the cake tasted good, or did it become sweeter after touching your mouth?”
Ikinuyom ko ang aking kamay at kinagat ang aking labi. He really knows how to make girls flatter! Ang problema, hindi iyan ang pinunta ko rito.
“Uhm…tungkol sa contract,” panimula ko. “Akala ko ay pag-uusapan natin iyon?”
Tiningnan ako ni Miguel. Ngumisi siya at umiling.
“You know how to spoil the fun, hmm?”
Tumayo siya at may nilapitan na isang safe lock. Binuksan niya iyon at may kinuha. Muli siyang bumalik sa kinaroroonan ko pero hindi na naupo sa tabi ko.
Kumalma ako at bumalik sa normal na bilis ang pagtibok ng puso ko. Mas maganda nga na huwag siyang lumapit muna sa akin.
Ibinigay ni Miguel sa akin ang kontrata at kinuha ko iyon. Agad kong binasa ang nilalaman.
Mabilis basahin ang mga nakasulat sa kontrata kaya naintindihan ko ang mga nakapaloob doon.
Nagtaas ako kay Miguel ng tingin at may itatanong sana nang mapansin ko ang paninitig niya sa akin. Napasinghap ako.
Kung titigan ako nito ay para bang gusto niya na akong hubaran o kainin nang buo.
“May tanong ako,” sabi ko.
Ngumiti siya sa akin pero lalo lamang naging intense ang pagtingin niya sa akin.
Hindi naman malaswa ang aking suot, pero pakiramdam ko ay na-e-expose ang buong pagkatao ko nang dahil sa kanya.
“Tungkol sa kondisyon mo,” sabi ko.
“What about it?” Nanatili ang paninitig niya sa akin sa ganoong paraan. Kaya nakaramdam na ako ng pagiging hindi komportable.
“Pwede bang huwag mo akong tingnan sa ganyang paraan?”
Nagtaas siya ng tingin mula sa aking katawan para salubungin ang titig ng aking mga mata. May nakakalokong ngiti sa kanyang labi.
“Why? How do I look at you? Did I make you uncomfortable?”
Tumango ako. “Oo. Para mo akong hinihubaran sa paninitig mo.”
Lalong lumawak ang ngiti niya. “Hmm, I’m just imagining how good you’ll look when I take off all your clothes.”
Nag-init ang katawan ko. Alam ko na hindi iyon magandang senyales.
Gusto ko ba talagang pasukin ang trabaho na ‘to? Pero 20 million ang kapalit kung mabigyan ko siya ng anak.
Isinantabi ko ang iniisip na pag-atras. Siguro naman ay makakayanan kong pakisamahan si Miguel at magagawa ko ring matiis ang kanyang ugali.
“Isa pa, why are you so tense, Thamia? I mean, alam mo naman siguro kung anong dapat gawin para makabuo ng bata, hindi ba?”
Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Alam ko naman! Kaya nga bago ako pumunta rito, may naisip akong isang kondisyon sa kanya kung pagbibigyan niya ako.
“Oo…” Para bang nilunok ko lahat ng gusto kong sabihin na salita sa kanya.
“Anyway, what’s your question?”
Bigla kong naalala na may itatanong nga pala ako sa kanya! Nawala iyon sa isipan ko kanina.
“Oo, about dito sa mga conditions mo sa kontrata.”
Kinikilabutan ako sa kanya. Hindi kasi nawawala iyong ngiti niya, pero imbis na isipin ko na masayahin lang talaga siyang tao, nagbibigay kilabot sa akin ang mga ngiti niya. Pakiramdam ko, sa likod ng tila maamo niyang mga ngiti ay isang taong hindi ko dapat pagkatiwalaan.
“What about it?”
“Pwede bang i-discuss mo pa sa akin ang mga ito?”
Tumango siya at kinuha sa akin ang kontrata. Nabasa ko naman pero hindi ko lang din siguro inaasahan ang mga nakalagay na kondisyon.
“Right, I will discuss my conditions with you—”
“Wait, itatanong ko lang din. Since may kondisyon ka, pwede bang magbigay rin ako ng kondisyon?”
Tumaas ang isang kilay niya sa akin. “I believe you were in no position to give conditions…” Hinagod na naman niya ako ng tingin. Napayakap ako sa sarili dahil doon at nakakuha ako ng nakakalokong ngiti sa kanya. “But since I am feeling generous right now, sige. Let me discuss my conditions first, bago natin pag-usapan ang kondisyon mo.”
Nagkasundo kami sa ganoon kaya hinayaan ko siyang magsalita.
