•••
C H A P T E R [ 4 ]
Aika Mendez
SUMAPIT na ang alas dose ng gabi at hindi pa rin umuuwi si tyler. Ilang oras na akong nakaupo sa couch at hinihintay ang kaniyang pagdating.
Gusto ko sanang magpaalam sa kaniya kung pwede kong dalawin ang aking Inang Madrid bukas ng umaga kahit na alam kong hindi niya ako papayagan. I tried to beg for his permission many times pero hindi niya ako pinapahintulutang pumunta roon sa kadahilanang walang siyang tiwala sa akin. Iniisip niya na baka pag pumunta ako roon ay hindi na ako bumalik at takasan ko lahat ng panloloko at panggagagong ginawa ko sa kaniya which is hindi ko naman talaga sinasadyang gawin.
But I just want to see my former family. Gusto ko lang makita kung maayos ba ang kalagayan ni Inang. Kung nakakakain ba siya ng maayos, kung nagpatuloy ba sa pag-aaral ang aking mga tinuring na kapatid. Simula kasi no'ng umalis ako roon at mawalay kay Inang ay hindi na ako nakatanggap pa ng kahit anong balita tungkol sa kanila. Pinagbawalan kasi ako ni Mom and Dad na lumapit o makipagkita kay Inang. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit.
Before I met Maica, o bago ako mapasok sa gulong ito ay mapayapa ang buhay ko noon. Isa lamang akong simpleng babae na naninirahan sa Tondo kasama ang pamilyang kinalakihan ko. They are not my true parents but I know myself hindi nila ako tinuring na iba. Sila ang nagpalaki, kumupkop, nagpaaral at ang bumuhay sa akin mula pagkabata. Minahal at inalaagan nila ako na parang tunay na anak.
Inang Madrid is the one who stands as my parent, my best friend, kapatid and the only one person who cared about me. Siya ang kaisa-isang tao na humubog sa pagkatao ko. Ang kwento ni Inang, sanggol pa lamang ako no'n nang mapulot niya ako sa isang liblib na lugar malapit sa kanilang tinutuluyan at simula nang araw na 'yon siya na ang naging pamilya ko. Bata pa lang ako ay ikwenento na niya sa akin na hindi sila ang tunay kong mga magulang. Iminulat niya sa akin na kahit hindi siya ang tunay kong Ina pero siya pa rin ang kaisa-isang babaeng tatayo bilang magulang ko at mamahalin ako ng buong-buo. Alam kong kahit gano'n ay maswerte pa rin ako dahil nandiyan sila sa tabi ko para gabayan at alagaan ako.
Everything varied when I met Maica, my sister. Isang taon na ang nakaraan nang makilala ko si Maica at anim na buwan na ang nakalipas nang mamatay siya. Nakilala ko si Maica sa kadahilanang hinahanap niya rin ako. She was looking for me since then. Matagal na niya pala akong hinahanap. Pumunta sila sa lugar namin at do'n siya nagtatanong tanong kung may kilala silang kamukhang-kamukha niya. At dahil kilala ako sa aming lugar, maraming nakapagsabi sa kaniya kung saan ako nakatira. Pinuntahan niya ko at doon, do'n ko siya unang nakita at nakilala.
I was really shocked that time. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko. Maraming tanong ang nananalaytay sa isipan ko nang mga panahong 'yon. How? How did she find me? Bakit niya pa ako hinanap? Who are my parents? Why did they left me? Bakit siya kasama niya ang mga magulang namin? Bakit ako hindi? Do I really ready to meet them? Sino ba sila? Bakit nagawa nila akong iwan at itapon ng gano'n-gano'n lang?
Tila hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I became speechless when I heard her said…
'Aika? Ikaw na ba 'yan? Finally I found you, my sister,' wika niya sabay yakap ng mahigpit.
'...my sister'
'...my sister'
'...my sister'
Paulit-ulit na salita na hindi nagsi-sink-in sa utak ko. Mayroon akong kapatid?
I cried. Umiiyak ako dahil sa saya at sa pangungulila sa tunay kong pamilya. Sa loob ng twenty years, ngayon ko lang nalaman na may kapatid ako, na may pamilya pa rin ako na naghahanap sa akin. Nguni't hindi ko pa rin maintindihan. Kung bakit? Bakit nila ako iniwan?
Pinagmasdan ko ang babaeng nasa harap ko. Ang hugis ng kaniyang mukha, ang kaniyang itsura pati na rin ang kaniyang mapupungay na mga mata. Para akong tumitingin sa salamin, sa aking sariling repleksyon. Hindi ko lang siya basta kapatid, siya ang kambal ko. Hindi nagkakalayo ang itsura namin, at kung titignan, parang kaming pinagbiyak na bunga.
