•••
C H A P T E R [ 6 ]
Aika Mendez
HABANG nasa kalagitnaan ng biyahe ay kinausap ako ni Kyzer na dadaan muna raw kami sa kumpanya para alamin lahat ng instruction ni Tyler tungkol sa meeting bago dumiretso sa lugar kung saan kami pupunta.
Nakatanaw ako sa bintana ng sasakyan nang tawagin niya ako.
"Aika,"
"Hmm?" sambit ko at tumingin sa direksyon niya.
"May sinabi na ba si Tyler sayo?" tanong niya. Nagunot ang noo ko.
"Tungkol saan?" tugon ko.
"Ah wala, I'm just wondering if he already told you."
"Ang ano? May dapat ba siyang sabihin?" tanong ko na may halong pagtataka.
"Yes," sagot niya sabay ngiti. "Maybe Tyler will tell it to you, siya na siguro ang magsasabi no'n sa’yo."
"Ano 'yun, Kyzer? I’m confused. Is it something important?"
"I don't have the right to tell you, Aika, Tyler will handle it."
Hindi na ako umimik pa dahil alam ko namang hindi niya rin sasabihin sa ‘kin. Bakit niya pa in-open kung hindi lang din naman niya sasabihin? He left me confused. Tss...
At saka tungkol saan naman kaya 'yun? Aasa pa ba akong sasabihin ‘yun ni Tyler? Eh hindi nga ako kinakausap no'n. Hays! Ewan. Maliban na lang siguro kung sobrang importante ang bagay na 'yun. Maybe he will tell me.
Nang makarating kami sa company ay agad kaming nagtungo sa opisina ni Tyler. Habang naglalakad sa hallway, samu't-saring titig at bulungan na naman ang naririnig at napapansin ko. Ano pa bang aasahan ko? Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Nang nakarating sa office ay agad binuksan ni Kyzer ang pintuan. And me? Nasa likod lang ako ni Kyzer at nakasunod sa kaniya. I also have don’t have an idea kung saang lugar gaganapin ang meeting sa client.
Nadatnan namin si Tyler na nakaupo sa kaniyang office chair habang busy sa pinipirmahan niyang mga papeles. Ilang segundo ng katahimikan ang nanaig nang magsalita na si Kyzer.
"I need the instruction so we can proceed to the meeting with the client. Just—"
Hindi na natapos ni Kyzer ang sasabihin niya nang inilapag ni Tyler ang kaniyang ballpen sa mesa at nagsalita.
"No need! Just stay here while me and Aika will attend the meeting and the seminar as well," walang emosyon niyang sambit. Inayos niya ang mga papeles sa mesa at tumayo sa kaniyang kinauupuan. Kinuha niya ang kaniyang business coat sabay isinuot ito.
Ano? Ako at siya? Seriously? Kaming dalawa? Tyler wanted me to be with him? To accompany him? Nakakapanibago. Kadalasan kasi pag ganitong mga importanteng lakad, Tyler wants to do it by himself. O’ kaya iuutos niya sa kapatid niya like what he did. But now, gusto niya akong isama?
"Hmm… Ang bilis naman magbago ng isip mo. Anyway, ano pa nga bang magagawa ko you always be the boss," tanging na-isagot ni Kyzer sabay ngiti.
Matapos ayusin ni Tyler ang sarili niya, kinuha niya ang kaniyang mga gamit sa table samantalang si Kyzer ay agad nagtungo sa office chair nito at naupo.
"But now, I will be the boss for three days, too short for me. Can I be the boss forever?" Tinignan siya ni Tyler na walang kahit anong salitang sina sambit habang si Kyzer ay patuloy sa pag-ikot ng swivel chair na kaniyang inuupuan.
"Anyway, enjoy the trip," wika niya sabay kindat. "Take care of your Aika," sambit niya muli na may halong pang aasar.
Hindi na nagsalita pa si Tyler at binigyan na lamang niya ito ng masamang tingin.
Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan sila at patuloy na nag-iisip. Mawawala si Tyler ng three days? So pati ako? Mawawala kami ng tatlong araw? Kami? As in kami? Magkasama?
"Let's go!" mando niya sabay lakad palabas.
Nang sabihin niya 'yon ay nagpaalam na ako kay Kyzer at agad akong sumunod kay Tyler.
Habang naglalakad palabas ng kumpanya ay nanatili lang akong na kasunod sa likod niya at nag-iisip. Ano na naman kayang mangyayari sa amin sa loob ng tatlong araw? Tiyak mapapanis ang laway ko rito. Hindi naman kasi ako kinakausap ni Tyler, mas okay pa kung si Kyzer ang kasama ko. Hays.
Nang makarating kami sa parking lot ay agad kong binuksan ang seat sa likod. Papasok na sana ako nang biglang magsalita si Tyler.
