•••
CHAPTER 2
Aika Mendez
NAGLALAKAD ako sa pasilyo papunta sa opisina ni Tyler. Nag-umpisa na akong magtrabaho bilang secretary niya. At sa tatlong araw kong pagtatrabaho naranasan ko kung gaano siya ka-istrikto sa lahat ng bagay sa opisina. He always wanted a perfect work at pag nag-uutos siya kailangan sundin agad kung ayaw masigawan. He's so rude. Wala siyang awa sa mga empleyado rito. Palibhasa mataas ang pasahod ng kumpanya kaya natitiis ng mga empleyado na manatili para magtrabaho.
Dala-dala ko ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan. Medyo mabigat ang dala-dala ko kaya nagmamadali akong maglakad. Nguni't habang naglalakad ako papunta sa opisina ay ramdam ko ang mga tinginan ng mga empleyado sa paligid ko habang tinatahak ko ang pasilyo. Sanay na ako sa bulungan at panghuhusga nila simula no'ng dumating ako rito, pero natigil ako nang may marinig akong hindi maganda mula sa mga empleyado.
"Siya ‘yung kambal ni Ma'am Maica 'di ba? Ngayon ko lang siya nakita."
"Oo siya 'yun, kitang kamukhang-kamukha niya eh. Pero mas maganda nga lang si Ma'am Maica kaysa sa kaniya. Alam mo ba 'yung balita na dahil sa kaniya namatay yung kambal niya?"
"Oo! Alam ng lahat dito na pinapalabas na aksidente ang nangyari para hindi siya mapagbintangan."
Nagpantig ang tainga ko dahil sa narinig ko. Sino sila para sabihing dahil sa akin namatay ang kapatid ko? Gusto ko silang harapin isa-isa at sabihin na wala akong kasalanan sa pagkamatay ni Maica. Aksidente ang lahat ng nangyari! Hindi ko magagawang patayin ang sarili kong kapatid!
Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa galit. Haharapin ko na sana sila nang makita ko si Kyzer sa harap ko. Nakayuko na ang dalawang babaeng nag-chichismisan sa likuran ko nang biglang magsalita si Kyzer.
"Binabayaran kayo dito hindi para mag kuwentuhan tungkol sa buhay ng iba. Binabayaran kayo para magtrabaho ng responsable at walang tinatapakang tao. Kung ayaw niyong matanggal sa kumpanyang 'to, just shut your f*****g mouth and work silently. Once na narinig ko pa kayong nagkwekwentuhan sa oras ng trabaho hindi na ako magdadalawang isip na tanggalin kayo. Copy?" mahinahong wika ni Kyzer pero ramdam sa kaniyang bawat salita ang galit at pagkadismaya sa narinig niya.
"Sorry, Sir," sabay na sambit ng dalawang empleyado. Dagli silang bumalik sa trabaho nang talikuran na sila ni Kyzer.
Humarap si Kyzer sa akin at ngumiti.
"Come to me." Hinawakan niya ang kamay ko. Kinuha niya ang mga bitbit kong mga folder at tumawag siya ng isa pang empleyado para maghatid ng mga bitbit kong papeles sa opisina ni Tyler.
"Ako na magdadala nito. Trabaho ko 'to Kyzer," sabi ko.
"Let him handle this." Pagpupumilit niya.
"No, baka magalit si Tyler sa akin,"
"Just a few minutes, Aika,"
Hinawakan niya ang kamay ko kaya wala na akong nagawa. Hinila niya ako papunta sa dalawang empleyado na pinag-chichismisan ako.
"You two," tawag niya rito. Mabilis pa sa alas kwatro silang tumayo sa kanilang upuan at pumunta sa aming harapan. "Give some consideration about what happened. Make an apology," wika ni Kyzer. Nagtinginan ang dalawang babae at sabay humingi ng paumanhin sa akin.
"Sorry po Ma'am Aika. Hindi na po mauulit," sabay nilang sambit habang nakayuko.
"It's okay. Forgiven," nakangiti kong tugon kahit na masakit para sa akin na sa tingin nila ako ang dahilan sa pagkamatay ni Maica kahit na hindi nila alam ang buong storya.
"Okay, back to work!" utos ni Kyzer.
Hinawakan niya muli ang kamay ko at nilisan namin ang opisina. Dahil sa pagkailang ay agad akong kumalas sa pagkakahawak niya.
"Hindi mo naman kailangan gawin 'yon, Kyzer," ani ko.
Tumingin siya muli sa akin at hinarap ako.
