I KEEP ON RUNNING.
I know, I shouldn’t do this. Masyadong mapanganib lalo na sa aking kondisyon.
Napahawak ako sa aking tiyan nang makaramdam ng pananakit nito.
“Shh,” sabi ko sa sarili. “I’m sorry, baby.”
Tumulo ang luha ko at kahit anong kagustuhan kong pigilan ito ay hindi ko magawa.
“I’m sorry na kailangan kong gawin ‘to. Promise ko, hindi kita pababayaan kahit ako lamang ang bubuhay sa ‘yo.”
Hindi ganito ang inaasahan ko nang tanggapin ko ang trabaho na ito.
Hindi ko mapigilan na alalahanin ang mga alaalang dapat ay ibinabaon ko na sa ilalim ng isipan ko. Sinasaktan ko lamang ang sarili ko.
“I loved him,” sabi ko. “Mahal ko ang daddy mo.” Hinimas ko ulit ang aking tiyan, kinakausap ang batang nasa sinapupunan ko. “But I need to leave or else…”
Nakarinig ako ng yabag ng mga paa. They are approaching me at malapit na sila sa akin.
Nagtago ako sa malaking puno. Kahit sandali lamang ay makapagpahinga rin ako.
Napapikit ako nang maramdaman ko ulit ang pananakit ng tiyan ko. Pakiramdam ko ay manganganak na ako ano mang oras kahit hindi pa naman dapat.
“No, baby,” sabi ko. “Walang mangyayaring masama sa ‘yo—sa atin…”
Alam ko na maaaring makasama sa akin at sa batang dinadala ko ang nangyayaring ito, pero alam ko rin sa sarili ko na malaki ang magiging pagsisisi ko kung hindi ako aalis.
“Hindi pa iyon nakakalayo! Hanapin ninyo at huwag na huwag ninyong hahayaang makatakas. Ipinag-uutos iyan ni Sir!”
Tinakpan ko ang aking bibig para maitago ang aking paghikbi. Walang humpay ang pagtulo ng aking luha kahit anong gawin ko.
It hurts. Hindi lamang ang tiyan ko ang sumasakit, kung hindi maging ang dibdib ko.
Napakapit ako sa aking dibdib at niyukos ko ang aking damit.
Kung sana ay minahal niya ako, hindi siguro mangyayari ito. But I guess, it was all just physical to him.
No, hindi na dapat ako umasa. Malinaw naman umpisa pa lamang na pisikal lamang ang lahat.
He wants me to carry his heir at ngayong dinadala ko na, matatapos na ang lahat sa amin.
I am nothing but an object to him.
“Ahh!” Napadaing ako nang maramdaman ko ang paghilab ng tiyan ko. Kinagat ko ang aking labi para lamang hindi mapasigaw nang malakas.
Hindi pa ngayon ang kabuwanan ko kaya alam ko na hindi pa ako dapat manganak, pero dahil sa mga nangyayari ay pakiramdam ko, lalabas ang bata kahit pigilan ko.
Mabilis ang aking paghinga at nahihilo na rin. Kaya lang, kung hindi pa ako kikilos ngayon, hindi na talaga ako makakatakas pa.
I need to keep running to escape him, or else I might not see my son ever again.
Tumayo ako kahit na parang ang sakit-sakit na ng katawan ko. Hinawakan kong muli ang tiyan ko.
“Hang in there, my baby.”
Nagpatuloy ako sa pagtakas at umasang hindi bibigay ang mga paa ko. Ipinangako ko sa sarili na ilalayo ang anak ko sa kanyang ama kahit anong mangyari.
Habang tumatakbo ay naririnig ko ang boses ng lalaking pinakamamahal ko noong nagkita kami at i-offer niya sa akin ang trabaho na ito.
“My name is Miguel Landaverde, and I am looking for someone who can take this job I have to offer.”
Due to my desperate situation, tinanggap ko ang trabaho nang hindi nag-iisip. Kailangan ko noon nang malaking pera at nasilaw ako sa offer niyang malaking halaga.
It was too late when I asked him about the job.
“Ma’am Thamia!”
Ipinikit ko ang aking mga mata nang marinig na tinatawag ng mga tauhan ni Miguel ang pangalan ko. Malapit lang sila at malapit na nila akong mahuli kung hindi pa ako magmamadali.
Napasandal ako sa katawan ng isang puno. Pagod na ako at walang lakas.
“Anong klaseng trabaho nga ulit ito?”
Ipinikit ko ang aking mga mata at narinig ang sariling boses noong nakikipag-usap ako kay Miguel tungkol sa trabaho.
Nilingon niya ako and he gave me that smile that made my knees melt. Alam ko kaagad na mapusok sa babae ang lalaking ito.
“My babymaker.”
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Hindi ko akalain na may ganoong klaseng trabaho. Hindi na niya kailangan pang ipaliwanag sa akin para maintindihan ko.
“You get it, do you? I will pay whatever price you have in mind, just give me an heir. After that, you’re free.”
