Sa San Rafael ay mayroong isang paru-parong patuloy sa paglawig sa himpapawid habang kanyang dala-dala ang malaking katanungan patungkol sa pag-ibig. Patuloy niyang ibinubuka ang kanyang mga pakpak at ito’y ubod ng karilagan ngunit hindi niya alam. Habang sinubukang hanapin ang kasagutan sa kanyang nag-iisang katanungan, dumako ang kanyang titig sa isang napakarikit na nilalang. Nakalap niya ang isang bulaklak na patuloy sa pagtangis sa hindi niya alam na kadahilanan. Kusa siyang dumako sa bulaklak at nakisabay sa kanyang hapis. Hindi niya maakalang ang kanyang natagpuang bulaklak ay magiging susi sa dagdag na kuryosidad at mag-uudyok sa kanyang magtanong pa sa pagpapakahulugan sa pag-ibig. Nais niyang maranasan iyon dahil ang karanasan ang pinakamagaling na guro kaya ang paru-paro'y patuloy sa pagdapo at kalauna’y natunghayan ang paghalimuyak ni bulaklak at ang pag-usbong ng kanilang pagsasamahang humantong sa pag-iibigan. Ang katanungan ng paru-paro patungkol sa pag-ibig ay tuluyang nawaldas ng dahil kay bulaklak. Ngunit, paano kung mayroong isang matinding dagok ang susubok sa kanilang pag-iibigan, makakaya kaya nilang malagpasan? At, hanggang saan at kailan hahantong ang nasimulang mga bahagi ng kanilang kabanata? Ang pag-iibigang nabuo sa ika-19 siglo, ang panahon kung kailan sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas. Tunghayan ang bawat kaganapang makapaghahatid sa 'yo sa iba't ibang uri ng pag-ibig; Diyos, bayan, pamilya, at kasintahan. Mga samu't saring aral. — Akdang Isinulat ni: Eleanor, Aziel S. — No. of Episodes: 57 chapters — P.O.V. used: Third Person's Point of View — Date Signed Off: 21st of April, 2021 — Current Status: UNEDITED; ON THE PROCESS OF EDITING ©BahagingatingKabanata.Dreame.Starywriting2020-2021 | COMPLETED
Mayroong mga kadahilanan kung bakit nabubuhay ang isang tao. Maaaring nabubuhay siya bilang isang masuwerteng nilalang o maaari rin namang isang kamalasan. Ngunit, sa sitwasyon ng isang dalagang nagngangalang Euri, nabuhay siya sa mundo bilang isang kamalasan sa iba at lalo na sa kanyang pamilya. Buong akala niya na puro kasiyahan ang kanyang mababatid sapagkat nagmula siya sa isang simple ngunit masayang pamilyang nagturo sa kanya ng mga birtud sa buhay. Sa kasawiang palad, ang kaaya-ayang takbo ng kanyang buhay ay magbabago nang kunin sa kanya ang kanyang mga magulang, ang mga mahahalagang tao sa kanyang buhay. Ang hindi inaasahang insidenteng ito ang simula ng kanyang kalbaryo at pagtrato niya sa kanyang sariling malas. Magkawatak-watak ang kanilang landas ng kanyang mga nakababatang kapatid. Sa mura niyang edad, mararanasan niya ang pambababoy at pagmamalabis sa kanya ng mga umampon sa kanya. Tinuring niya ang kanyang sariling isang kamalasan. Labis na pagkaawa sa kanyang sarili ang kanyang matutunghayan. Diyos ay kanyang sinisi at kinamumuhian. Isang taong wala nang tatangkang pupulot. Basura kung ituring niya ang sarili. Hanggang kailan niya ipapamukha sa sariling isa siyang tirang wala nang pakinabang pa? — Akdang Isinulat ni: Eleanor, Aziel S. — No. of Episodes: 72 chapters — P.O.V. used: First Person’s Point of View — Date Signed Off: 28th of January, 2022 — Current Status: UNEDITED; ON THE PROCESS OF EDITING ©Leftover.Dreame.Starywriting2020-2022 | COMPLETED
