SHEINA
Nagising ako dahil nangangati ako sa 'di ko pa malamang dahilan. Makati ang buong katawan ko na para bang kinagat ako ng sangkatutak na lamok. At baka gano'n nga talaga ang nangyari dahil naramdaman kong nakahiga ako sa parang damuhan. Kaya naman pala mangangati ang balat ko eh. Dahil sa dilim sa paligid at kaunting liwanag sa langit ay alam kong madaling araw na at malapit ng magbukang-liwayway. At mukhang dito yata ako sa labas nakatulog.
Pero nang maalala ko kung ano ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay, kaagad ding bumalik sa akin ang takot dahil ang huling naaalala ko ay may taong humila sa akin papunta sa kung saan. Hindi ko nga lang alam kung nasaan ako ngayon, pero mukhang wala ako sa San Policarpio.
"Gising ka na pala, anak," sambit ng isang pami……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.