"What are you doing?" malamig na boses na wika niya.
"Sasakay," sagot ko.
Ano pa bang dapat gawin ko? Tanggalin ko 'tong pintuan ng kotse niya at ihampas sa ulo niya para matauhan siya at magising sa katotohanan na mahal na mahal ko siya? Gano'n?
Natigil ako sa pag-iisip ng kung ano-anong kalokohan nang lumapit siya sa akin at isinara ang pintuan sa likurang bahagi ng kotse na binuksan ko sabay binuksan niya ang front seat.
"Sakay." Matapos niyang sabihin at gawin ‘yun ay sumakay na siya ng sasakyan.
Hindi ko alam pero napangiti ako sa ginawa niya. Gusto niya akong sumakay sa front seat at hindi sa likod. So anong ibig sabihin no'n? Isa na ba 'to sa way na ipinapakita niya na tanggap na niya ako? Bati na ba kami? Hindi na ba siya galit sa akin?
Napailing ako. Stop dreaming Aika!
Hindi ko dapat iniisip 'to. Umaasa na naman ako. Alam ko naman sa sarili ko na wala na akong pag-asa kay Tyler. At kahit pumuti na ang uwak, imposibleng mahalin ako ng isang taong katulad niya.
Bumalik ako sa ulirat nang bigla siyang bumusina.
"Ay kabayo ka!" sigaw ko sa sobrang gulat.
"You are wasting the time, Aika. Hop in!" sigaw niya.
"Sorry." Agad akong sumakay sa sasakyan at nanahimik.
Sa kalagitnaan ng biyahe, napansin ko na ang daan na tinahak namin ay papunta sa condo unit niya at hindi nga ako nagkakamali. Matapos niyang ma-iparada ang sasakyan sa parking lot ay agad siyang bumaba. Gano'n din ang ginawa ko.
Agad akong sumunod papasok ng building. Nang makarating at makapasok kami sa condo unit niya ay mabilis niyang kinuha ang kaniyang mga gamit sa sala. Maayos na itong nakaimpake sa isang maliit na maleta. Sinubukan kong hanapin ‘yung sakin pero wala. Ang unfair! Bakit sa kaniya lang ‘yung inayos? Samantalang alam naman niyang isasama niya ako sa lakad niya. How about me?
"Get your things," sambit niya sabay labas.
"Gamit ko? Hays! Mag-iimpake pa ‘ko. Mabuti ‘yung sa kaniya naka-impake na"
Napakamot ako ng ulo. Naglakad papasok ng kwarto para sana mag-impake nang may isang matandang babae ang lumabas dito na may hawak-hawak na maliit na maleta. Hindi ko siya masyado makita dahil sa balabal na nakatakip sa kaniya. Para siguro sa akin yung dala niyang maleta. Akala ko mag-iimpake pa ako, pinaimpake na rin pala ni Tyler yung akin.
"Naku! Ako na po r’yan," wika ko nang makita ko siyang nahihirapang ilabas ito.
"Naku iha! Ako na," sambit niya.
Natigil ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang pamilyar na boses niya. Agad kong kinilatis ang kaniyang itsura at nang makita ko kung sino ito ay lubos akong nagulat. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko, hindi ako makapaniwala. Anong ginagawa niya rito?
"Inang?"
Gumuhit ang malawak na ngiti sa labi niya.
"Aika," direkta siyang tumingin sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang saya na makita ako.
"Inang!" tawag ko at mahigpit ko siyang niyakap. Ilang taon na rin simula nung huli ko siyang nakita. Ilang beses na rin akong nag paalam kay Tyler para dalawin siya nguni't hindi niya ako pinapayagan. At ngayon hindi ako makapaniwala dahil nasa harap ko na siya.
"Inang! Masaya akong makita ka rito! Miss na miss na po kita! Hindi ba ako nanaginip? Ikaw ba talaga ‘yan?" tanong ko habang mahigpit na nakayakap sa kaniya.
"Hindi Ri—este Aika. Hindi ‘to panaginip. Miss na miss na rin kita, anak ko."
Lalo akong naiyak ng marinig ko ang mga katagang…
"Anak ko."
Ang tagal na nang panahon simula ng marinig ko ang mga salitang 'yon. Ngayon ko lang ulit naramdaman na may pamilya ako, na may isang taong tinuturing pa ako na bilang AKO hindi lang kung sino. Ang saya-saya ko! Tila parang lahat ng problema at iniisip ko ngayon ay panandaliang nawala nang makita ko ang Inang ko.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay Inang at hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi ng ilang ulit at nagmano.
"Hindi talaga ako makapaniwala Inang! Paano ka napunta rito?"
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko bago mag-salita.
