SHEINA
"Lumipat ka na ng tirahan. Hindi ka maayos kina Raffy 'di ba? Sa akin ka na tumira." Pagkasabi ko nun sa kanya ay parang gusto ko na agad bawiin ang mga salitang lumabas sa bibig ko, dahil bigla akong napaisip. Watda hell? Bakit ang taas yata ng confidence ko ngayon? Hindi naman ako nakainom, kaya bakit ako pa talaga ang nag-alok noon sa kanya? Pero kailangan kong gawin ito. Para rin sa akin ito, and in a way ay para rin 'to kay Jeron. Nasimulan ko na ang planong ito kaya kailangan ko nang panindigan.
Halata naman ang pagkagulat sa mukha ni Jeron. Nakabuka pa nga ang bibig niya dahil sa mga sinabi ko, and I'm sure hindi niya inaasahan na sasabihin ko ang mga yun ngayon sa kanya. "Tama ba ang dinig ko sa 'yo, Sheina? You want me to stay with you? In your house? Just the two of u……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.