BLURB Paano mamahalin ng isang mayaman, matalino at saksakan ng gwapo ngunit suplado at istriktong CEO na nagmamay-ari ng pinakamalaking Construction Company sa buong Pilipinas ang isang simpleng Office Assistant na lumaki sa sa isang slum area ng kamaynilaan? Paano kung ang inaalipin at kinukutyang Janitor at Office Assistant na ito ay magtagumpay at maging isa sa mga pinakamagaling na Civil Engineer sa buong bansa. Ikinintal na niya sa isip niya na gagawin niya ang lahat mapantayan at matalo lang ang dating CEO na nang-alipusta sa kanya. Nagawa rin naman niya iyon. Nagtagumpay siya. Ang itinatag nilang kumpanya ng kaibigan niya ang siyang nagpabagsak sa kumpanya ng kanyang dating amo. Ngunit paano niya haharapin kung ang kumpanya pala na akala niya ay pag-aari nila ng kanyang best friend ay hindi pala totoo. Paano niya haharapin ang lahat kung ang tagumpay niya ay hindi pala tunay na tagumpay? Paano nila haharapin ang mga pagsubok mailaban lang ang kanilang pagmamahalan sa mga taong gusto silang sirain at pabagsakin? Tunghayan ang kakaibang kuwento ng pag-ibig. Kuwentong babago sa pananaw ninyo sa langit at lupang pagmamahalan.
*SECOND PLACE IN LGTB DREAME AND YUGTO CONTEST. MUST READ!* Paano mabubuo ang isang pag-ibig sa isang gabing nagsimula lang sa kapusukan. Isang gabing ang pag-aakala'y isang mainit lang na "tikiman" sa isang hindi lubusang kakilala. Dahil sa takot na masaktan, madalas nangyayari ang isang gabing p********k. Hindi alam ang tunay na pangalan, estado ng buhay at totoong pagkasino. Ngunit iba minsan kung maglaro ang kapalaran. Kahit sa simpleng tikiman, madalas na nauuwi pa din sa di mapigil na nararamdaman. Kilalanin si Markie, guwapo, sariwa, puno ng pangarap sa buhay. Istudiyante sa umaga, Janitor sa hapon hanggang gabi. Tahimik na sana ang kaniyang buhay. Tanging ang maiangat ang pamilya sa kahirapan ang tanging laging naglalaro sa kaniyang isipan. Ngunit nangyari ang isang gabing sinubok siya ng kaniyang katatagan. Nagpatianod siya sa tukso. Akala niya, matatapos na sa mabango at malamig na kuwarto ang karanasang niyang iyon sa isang guwapong estranghero ngunit nang inilipat siya sa ibang opisina ng kanilang agency, nagtagpo ang kanilang mga mata. Nanliit siya sa sarili. Gusto niyang biglang maglaho. Paano kung ang nakalaro niya ng isang gabi ang siyang kaniyang magiging boss? May pag-asa bang magtatagpo sila sa gitna dahil bukod sa langit at lupang agwat nila, mukhang hindi din siya mapapansin ng lalaking pinangarap niya. Ang lalaking hindi naniniwala sa pag-ibig at relasyon ng mga kagaya nilang alanganin.
BLURB Binabago ng lipunan ang tao. Patunay ito sa nangyari kay Mia Gambino. Mula sa Mia na mahirap, mahina abused ngunit magandang dalaga hanggang sa siya’y naging si Leigh Castro, isang palaban at pinakamagaling na assassin sa buong Pilipinas. Nasira ang mukha ni Mia nang pinagsamantalahan ito at kasabay ng pagbabago ng kanyang mukha ang kanyang pagkakakilanlan at buong pagkatao. Nakatakdang magku-krus ang landas nila ni Liam. Si Liam na kababata niya at unang naging kasintahan ngunit iniwan siya nito at hindi pinaniwalaan nang sinabi niyang Papa niya mismo ang pumatay sa kanyang ama. Sa murang edad, nagtanim ng galit si Mia sa mga pulis. Binalikan niya ang Papa ni Liam, hindi lang dahil sa gusto niya itong gantihan kundi ito ang utos ng mas nakatataas sa kanya. Ngayon na pulis na rin si Liam at isang Assassin si Mia na nagtatago sa bagong katauhan na si Leigh Castro, paano nila ipaglalaban ang kanilang pagmamahalan ngayong puno ng paghihiganti ang kanilang mga puso? Saan hahantong ang kanilang mga galit? Alin ang mananaig ang sigaw ng puso o ang tungkuin nila sa kanilang kinaanibang grupo?