"I know what you're going through. Hindi madali yung pinagdaanan mo lalo na sa piling ng kapatid ko and no one can judge you dahil lang sa isang kwentong hindi naman totoo. Hindi ko rin pup’wedeng kunsintihin ang mga empleyado rito. I'm just doing my work Aika," seryosong sambit niya. Hindi na ako nakipagtalo pa at nagpasalamat na lamang sa kaniya.
"Thank you, Kyzer."
"You're always welcome. Just go back to your office baka hinanap kana ni Tyler."
Tumango ako bilang sagot at dagling naglakad papunta sa opisina.
Ibang-iba talaga ang ugali ni Kyzer sa kapatid niya. Kyzer is a kind of person na ayaw niyang may naaapi. Kahit sinong tao na mahalaga sa kaniya ay ipinagtatanggol niya basta nasa tama. Kyzer is a good friend to me since dumating ako sa buhay nila. Sa buong pamilya ni Tyler, Kyzer is the only person na naniniwala sa akin. Siya lang ang nagtangkang pakinggan ang side ko lalo na sa nangyari sa kapatid ko. Everyone hates me. My dad, my mom and Tyler's family. Si Kyzer, siya lang ang kaisa-isang taong nakakaintindi sa akin and I'm very lucky to have him as my friend.
Hindi ko napansin na nasa harap na pala ako ng pintuan ng opisina ni Tyler. Kumatok ako ng tatlong beses at pumasok.
Nadatnan ko siyang may ginagawa sa table at abala sa pagpirma ng mga papers na galing sa board.
"Ty—este Sir, may ipaguutos pa po ba kayo? Pasensiya na po kung ibang emple—" naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang sumabat.
"Stop." Iniangat niya ang mukha niya at tumingin ng direkta sa akin. Nguni't imbis na sagutin niya ang tanong ko ay bigla niya akong sinigawan.
"Bakit ibang empleyado ang nag-akyat ng mga papers na 'to? I told you, Aika, pag trabaho mo, trabaho mo lang. You're not the boss here. You're just my secretary. Wala kang karapatan mag-utos sa ibang employee. Sinuswelduhan lang din kita," malamig na tinig na sambit niya.
Napayuko ako dahil alam kong galit nanaman siya.
"Sorry," tanging naisagot ko.
Hindi ko na tinangkang magpaliwanag pa dahil alam kong hindi niya papapaniwalaan ang sasabihin ko. Isa akong sinungaling sa paningin niya. Lahat ng paliwanag ko hindi niya pinapakinggan. Simula nang mawala si Maica naging sarado na ang isipan niya sa lahat ng paliwanag ko. Hindi lang ako, kundi sa lahat ng taong nakapaligid sa kaniya. Gano'n niya kamahal ang kapatid ko at hinihiling ko na sana ako na lang si Maica. Sana ako nalang siya.
"Get out," mariin niyang sambit. Mahinahon ang kaniyang pananalita pero ramdam ko ang maawtoridad niyang tinig.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad akong naglakad palabas. Pero bago ko lisanin ang opisina ay biglang may pumasok na babae sa pintuan.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa sabay ikot ng kaniyang mga mata. Nakasuot siya ng damit na halos labas na ang kaluluwa, kita ang cleavage ng hinaharap niya. Kulang nalang maghubad siya sa harap ko o sa harap ni Tyler. Sino nanaman ba 'tong babaeng 'to?
"Good Afternoon, Tyler," maarteng wika ng babae sabay tingin sa akin ng masama. Dahan-dahan siyang pumunta sa likod ni Tyler at hinilot ang likod nito. Matapos iyon ay hinalikan niya si Tyler sa harap ko mismo.
Nagulat ako sa ginawa niya sa asawa ko. Para akong naging bato sa kinatatayuan ko. May kung anong bagay nanaman ang kumirot sa dibdib ko.
Nakita kong sumulyap sa akin si Tyler. Wala man lang ka-emo-emosiyon ang kaniyang mga mata. Para wala lang sa kaniya na landiin siya ng babaeng nasa harap niya. Wala rin siyang pakialam swa nararamdaman ko. Napayuko ako. Ano pa nga bang aasahan ko? Isa nga palang babaero ang asawa ko. Malaki na ang pinagbago niya. Hindi na siya ang Tyler na nakilala ko.
Inangat ko ang mukha ko at pilit silang hinarap.
"Mauuna na ako, Sir, tawagin niyo nalang po ako pag may kailangan kayo," wika ko at mabilis na nilisan ang silid. Pagkalabas ko ng opisina ay do'n na tumulo ang mga luha na pinipigilan kong pumatak.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.