SHEINA
"...LJ needs me. She got into an accident. Will call you later."
Natanga ako doon sa text ni Jeron. Kaagad kasi akong nakaramdam ng disappointment doon, dahil akala ko talaga makakaamin na ako sa kanya ngayon. Pero mukhang hindi pala. Binasa ko nga ulit ang text niya, at nang mag-sink in sa akin iyong mga salitang nakalagay doon, saka lang ako nakaramdam ng kaba na hindi ko akalaing mararamdaman ko para sa isang taong hindi ko naman kilala nang personal.
"Oh my God. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Accident? Ano naman kayang accident ang kinasangkutan ng babaeng yun?" Bumibilis na ang t***k ng puso ko dahil kung ano-ano na rin ang pumasok sa isip ko na posibleng nangyari kay Louise Jane, or LJ, kaya tinawagan ko na lang ulit ang number ni Jeron. Pero gaya ng nang……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.