Hanggang saan ang sobra na? Ano nga ba ang pagkakaiba ng nagmahal lang at nagpakatanga. Lahat ng hirap sa buhay, napagdaanan na ni Ivy. Lumaki siyang salat, inalipin ng kamag-anak at ngayon sa wakas nakapag-asawa na siya ng isang Milyonaryong gwapong lalaki. Ang akala niyang hahango sa kanya sa hirap, ang lalaking itinuring niyang knight niya in a shining armour ang siya palang maging kalbaryo niya sa buhay. Nandiyang saktan siya, alipinin, babuyin, murahin at maltratuhin. Nang hindi na siya kailangan pa at may kapalit na itong mas maganda sa kanya, pinalabas siyang baliw at inilagak sa isang mental hospital. Tumakas siya at doon niya nakilala si Kai. Ang lalaking magbabago sa kanyang kapalaran. Ngunit may babalikan pa siya. Kailangan niyang maghiganti sa lalaking yumurak sa kanyag pagkatao. Maipapanalo ba niya ang kanyang karapatan? May lalaki pa bang tatanggap at magmamahal sa kanya?
PALIGSAHAN SA YUGTO #towritingcontestGirlPower GIRL POWER - THE REJECTED GIRL REVENGE Bago ikasal ang bilyonaryong negosyante ay napagkatuwaan bumili sila ng birheng ialay sa kanya. Isang mahirap na babae ang birhen na naghahanap rin ng mayamang lalaking aahon sa kanya sa kahirapan. Ang one night stand na \'yon sa Bachelor\'s Party ang sumira sa kasal ng dalawang business tycoon. Ang babaeng alay ang biglang naging asawa ng bilyonaryo dahil sa kalasingan. Legal ang nabgyaring kasal nila sa Siargao. Hindi pumapayag si Nadia, ang babaeng binayaran na mapawalang-bisa ang kasal. Natatakot si Enrique para kay Nadia. Alam niyang kapag babalikan sila ni Kate na siya niya sanang pakakasalan na gano\'n na lang iyon. Ilalaban ni Kate si Enrique nang p*****n. Para sumuko si Nadia at iwan siya nito, nagawang saktan at pahirapan ni Enrique. Naging abused at battered wife si Nadia. Nasaktan nang iniwan na lang siya basta ni Enrique at magpakasal sa dati nitong kasintahan. Kailangan ni Nadia na ipaglaban ang kanyang karapatan bilang unang asawa. Kailangan niyang maghiganti sa p*******t at pang-aabuso sa kanyang kahinaan. Anong kayang gawin ng kagaya ni Nadia na mahirap lang para labanan ang kagaya nina Enrique at Kate na kapwa bilyonaryo at maimpluwensiya?
WARNING: RATED 18 SPG! SPG! Si Leigh ay maganda at nakapagtapos ng pag-aaral ngunit biktima ng illegal recruitment. Iba ang kanyang naging trabaho nang siya ay nasa ibang bansa na. Gustuhin man niyang umuwi ngunit hindi kaya at hindi pwede dahil sa kanya lang umaasa ang kanyang pamilya bukod pa sa pagkakautang na naiwan niya sa kanyang pangingibang bansa. Hindi naging madali ang kanyang buhay. Pinagsamantalahan siya sa kanyang trabaho. Ilang gabing iniyakan niya iyon ngunit kailangan niyang lakasan ang loob. Binaboy na rin lang naman niya ang kanyang katawan, ano pang silbi na magmalinis siya. Naisip niyang gamitin na rin lang ito para pagkakitaan. Mas mabilis siyang makaipon ng malaki, mas may kakayanan siyang umuwi na agad sa Pilipinas. Muling nag-krus ang landas nila ni Klein. Si Klein na nangakong maghahango sa kanya mula sa putik. Ibibigay ni Klein ang kinikita niya sa pagpuputa ng isang buwan tumigil lang siya sa pagpapagamit sa kanyang katawan sa kung sinu-sinong Pinoy. Si Klein na hindi niya kayang mahalin noon pa. Si Klein na handang gawin ang lahat para sa kanya? Matututunan niya kayang mahalin ang lalaking itinuring na lang niyang customer?