"Namasukan ako bilang katulong sa mansiyon nila Tyler dahil nagbabakasakali akong makita kita ro'n nguni't nabigo ako. Hanggang sa nagmakaawa ako Tyler para makita ka dahil hindi ko kakayaning mawala ng hindi kita nakikita, Aika," sambit niya
Nangunot ang noo ko.
"Ano bang sinasabi mo Inang!? Magsasama pa tayo ng matagal! At ipinapangako ko, matapos ko lang lahat ng problemang ito ay babawi po ako sa inyo, sa’yo. Magpapakalayo tayo sa magulong buhay na 'to Inang, pangako."
Tumango-tango lang siya habang patuloy ang pagragasa ng luha sa kaniyang mga mata.
"Mahal na mahal kita anak ko," wika niya.
"Mahal na mahal din kita Inang," tugon ko.
"Hindi matutumbasan ng kahit anong yaman ang pagmamahal ko sa'yo. Mag-iingat ka palagi, Aika. Huwag kang magtitiwala agad sa mga taong nakapaligid sa'yo. Dahil alam kong alam mo na walang totoo sa mga taong nakakasama mo." Hinawakan niya ang mga pisngi ko at direktang tumingin sa aking mga mata. "Mag-iingat ka palagi. Magpakatatag ka. Alam kong nahihirapan ka sa buhay mo rito. Ramdam ko ‘yon.. Ipangako mo sa akin na magiging malakas ka sa bawat hamon ng buhay na ibinabato sayo. Palagi mong tatandaan, wala man ako palagi sa tabi mo, palagi pa rin akong nandyan sa puso mo at gagabay palagi sayo. Mahal na mahal kita Aika… Mahal na mahal," sambit niya at niyakap niya ako ng sobrang higpit. Ngayon ko lang muli naramdaman ang pagmamahal na 'to. Pagmamahal na sobrang tagal nawalay sa ‘kin.
Pagmamahal na walang sino man ang makakapagbigay kundi si Inang lamang.
"Salamat, Inang. Salamat... Mahal na mahal din kita," tanging kataga na naisambit ko habang patuloy sa pag-iyak. Hindi ko mapigilan, masyadong mabigat sa dibdib na hindi ko siya nakikita at nakakasama. Sobrang sakit sa parte ko dahil nagsakripisyo na naman siya para lang makita at makasama muli ako.
“Maraming salamat Inang.” Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko.
"O’ siya, hindi na ako p’wedeng magtagal pa dahil baka pagalitan na ako ni Tyler. Mag-iingat ka at palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Kailangan ko ng umalis. Baka hinihintay kana niya."Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa likod ng bawat salitang ibinabato niya. Hindi pa sapat ang maikling oras na ito para sa ‘kin. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal pero mukhang imposible ng mangyari ‘yon.
Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Bago pa man siya lumisan ay niyakap ko siya muli ng mahigpit. Habang inaalala ang masasayang alaala noong mga panahong kasama ko siya.
"Sige na, Aika, baka hinahanap ka na ni Tyler. Ako'y aalis na rin," sambit niya at kumalas sa pagkakayakap ko.
"Huwag mo ko iwan Inang. P’wede bang dito ka nalang?"
"Kung pwede lang, Aika, nguni't hindi eh. Hindi pa naman ito ang huli nating pagkikita. Pangako... Magkikita pa tayo. Dadalawin muli kita," sambit niya at muli ko siyang niyakap sa huling pagkakataon.
"Mag-iingat ka palagi Inang. Alagaan mo ang sarili mo." Ngumiti lang siya at tuluyan na naglakad palabas ng condo.
Ilang segundo lang ang pagitan ay agad ko siyang sinundan palabas nguni't nang iikot ko ang mga mata ko sa buong hallway ay wala na siya doon.
Bumuntong hininga ako at bumalik sa condo para kunin ang mga gamit ko. Pinunasan ko ang pisngi ko at inayos ang sarili ko. Naalala ko si Tyler, baka nag-iintay na siya sa akin do’n.
Mabilis kong kinuha ang maleta at antimanong naglakad papuntang parking lot. Nang makarating ako roon ay nakita ko si Tyler na nakasandal sa kaniyang sasakyan habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone.
Agad akong lumapit.
"Why did it take so long? I'm stupidly waiting for you here for almost 30 mi—"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang bigla ko siyang niyakap. Nakita kong natigilan siya sa ginawa ko, pero wala akong paki. Alam kong dahil sa kaniya nagkita kami ni Inang at lubos akong nagpapasalamat dahil do'n. Pinasaya niya ako.
"Thank you, Tyler. Thank you," wika ko.
"Get away from me, Aika," sambit niya sabay kumalas sa pagkakayakap ko.
Bago pa man siya pumasok sa sasakyan ay hinila ko ang braso niya at inilipat ko siya sa akin.
Tinitigan ko siya sabay nagsalita.
"Thank you for letting me see my loved ones. Thank you. You made me so happy, Tyler." I smiled.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.