The Player & The Pretender
Share:

The Player & The Pretender

READING AGE 16+

Joemar Ancheta (Pinagpala) Fantasy

0 read

Bago ang try out para sa Philippine Basketball Guild ay naaksidente sa motor si Brent na kambal ni Breana. Si Brent ang may gustong makapasok sa PBG samantalang si Breana ay isang dating pambato ng kanilang University sa Basketball Women’s Division na gusto namang makapasok sa Perlas Pilipinas. Dahil sa kagustuhan niyang matulugan ang kakambal niyang makamit a kaisa-isang pangarap nito, kailangan niyang magpanggap muli na si Brent. Kailangan niyang gayahin ang kilos, buhok at kilos ng kanyang kakambal. Wala namang problema sa mukha at tangkad, sa bahaging dibdib at kurba ng katawan lang siya hirap. Kailangan niyang itago iyon. Kahit ang boses ay kailangan niya rin babaan. Kung hanggang kailan siya magpapanggap na si Brent ay hindi niya alam.
Nabuo ang isang pag-iibigan sa gitna ng di pagiging totoo. Paano aaminin ni Breana na hindi siya si Brent? Paano lalabanan ni Arwin ang kanyang nararamdaman lalo pa't pinigilan niya ito sa pag-aakalang lalaki ang kanyang ka-team?
Ngunit kung kailan maayos na ang lahat ay saka lumala ang head injury ni Arwin noong high school ito. Sa kabila ng pagbabawal sa kanyang maglaro ay naglaro pa rin ito na siyang dahilan ng isang aksidente. Makakalimutan ni Arwin ang lahat. Mabubura sa alaala niya si Breana.
Gagawin man ni Breana ang lahat para mahalin siyang muli ni Arwin na nagkaroon ng amnesia ngunit mukhang malabo na. Kung tutuusin, siya rin naman talaga ang naging dahilan ng pagkabagok ng ulo ni Arwin noong mga bata pa sila at ngayon ay bumalik para singilin siya ng karma. Masakit, mahirap dahil hindi niya kayang bitiwan at isuko ang taong sobra niyang minahal at pinahalagahan. Ikakasal na si Arwin kay Anne, babaeng inilalaban din ang sarili at ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Totoo nga bang kapag nakaukit na sa puso ang pag-ibig, mahirap na itong mabura? Paano kung ang mga alaala na siyang dahilan ng pag-usbong ng pag-ibig ay tuluyang nawala at ang naiwan na lamang ay ang nakaraan kung saan hindi na bahagi pa si Breana? Siya na ang kasalukuyan ngunit siya ang ngayon ay kinalimutan at ang kinalimutan noong nakaraan ang siya na ngayong pinanindigan. Maiaayos ba ng tadhana ang lahat o sadyang sila ni Arwin ang itinadhana ngunit hindi pinag-isa.

Unfold

Tags: revengesecond chancearrogantconfidentdramatragedybxglightheartedfirst loveschool
Latest Updated
PAGPAPATAWAD AT PAGTANGGAP

FINALE PART 2

ARWIN’S POINT OF VIEW

 

    "Huwag masyadong lumayo ha? Yung pawis mo." bilin ng aswa ko kay Jhon Ryl nang nasa park na kami. Halata pa rin sa mukha ng bata ang saya niya habang hawak na niya ang bola niyang binili ko para sa kanya bago kami tumungo sa park. Tama lang ang laki ng ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.