SPG Alert! Rated 18! Paano kung nagmahal ka ng isang pari at paano kung mahal ka rin ng paring iyon? Alin ang pipiliin, ang buhay kasama ang babaeng tanging minahal o ang paglilingkod sa Diyos. Hindi pwedeng dalawa, kailangan mamili si Matthew. Nagmahalan sila ni Rizza noong High School pa lang sila. Dala ng kahirapan at utang na loob, ikinasal si Rizza sa mayaman ngunit may sakit na si Bruce. Dahil nasaktan ng husto si Matthew, piniling ituloy ang pangarap sa kanya ng kanyang angkan na maging pari. Nang pari na siyang ganap, muling magku-krus ang landas nila ni Rizza. Mahal pa rin niya si Rizza at ni minsan hindi niya ito kinalimutan ngunit paano kung nakatali na siya sa kanyang bokasyon? Tatalikuran ba niya ang sumpa niya sa Diyos dahil sa kanyang pansariling kaligayahan?
#Summer Update Programme #Summerupdateprogramme SI Gjiam ay isang gwapo at romantikong istudiyante ni Teacher Faith. Nagkamabutihan ang dalawa ngunit ginamit ng ama ni Gjiam ang pagkakataon para makapaghiganti sa ama ni Teacher Faith. Na-set up ang dalaga dahil kay Gjiam. Nakulong. Na-torture sa loob ng kulungan. Nahatulan siya kahit pa matibay naman ang mga ebidensiyang naipresnta sa husgado. Habang nakakulong, pinatay pa ng Daddy ni Gjiam ang kanyang Daddy. Alam niyang wala na siyang iba pang pwedeng gawin kundi ang magpakatatag at lumaban. Ngunit paano niya iyon gagawin? Nakakulong na siya. Wala siyang kalayaan at kakayanang mailigtas ang noon ay nasa panganib ding Mommy at bunso niyang kapatid na babae. Buo na ang loob niya, gagawin niya ang lahat, lalaban siya para makapaghiganti sa mga taong nang-api sa kanya.
Si Kashmine ay isang mahirap na probinsiyana. Dumaan sa maraming pagsubok sa buhay. Kahirapan ang siyang humubog sa kanya. Ang kahirapang ding iyon ang nagtulak sa kanya para magpursigi kahit pa sa kawalang pag-asa. Sa kabila ng kanyang pagiging dukha, may katalinuhan, kagandahan at kataasan ng pangarap na siyang nagiging sandata niya para umangat. Isa lang ang pinangarap niya, ang sana dumating ang lalaking tatanggap at magmamahal sa kanya. Sa kabila ng kahirapan ng Kashmine, dumating sa buhay niya si Bryan. Ang gwapo at milyonaryo niyang kaklase na siyang bumago sa kanyang buhay ngunit nang umalis ito papuntang America ay hindi muli pang nagpakita. may dumating na bagong pag-ibig, si Heine. Mayaman, mabait, matalino at saksakan ng gwapo. Si Haine na nga ang hinihintay ni Kasmine sa buhay niya. Ngunit may sikretong bumabalot sa pagkatao nito. Sikretong magdadala kay Kashmine para makilala niya ang totoong siya at ibigay ang lahat lahat na alam ni Heine na makapagpapaligaya sa babaeng minahal niya ng higit pa sa buhay niya.