“I only have four conditions for you. The first one is that you will need to sign an NDA. This is to protect both parties, including but not limited to our agreement and our identification. No part of these agreements will be disclosed, but with a few exceptions. Second condition, you’re to live under the same roof as I am. In order for this arrangement to succeed, kailangan nating magsama sa iisang bahay. I will provide you with everything that you will need in preparation for conceiving my heir, such as medical expenses, essential needs, and whatnot. Third, emotional attachment is strictly prohibited between the employer “me” and the employee “you”. This relationship is purely physical. So, don’t fall in love with me.”
Ngumisi si Miguel. Nagsalubong ang kilay ko nang hindi inaasahan dahil doon.
“Don’t worry, Sir. Wala akong balak magkagusto sa ‘yo.” Lalo na at halatang babaero naman siya.
“Good. Now, onto the last condition. Once you give birth to my heir, you will lose all connections to me and the child. You will disappear from his life. If we’re clear on all of this, we can sign the contract today, and it will be effective immediately.”
Pinag-isipan kong mabuti ang mga sinabi niya. Mukhang mahihirapan lang ako sa huli niyang sinabi dahil baka ma-attach ako sa bata. Kailangan ko sigurong ikondisyon ang aking isipan.
Kung sabagay, magpapakalayo rin naman ang plano ko.
“Deal.”
Ngumiti siya sa akin at tumango. Inilagay niya sa coffee table ang kontrata.
“Now, about your condition,” sabi niya sa akin.
“Tungkol doon…” Pinagsalikop ko ang aking kamay. “Pwede bang dahan-dahanin mo lang muna at huwag akong bibiglain? You see…” Sinilip ko siya. Nakataas ang kanyang kilay na para bang nagtataka sa kung anong ibig kong sabihin. “Virgin pa kasi ako. Hindi ako…sanay sa ganitong bagay. Kaya pakiusap ko na sana huwag mo akong biglain.”
Natahimik ang buong silid. Tiningnan ko si Miguel at hindi ko maipinta ang itsura niya.
Nasabi ko na virgin pa ako. Paano kung ayaw niya nito at gusto niyang may experience na?
“Virgin ka?” tanong ni Miguel.
“Oo, sana walang problema iyon sa ‘yo.” Kinurot-kurot ko ang aking kamay para mawala ang tensyong nararamdaman ko.
Hindi kaagad nagsalita si Miguel. Tila lalong naging delikado at madilim ang ekspresyon ng mukha niya. Natakot tuloy ako.
“That…will not be a problem. Don’t worry, Thamia…”
Lumapit sa akin si Miguel. Sobrang bilis ng kilos niya na hindi ko agad siya napansin.
“I will train you well.”
Hindi ko gusto ang sinabi niya, dahil para akong ginawang aso ng mga salita niya. Kaya lang, nakakapagtaka na bumaliktad ang sikmura ko sa mg salita niyang iyon.
Nang magkasundo kami sa lahat ng nakasaad sa kontrata, pinirmahan na namin ito.
“I will notarize the contract and send you a copy. Ihanda mo na ang gamit mo, my driver will pick you again tonight.”
Namilog ang mata ko. Kaunti na lang, luluwa na ito dahil sa mga nakakabigla niyang sinasabi.
“Agad?”
“Agad. Is there any reason to delay it?” tanong ni Miguel sa akin.
Umiling ako. Wala na naman pero…
Naisip ko si Kiel. Hindi pa ako nakakapagpaalam sa kanya.
“Pwede bang bukas na lang. May mga bagay pa akong kailangang asikasuhin.
Pumayag naman si Miguel doon. I guess, hindi naman siya masyadong mahigpit.
Napa-notaryo niya kaagad ang kontrata at matapos iyon ay binigyan niya ako ng sarili kong copy.
“I have a final question, Thamia…”
Bago ako umalis ay kinuha niya ulit ang atensyon ko. Tiningnan ko si Miguel at hinintay ang susunod niyang sasabihin.
“Why are you so eager to get a job? Maging ito ay tinanggap mo.”
“I have my reasons, Mr. Landaverde.”
Humalukipkip siya. His biceps are flexing. Napatitig ako sandali roon before I mentally slap myself.
“And you can’t share it with me?”
Napayuko lang ako. Nag-isip ako kung dapat bang sabihin ko sa kanya.
Hindi naging mahigpit si Miguel sa mga dokumento na kailangan niya sa akin. Hindi niya alam na nakulong ako. Kapag binaggit ko iyon sa kanya, baka magbago ang isip niya at bawiin ang desisyon niya.