Hindi rin Aika ang aking kinagisnan kong pangalan but when I heard that name tila parang may isang pirasong bagay ang unti-unting bumuo sa pagkatao ko.
'Aika? Aika is my name?’ bulong ko sa sarili ko. Hindi ko mapigilang mapangiti.
Matagal ko ng hinihiling na sana makilala ko ang tunay kong mga pamilya at ito na 'yon. I met one of them. Iba't-ibang emosyon ang naramdaman ko. Gusto kong magalit, magalit sa aming mga magulang at isumbat sa kanila bakit nagawa nila akong iwan. Masaya rin ako, masaya ako dahil nakilala ko ang kapatid ko. Ang isa sa bumuo ng nawawala kong pagkatao.
Bumalik ang aking ulirat nang marinig ko si Inang na nagsalita mula sa aking likuran.
"Sino yan, Ria?" tawag niya sa akin. Ria kasi ang kinagisnan kong pangalan. Ipinangalan ito ng aking Tatang Eric, asawa ni Inang na pumanaw, apat na taon na ang nakaraan.
Hindi na ako sumagot pa nang makita ko si Inang na gulat na gulat na makita ang kapatid ko. Para siyang nakakita ng multo.
"Ria, sino siya?" tanong ni Inang habang nakatingin pa rin sa kapatid ko. Hindi mawala ang mata niya rito, marahil dahil kamukhang-kamukha ko siya.
"Ako po si Maica. Hinahanap ko po ang nawawala kong kapatid at may nakapagturo po sa amin na rito po siya nakatira at hindi nga po ako nagkakamali. I found her, my twin sister," sagot nito habang nakangiting nakatingin sa akin.
"I'm so glad to see you, Aika. Ang tagal kitang hinanap," sambit niya at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko. Kita ko rin sa mga mata niya ang saya at galak na makita ako.
Hindi makasagot si Inang dahil sa sinambit ni Maica. Napansin ko kung paano niya titigan ang kapatid ko na para bang may kakaiba, parang hindi lamang ito tingin na nagtataka o gulat na gulat. Hindi ko alam kung ano 'yon. Hindi ko maintindihan.
Hindi ko na lamang 'yun pinansin at sinimulan naming kausapin ni Inang ang aking nagpakilala na kapatid ko. Napagkasunduan namin ang DNA test marahil na rin sa pagtataka at kung tunay nga bang ako ang hinahanap niya.
Matapos ang DNA test na 'yon, doon na nagsimulang magbago ang takbo ng buhay ko.
-------------
Napahikab ako sa couch na aking kinauupuan. Hihiga na sana ako upang matulog nang biglang magbukas ang pintuan ng condo.
I saw Tyler enter the room. Wala siya sa balanse habang naglalakad papasok kaya agad akong tumayo sa upuan at dali-dali siyang pinuntahan.
"Tyler,” tawag ko at agad ko siyang inalalayan.
“Hmmm…”
“Anong nangyari sayo? Are you drunk?"
Hindi siya sumagot and he quickly pulled me in the wall. Tinignan niya ang aking mga mata at sa ‘di ko inaasahan bigla akong nakaramdam ng lungkot nang makita ko sa kaniyang mga mata na hindi siya masaya. Amoy ko rin ang alak sa kaniyang bawat malalim na paghinga.
“Tyl—” napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong sinunggaban ng halik.
Namilog ang mata ko sa gulat. Pero sa halik niyang iyon nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na para bang punong-puno ito ng iba't-ibang emosyon na hindi ko maipaliwanag.
Ilang minuto rin kami sa gano’ng posisyon hanggang sa bigla siyang tumigil at nagsalita habang nakatingin ng direkta sa aking mga mata.
"I really miss you, Maica. I f*****g really miss you, my love." Mga salitang dumurog sa puso ko.
Matapos niyang sabihin iyon ay nakita kong may tumulong luha sa kaniyang mga mata. Sa unang pagkakataon nakita ko siyang umiyak sa harap ko. And for the very first time, ngayon ko lang nakita ang totoong emosyon na nananalaytay sa kaniya. Lungkot, sakit at pangungulila sa kapatid kong si Maica.
I just fake my smile and said…
"She really misses you too, Tyler. She really do," wika ko at ngumiti kasabay no’n ang paninikip ng dibdib ko dahil sa nararamdamang sakit.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.