Si Shein ay panganay na anak ng isang magiting na opisyal ng Army. Kinalakhan na niya ang b***l ng Daddy niya. Dahil walang anak na lalaki kaya si Shein ang madalas niyang isinasama sa kanyang mga lakad. Hanggang sa naging interesado na si Shein sa trabaho ng kanyang ama. Sa pagiging astig nito, napagkakamalan siyang tomboy ngunit alam niya sa sarili niyang babae pa rin siya. Hindi nga lang siya nakakatapat ng lalaki na kaya ang kanyang kaastigan. Sinabi niya sa kanyang sarili na magmamahal lang siya kung may makatapat siyang lalaki na kayang sabayan ang trip niya. Dumating si Zayn. Si Zayn na namamahiya sa kanya, si Zayn na ubod ng talino at si Zayn na siyang lider-lideran sa buong campus. Noon ay na-challenge siya. Kailangan niyang sabayan ito o kaya’y talunin. Sa kabila ng kanilang mga tunggalian, nabuo ang isang di maipaliwanag na pagmamahalan. Umusbong ang pagkagustuhan na sila mismo ay hindi matanggap. Hanggang sa puso na ang nagdesisyon. Sa kabilang banda, si Zayn ay inihahanda rin ng makakaliwang grupo para maging malakas nilang panlaban sa gobyerno. Mga kasamahan ni Zayn ang pumatay sa Daddy ni Shein. Ang dating nagmahalan ay naging mortal na magkaaway. Kailangan nilang ipaglaban ang kanilang mga paniniwala. Kailangan nilang panindigan ang kanilang mga grupo. Magkakaroon pa kaya sila ng happy ending o mauuwi sa isang malagim na kamatayan ang kanilang mga ipinaglalaban?
Ipinapakita ng nobelang ito kung ano ang kaya nating isakripisyo para sa tunay na pag-ibig. Alin ba ang mas matimbang, ang kislap ng iyong bituin o ang kislap ng wagas na pag-ibig. Ipapakita rin dito ang maruming kalakaran sa show business. Kung paano laruin ang emosyon at paniniwala ng mga tao para sa pera. Iikot din dito ang kadakilaan ng pagmamahal. Ipakikita na ang tunay na pagmamahal ay maaring magiging habangbuhay at hindi rin lahat ng true love ay nauuwi sa forever.
Bago ang try out para sa Philippine Basketball Guild ay naaksidente sa motor si Brent na kambal ni Breana. Si Brent ang may gustong makapasok sa PBG samantalang si Breana ay isang dating pambato ng kanilang University sa Basketball Women’s Division na gusto namang makapasok sa Perlas Pilipinas. Dahil sa kagustuhan niyang matulugan ang kakambal niyang makamit a kaisa-isang pangarap nito, kailangan niyang magpanggap muli na si Brent. Kailangan niyang gayahin ang kilos, buhok at kilos ng kanyang kakambal. Wala namang problema sa mukha at tangkad, sa bahaging dibdib at kurba ng katawan lang siya hirap. Kailangan niyang itago iyon. Kahit ang boses ay kailangan niya rin babaan. Kung hanggang kailan siya magpapanggap na si Brent ay hindi niya alam. Nabuo ang isang pag-iibigan sa gitna ng di pagiging totoo. Paano aaminin ni Breana na hindi siya si Brent? Paano lalabanan ni Arwin ang kanyang nararamdaman lalo pa't pinigilan niya ito sa pag-aakalang lalaki ang kanyang ka-team? Ngunit kung kailan maayos na ang lahat ay saka lumala ang head injury ni Arwin noong high school ito. Sa kabila ng pagbabawal sa kanyang maglaro ay naglaro pa rin ito na siyang dahilan ng isang aksidente. Makakalimutan ni Arwin ang lahat. Mabubura sa alaala niya si Breana. Gagawin man ni Breana ang lahat para mahalin siyang muli ni Arwin na nagkaroon ng amnesia ngunit mukhang malabo na. Kung tutuusin, siya rin naman talaga ang naging dahilan ng pagkabagok ng ulo ni Arwin noong mga bata pa sila at ngayon ay bumalik para singilin siya ng karma. Masakit, mahirap dahil hindi niya kayang bitiwan at isuko ang taong sobra niyang minahal at pinahalagahan. Ikakasal na si Arwin kay Anne, babaeng inilalaban din ang sarili at ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Totoo nga bang kapag nakaukit na sa puso ang pag-ibig, mahirap na itong mabura? Paano kung ang mga alaala na siyang dahilan ng pag-usbong ng pag-ibig ay tuluyang nawala at ang naiwan na lamang ay ang nakaraan kung saan hindi na bahagi pa si Breana? Siya na ang kasalukuyan ngunit siya ang ngayon ay kinalimutan at ang kinalimutan noong nakaraan ang siya na ngayong pinanindigan. Maiaayos ba ng tadhana ang lahat o sadyang sila ni Arwin ang itinadhana ngunit hindi pinag-isa.