Huminga ako nang malalim.
“Sabihin na lang natin na kailangan ko ng pera dahil kapos ako sa buhay. Kailangan ko ng trabaho para rin makapagpatuloy sa pag-aaral.”
Naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Miguel. Ngumiti ako sa kanya at magalang nang nagpaalam bago pa siya makaisip ng itatanong niya ulit sa akin.
“Aalis na po ako.”
Lumabas ako ng silid. Nagpasalamat din ako sa sekretarya niya na matamis namang nakangiti sa akin.
Paglabas ko ng building, may isang magarang sasakyan ang tumigil sa harapan ko.
Lumabas ang driver ni Miguel at pinagbuksan ako ng pinto.
“Huwag na po. Kaya ko nang mag-commute.”
“Utos po ito ni Mr. Landaverde, Miss.”
Bumagsak ang balikat ko. Wala na rin akong nagawa kaya sumakay na ako roon.
Naging tahimik ang byahe ko papauwi. Hindi ko rin nakalimutan na magpasalamat sa driver.
“Miss Thamia?”
Hindi kaagad ako nakaalis dahil tinawag ako ng driver ni Miguel. Humarap ako sa kanya.
May inabot sa akin ito na siya namang kinuha ko.
“Pinapabigay nga po pala ni Mr. Landaverde. Bukas po ay babalik ako rito para sunduin kayo. Have a good night, Miss.”
Tiningnan ko ang box na hawak ko. Mula ito kay Miguel? Ano naman kayang laman nito?
Nag-ayos ako ng bahay. Iiwan ko na naman ito. Hindi naman siguro ako magtatagal. Kapag nabigyan na ako ng paunang sahod, baka mag-hire ako ng caretaker. Hindi ko naman maaaring pabayaan ito dahil umaasa ako na babalik ulit si Mama rito, kahit apat na taon na siyang hindi nagpaparamdam.
Matapos kong mag-impake at mag-ayos ng gamit, dumalaw ako kina Kiel.
“Tamie, naandito ka pala. Buti napadalaw ka. Pinuntahan kita kanina sa bahay ninyo pero wala ka roon. Saan ka galing?”
“Naghanap ng trabaho,” sabi ko sa kanya.
“Oh? Nakahanap ka na?” Malawak ang ngiti ni Kiel sa akin. Alam ko na umaasa siyang maganda ang balitang dala ko. “Pumasok ka muna sa loob. Naghahanda ng hapunan si Mama.”
“Hindi na. Nakakain na naman ako. Naandito lang ako para magpaalam. Kasi…medyo malayo ‘yong pagtatrabahuhan ko. Baka hindi ako makauwi parati.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Ibig sabihin natanggap ka nga?! Wow! Congrats! Anong trabaho?”
Natuwa ako sa naging reaksyon niya, but at the same time, nalungkot din dahil alam ko na hindi ko masasabi sa kanya kahit wala mang NDA kung ano mang trabaho ko.
“Basta, entry level. Clerical work.”
Tumango-tango siya. “Good for you. Kung ganoon, baka matagal pa pala ulit bago tayo makapagkita. Mag-iingat ka roon.”
Nagtaas ako ng tingin kay Kiel. Nagpapasalamat ako dahil sobrang supportive niya.
Hindi na rin ako nagtagal. Sinabi ni Kiel na siya raw muna ang bahala sa bahay namin habang wala ako. Babalitaan niya rin daw ako kapag bumalik si Mama.
Nakita ko iyong iniwan ng driver ni Miguel sa akin. Naisip kong buksan iyon.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang passbook at debit card. May note rin itong kasama.
“This is your bank account for the funds I’ll be providing. I’ve already deposited a signing bonus into it, so feel free to use it as needed. Additionally, I will be depositing your allowances, bonuses, and salary into this account. I will see you tomorrow.”
-Miguel Landaverde
Can he do that? I mean, ang mag-open ng bank account on my behalf? Kung sabagay, sa kakayahan ni Miguel at ng impluwensya niya, hindi na dapat ako nagtataka sa mga bagay na kaya niyang gawin.
Kinuha ko iyong passbook at binuksan ito upang makita kung may laman. Wala naman kaming pinag-usapang signing bonus pero na-appreciate ko ito.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang numerong nakalagay sa passbook ko. One-hundred thousand pesos as a signing bonus?!
What the hell? Pwede na akong makapag-pa-enroll nito sa isang magandang kolehiyo!
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.