Ang mga salitang happy endings para kay Yvette ay hindi uso sa kanya sapagkat sa sitwasyong naganap at kanyang natunghayan sa masaklap na pag-iibigan ng kanyang mga magulang. Si Travester, ang kanyang masugid na manliligaw ay ginawa ang lahat upang makuha man lamang ang kanyang matamis na pagpayag ngunit kahit man hindi niya maitatangging gusto niya rin ang binata ay naging matigas ang kanyang puso para rito kaya hinayaan lamang niya itong manligaw sa kanya at handa namang maghintay ang binata kahit gaano pa katagal. Nasilayan niya ang senseridad ng manliligaw ngunit dahil takot siyang sumugal sa pag-ibig dahil ayaw niyang magaya sa kanyang mga magulang ay hinayaan niya ang universe na magdesisyon para sa kanyang tadhana sa pag-ibig sa pamamagitan ng signs. Kapag nagkatotoo ang lahat ng signs na hinihingi niya. Ito'y nagpapatunay na ang binata ay para talaga sa kanya at ang siyang kanyang papakasalan. Matutupad kaya ang kanyang mga hinihingi at hinahanap na signs para sa kanyang tunay na pag-ibig?
Ang tao ay maihahalintulad sa sangang kung saan kapag siya’y hiwalay sa puno’y hindi mamumunga. Sa ubasan ay mayroong tagapangalaga. Ang hindi namumungang sanga’y Kanyang puputulin at ang mga sangang nanatili sa puno ng ubas na namumunga’y Kanyang ’di pababayaan. Lahat ng bisyo ay napasukan na ng binatang si Joseph. Gulong-gulo ang buhay niya at para sa kanya’y walang saysay ang pang-araw-araw niyang pakikipagsapalaran sa mundo dulot ng walang-kuwenta niyang binuong pagkatao. Kasama ang kanyang mga barkada ay natamasa niya ang samu’t saring kaligayahan ngunit hindi niya napagtantong ang hatid nitong kagalakan ay temporaryo lamang. Iba’t ibang babae na ang kanyang nabiktima. Palamundo. Umiikot ang buhay sa gawaing ’di ikakalugod ng Kataas-taasan hanggang sa kanyang makilala ang babaeng makapagbabago sa kanyang buhay. Isang dalagang Kristiyana ang kanyang matitipuhan. Nais niya itong maangkin kagaya na lamang ng mga babaeng kanya nang nakuha’t natikman ngunit sa lahat ng kanyang biktima’y rito niya naranasan ang lubusang pagkadismaya dahil mahirap itong maangkin o makuha. Hindi niya alam na ang babaeng ito ang magiging instrumento upang maibalik siya sa piling ng Maykapal. Ipagpapatuloy kaya ni Joseph ang panliligaw sa dalagang kanyang pinapangarap? Ano kaya ang magiging kapalaran niya kung sakaling ang hangarin niya’y ’di niya titigilan? Matatagpuan nga ba niya ang tunay na kahulugan ng kaligayahan?
Falling to someone is like a candle. It lightens up the world around us but when it starts to melt, it will hurt us. Later on, it goes off and everything became darker and all we left with it are the marks from the burns. Love. Kapag nagmahal tayo, nais nating maibalik din ang pag-ibig na ating ipinagkaloob sa isang tao. We want that someone to reciprocate the feelings we voluntarily offers to them. Ngunit, kahit gaano kaganda, kasarap, at kakilig ang magmahal. Hindi maitatangging mayroon din itong hindi mabuting naidudulot sa ’tin. Para itong rollercoaster. Makakaramdam ka ng samu’t saring mga emosyon. Nakakatakot. Kailangan mong sumubok since love is not only about happy endings. Reality slaps, when we love... we must take risks. In order to continue loving someone, we are committed to be ready to give up anything for it. To be willing to risk our life even though it might end up into a BEAUTIFUL TRAGEDY. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Date Started: Date Ended:
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.