Si Airish ay anak ng Presidente ng Piipinas samantalang si Justine ay isang hamak na PSG. Maganda, sopistikada, may maamong mukha at nakakikilabot na kaseksihan ngunit itinatago ng kagandahang ito ang kabulukan ng kanyang ugali. Kilala ni Airish ang kanyang sarili, hinding-hindi siya mahuhulog sa isang hamak na bodyguard lang. Ngunit mapagbiro ang pagkakataon. PInagsadya sila ng kapalaran. Langit at lupa ang pagitan ngunit pinagsalubong sila ng tunay na pagmamahalan. Naging mabuting tao si Airish dahil sa pagmamahal. Ngunit paano kung may kasintahan si Justine na iniwan niya pansalamantala sa Manila. Paano nila haharapin ang iniwan nilang buhay kung alam nilang pagkatapos ng immersion na iyon ay haharapin na nila ang tunay nilang buhay? Napipinto nang mawalan ng trabaho si Justine. Ang dapat inayos na problema sa immersion ay lalong nagkagulo. Muling bumalik si Airish sa dating siya, mas nagiging masahol pa nang hindi niya matanggap na may ibang babae sa buhay ng lalaking nagpabago sa kanya. Doon rin nasasaktan si Ralph, ang lalaking lihim na nagmamahal ng totoo kay Airish. Bukod kay Airish na nasasaktan, may Janna na rin na ipinaglalaban ang kanyang ipinagbubuntis. Si Ralph, na ipinaglalaban ang mas dalisay na pagmamahal niya kay Airish kaysa kay Justine. Si Justine na hindi pa rin niya kayang panindigan kung sino talaga ang kanyang mahal. Si Airish na ipinaglalaban ang mali niyang pag-ibig kay Justine at nalilito na rin sa kabutihang ipinaparamdam ni Ralph. Sa huli, kailangan nilang piliing gawin ang tama. Kailangan nilang panindigan ang dapat. Si Janna ang dapat kay Justine at si Ralph ang tama kay Airish, ngunit susundin ba nila iyon o ipaglalaban ang t***k ng kanilang puso?
PALIGSAHAN SA YUGTO #towritingcontestGirlPowerTobeaCEO Paligsahan sa yugto_GIRL POWER - TO BE A CEO May maganda bang naidudulot ang pagpapanggap? Karamihan sa mga kuwentong nahabi na, ang Bilyonaryo ang nagpapanggap na mahirap. Pero dito sa kuwentong ito, isang katulong ang nagpapanggap na mayaman. Kailangang panindigan ni Rose ang pagiging socialite gamit ang mga magagarbong damit ng amo niyang artista at modelo na si Kai. Ngunit hanggang kailan mapaninindigan ni Rose ito? Ngayon na mahal na rin siya ng bilyonaryong si Zeke, saka naman nabunyag ang lahat. Dahil sa pangyayaring iyon, ginantihan ni Zeke si Rose. Niligawan niya at napasagot ang artistang amo ni Kai at lahat ng iyon ay nasasaksihan ng nasasaktang si Rose. Paglalayuin sila ng magkaiba nilang mundo at ang pagpapanggap na iyon ni Rose noon ang lalong nagpagulo sa dapat ay nauwi sa mabuting ugnayan. Ano ang gagawin ni Rose na isang katulong para pagkatiwalaan pa siya ng isang bilyonaryong si Zeke? Kaya bang buhayin ng pagmamahal ang kawalan ng tiwala?