Balak kong umatras, pero itinulak ako ng sitwasyon na mayroon ako para tanggapin iyon, kahit alam ko na kapalit nito ang natitirang dignidad na mayroon ako.
“Tinatanggap ko,” sabi ko noon.
Ngumiti siya sa akin pero this time ay ibang-iba na ang ngiti na mayroon siya. Kinilabutan ako.
“But I have four rules in this arrangement. First, you are not to disclose any information to anybody. Breaking this will make you face a heavy punishment. Second, you’re going to live under my roof. Lahat ng kailangan mo ay ibibigay sa ‘yo, ganoon na rin ang medical checkups mo, para masigurado na healthy ang babaeng magdadala ng anak ko. Third, you are not to fall in love with me. This is a physical relationship only. No attachments, no feelings involved. Lastly, after giving birth to my heir, you’ll be given a huge compensation and disappear in my child’s life forever.”
And I breached it. I broke every rule he gave me. I cannot let go of my child. I fell in love with a man who only wants me because I am going to give him his heir.
Lalong tumulo ang mga luha ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
“I’m sorry, anak. I’m sorry dahil hindi makukumpleto ang pamilya mo.”
Wala akong ibang masabi kung hindi ang humingi ng paumanhin sa aking anak.
Patuloy ako sa pagtakas nang madapa ako sa isang malaking ugat.
No!
Niyakap ko ang aking tiyan, trying to protect it nang may biglang humawak sa aking braso, suspending me in the air. Hindi ako bumagsak nang dahil doon.
“Nakita ko na si Ma’am Thamia!”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang isa sa mga tauhan ni Miguel.
Tumakbo ang iba papalapit sa akin at pinalibutan ako.
Hindi! Kailangan kong makatakas!
“Ma’am, sumama ka na lang sa amin nang matiwasay. Ayaw naming saktan ka, lalo na at dala ninyo ang anak ni Sir Miguel. Halika na po. Iuuwi ka na namin. Naghihintay na si Sir sa inyo.”
“No! Hindi ako sasama sa inyo!” Pinilit ko na makawala sa kanila pero hindi nila ako binitawan.
“Ma’am, baka masaktan kayo sa ginagawa ninyo—”
“Bitawan ninyo ako!”
Hindi ko ibibigay ang anak ko, hindi ko siya ibibigay kahit pa sa sarili niyang ama!
Tumigil ang lahat, maging ako, nang humawi ang mga tauhan na nakapaligid sa akin at naglakad papalapit sa akin ang isang lalaki.
Hindi ako makagalaw at para akong nanghina nang makita ko siya. Dahan-dahan ay napaluhod ako. Umaagos ang aking luha sa pisngi.
I’m hopeless. Now that he’s here, I have no escape
He squatted in front of me so he can level me. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at ang mukha niya ang sumalubong sa akin. There’s no hint of any emotion. Alam ko na galit siya sa akin dahil sa ginawa kong pagtakas.
“Thamia,” pagbanggit niya sa pangalan ko. Iyon lamang ay sapat na para saktan ako.
This man…no matter how much I love him, he can never return my feelings.
Hinawakan niya ang pisngi ko, at kahit na gusto ko siyang ipagtabuyan ay hindi ko magawa. Nanghihina ako sa presensya niya.
“You look like a mess.”
Tinitigan ko lamang siya at hindi nagsasalita. This is how I fell in love with him. He treated me so gently, talking to me like I was the most precious girl in his life, even though I was nothing but a mere babymaker for him.
He’s so good with his words na naniwala akong baka may pag-asa kaming dalawa.
I am a foul, I know.
“Do you know that you endangered the life of our baby for running away?”
Ang pagiging kalmado niya ang siyang nakakatakot. Miguel, in other people’s eyes, is a fun man who makes jokes and laughs about everything. But the truth is, he’s a dangerous man.
Hindi pa rin ako nagsalita. Naninikip ang dibdib ko na akala mo ay hindi ako makahinga.
“Let’s go home. No more running away.” Tumayo siya at lumapit sa akin. Maya-maya pa ay binuhat niya ako.
Ikinagulat ko ang ginawa niya pero hindi pa rin ako nagsalita.
Nahuhulog na naman ako sa mga aksyon niya, kahit alam kong wala namang ibig sabihin ang mga iyon.
He made it clear to me before. Hindi siya marunong magmahal.
“You get it now, do you, Thamia?”
Nagtaas ako ng tingin sa kanya. Seryoso ang ekspresyon niya at malayo ang tingin.
“You cannot escape from me no matter what method you use. The moment you agreed with the contract and signed it, you gave away your life to me. No matter where you go or hide, I will always come and find you. You are mine.” Nagbaba siya ng tingin sa akin. “You should understand that by now, Thamia.”
Gusto kong maging masaya sa mga sinasabi niya, pero alam ko na magaling siyang magbigay ng mabubulaklak na salita kahit na wala namang halaga o ibig sabihin iyon sa kanya.
For Miguel, I am only someone useful to him, and after that, he will dispose of me.
I am nothing more than an object for his lustful desires. This is my life as the CEO’s babymaker—a tool to provide a suitable heir for him.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.