WINNER: DREAME & YUGTO WINNER OF 30 DAYS WRITING CHALLENGE Kailangan ba ni Khaye na dumaan sa isang pisikal na pagbabago para mahalin siya ni Jyles? Importante nga ba ang panlabas na anyo para makuha natin ang ating pangarap at mahalin tayo ng taong matagal na nating pinapangarap? Ito ang kuwentong magpapakita na walang sariling mata ang puso. Nakikita nito ang hindi nakikita ng ating mga mata. Nararamdaman nito ang tunay na pag-ibig. Hindi sa lahat ng panahon ay kailangan nating maging maganda para mahalin tayo ng taong mahal natin. May mga taong tumatanggap at magmamahal sa kabila ng ating kapintasan. May mga taong nagpapahalaga sa kagandahang loob at hindi lang sa pisikal nating hitsura. Akala niya hihiga na siya sa kama ng rosas sa piling ng kanyang asawang si Jyles. Nawasak ang pangarap niyang magkaroon ng isang buo at simpleng pamilya. Buntis siya nang pinagsamantalahan ng limang lalaki sa utos ng walang pusong patay na patay sa kanyang asawa, binaboy siya, nakunan at sinunog ang kanyang mukha. Nalusutan niya ang lahat ng iyon. Bumalik para maghiganti at muling bawiin ang asawa sa piling ng kalaban. Naging isang napakahusay na Assassin. Babalikan niya ang lahat na bumaboy sa kanya. Uubusin niya silang lahat. Magagawa ba niya itong mag-isa? Maipapanalo ba niya ang laban nila ng kanyang kabiyak? Maipaghihiganti ba niya ang pagsasamantala sa kanya na dahilan ng pagkamatay ng sanggol sa kanyang sinapupunan? Ano ang magiging kapalit ng kanyang paghihiganti?
Ang pagmamahal ay sagrado. Iyan ang isang damdamin na hindi pinipilit, hindi hinihingi at lalong hindi rin inuutos. Kusa iyang naramdaman kusang ibinibigat. Kaya nga kahit gaano pa kayaman at kamapangyarihan si Jacko ay hindi niya nagawang paibigin si Isabella. Kahit pa gumamit siya ng itim na kapangyarihan sa tulong ng isang singsing ay hindi pa rin siya nagtagumpay. Iyon dahilan at pagsisimula ng mga trahedya sa bahay na iyon na minana pa ni Ava. Nangyari na ang trahedyang iyon sa Tito Diego niya, nakapatay na ito dahil sa itim na singsing at siya na ang susunod na biktima ng exboyfriend niyang si Elijah na suot na rin ang singsing na pag-aari ni Jacko. Si Jacko na ang nagmamay-ari sa katawan ni Elijah at ang katawan ni Ava ang kailangan ni Jacko para bumalik si Isabella. Kailangan ni Lucas at Ava na labanan ang itim na kapangyarihan ni Jacko. Kailangan nilang magtulungan para magapi ang sumpa sa singsing. Magtatagumpay kaya ang tunay na pag-ibig laban sa kasamaan? Matutulungan kaya nilang mapalaya ang matagal nang naghihirap at nakakulong na kaluluwa ng Lola niyang si Isabela?
Sa laro ng mga barako't astig, paano kung may namumuong hindi maipaliwanag na kakaibang damdamin sa pagitan ng isang sikat na basketbolistang tinitilian at pinapangarap ng lahat at ng isang guwapo at mas batang nagsisimula palang makilala. Saan sila dadalhin ng kanilang tunggalian sa laro at pagkamit sa respeto ng kanilang mga fans. Anong kaya nilang gawin para patuloy nilang matakasan ang pinipigilan at nilalabanan nilang bugso ng pagkagusto sa isa't isa. Paano kung ang simpleng atraksiyon sa mabilisang mga sulyap, ang kuryenteng nabubuo sa tuwing nagkakabungguan sila sa paglalaro at ang pagtatangi kapag nagkikita sila bago at pagkatapos ng laro ay kusa nang sumasabog. Paano nila haharapin ang kaibahan nila sa kanilang mga kasamahan? Paano nila mapapanindigan ang kanilang pagmamahalan sa mundong kanilang ginagalawan?
Hindi natin lubos na makikilala ang isang tao kahit pa matagal nang kakilala. Binago ni Julia ang kanyang pagkatao para sa matindi niyang pagmamahal sa first love niyang si Denver. Si Denver na akala niya ay siya na niyang una at huling mamahalin. Ngunit dumating si Luke, ang lalaki na pakiramdam ni Julia ay siya niyang ultimate at true love. Ngunit kasabay ng pagdating ni Luke ang pagkawala naman ni Denver. Kung kailan mahal na niya si Luke, saka muling nagpakita at bumabalik si Denver. Nangangako ang dalawang lalaki ng tunay na pag-ibig. Ngunit may multo ng nakaraan ang bumabalik. Isang kaluluwa ang nagpaparamdam kay Julia. Humihingi ng saklolo dahil muli na namang maghahasik ng kasamaan ang killer. Ngayon, sina Julia at ang lalaking tunay na nagmamahal ang pinupuntirya. Kailangang malaman ni Julia ang nakatagong sikreto bago pa mahuli ang lahat. Sino ba sa dalawang minahal niya ang killer? Ano ang kinalaman ng kaluluwang nagpaparamdam sa dalawa? Magtatagumpay bang muli ang killer sa masama nitong balak o malalaman agad ni Julia ang malagim na nakaraan at mauunahan niya ang Killer sa plano nito laban sa kanya. Si Julia na ba ang magpapalaya sa kaluluwang biktima at ang bagong bibiktimahin?
THE BODYGUARD Lumaki si Justine sa hirap. Pinagpapasa-pasahan siya ng mga kamag-anak para lang makatapos sa pag-aaral ngunit hindi isang kadugo ang itinuring sa kaniya kundi isang alila. Nagtiis siya para sa pangarap niya sa kaniyang mga magulang at kapatid. Gusto niyang maiahon sila sa hirap. Ngunit may madilim siyang nakaraan dahil sa pang-aabuso ng mga taong noong una ay pinagkatiwalaan niya. Ang masakit ay kung sino pa ang pinaghandugan niya ng respeto at tiwala ay sila yung gumawa ng hindi niya masikmura kaya sagad sa buto ang pagkamuhi niya sa mga katulad nila. Nabuo ang galit at hindi niya iyon nakakayanang kontrolin sa tuwing nakakakita siya ng mga alanganin. Para sa kaniya, tagumpay na ding maituturing ang pagtatapos niya sa PNP lalo na nang nabigyan siya ng pagkakataong ipagtanggol at siguraduhin ang kaligtasan ng anak ng Pangulo ng Pilipinas. Ikakasal na siya sa kaniyang katipan na mahal na mahal niya. Abot kamay na niya ang pangarap na noon pa niya gustong makamit. Ngunit paano kung ang inililigtas niya sa kapahamakan at siya niyang binabantayan para mapabuti nito ang kaniyang buhay ay katulad din pala ng mga taong umabuso sa kaniya noon? Paano niya buum-buong ibibigay ang kaniyang serbisyo? Paano niya pipigilan ang kaniyang nagwawalang damdamin?
Naging viral sa social media ang isang lalaking guro na kinasuhan ng statury r**e laban sa kanang estudiyanteng na nasa Grade 10 at labing-anim na taong gulang. Alam ni Neil na walang r**e na nangyari nang naabutan silang kapwa nakahubad ng kanyang estudiyante sa isang hotel. Alam iyon ni Eldrin, ang kanyang estudiyante na may gusto rin sa kanya. Ngunit dahil lumabas sa internet ang mga ilang videos at naging viral, naging trial by publicity ang kaso niya. Wala pa mang sapat na ebidensiya, nadiin na siya sa kaso. Hindi lang ito basta kasong r**e, alam niyang nag-ugat ang lahat ng ito sa usaping pulitika. Hanggang sa korte na umabot ang matinding bangayan ng malakas na kumakandidatong mayor niyang ama sa incumbent mayor na daddy ni Eldrin. Lalo pang lumala ang kaso niya nang ang mismong magsasabi ng totoo na si Eldrin ay biglang nagbigay ng salaysay na lalong nagpadiin sa kanyang kaso. Nakulong siya. Tumagal ng ilang taon sa kulungan. Pagkaraan ng ilang taon, bumalik si Eldrin. Isa nang ganap na abogado. BUmabalik siya para tulungan siyang lumabas sa kulungan. Handa na itong sabihin ang totoo. Posible pa ba ang tunay na pag-ibig katulad ng posible pa bang mabawi ang mga nasayang na panahon at buhay ni Neil? Magagawa pa bang mahalin ni Neil ang taong naglagak sa kanya sa impyerno ng ilang taon?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.