Erica has fallen inlove with a man na akala niyang magbibigay sa kanya ng pagmamahal na matagal na niyang pinangarap at inasam. Kay Troy Sandoval. A mysterious guy na biglang dumating sa kanyang buhay at ginulo ito. Sa simula pinakitaan siya ni Troy ng mabuti. Niligawan siya nito, hindi nagtagal ay sinagot niya ito. Mabilis na nahulog ang loob niya sa lalaki kaya naman nagpakasal sila agad. Ngunit ilang buwan pa lamang ang lumipas ay nag iba ang trato nito sa kanya. Naging bastos ito at mapangahas sa kanya. Dahil ang totoong motibo ni Troy ay ipaghiganti ang kapatid na nasa ospital pa rin hanggang ngayon at hindi parin nagigising sa coma. Sobrang mahal ni Troy s Rix. Si Erica ang sinisisi nila sa trahedyang nangyari sa kanyang kapatid. Matagal ng manliligaw ni Erica si Rix at palagi din itong basted sa kanya kahit anong pagtataboy niya rito ay ayaw siyang tantanan ng binata.Ayaw sana niyang paasahin si Rix kasi wala talaga siyang feelings para dito at kaibigan lang ang turing nito sa kanya.Ngunit isang araw bigla na lang itong tumawag kay Erica at nagbabantang magpapakamatay ito kapag hindi siya nagpakita dito. Hindi alam ni Erica na magkapatid si Troy at Rix. Pumayag si Erica sa gusto nito kasi alam niya ang kayang gawin ni Rix.Sa kasamaan hindi nakarating si Erica sa lugar kung saan dapat sila magkikita ni Rix dahil sa isang insidenting nangyari. Isang insidente na magpapabago sa takbo ng kanilang mga buhay.Insidenting naging dahilan kung bakit dumaranas siya ngayon ng impyernong buhay sa piling ni Troy. Tama bang inilihim ni Erica kay Troy ang insidenting yun?Paano kung sinabi niya kaagad sa kanila? Dadanasin pa kaya niya ang pagpapahirap na pinaparanas ni Troy sa kanya? O mas mamahalin siya ng tuluyan ni Troy kapag nalaman nito ang totoo?
Si Clariza Mallari o kilala bilang Cali ay may pusong lalaki na umibig sa kapwa niya babae. Kilala siya sa kanilang lugar dahil halos lahat ng magagandang dilag ay kanyang natitipuhan. Ngunit wala man lang ni isa ang sa kanya'y nagparamdam ng pag-ibig na inasam. Hanggang sa nakilala niya si Heide Alegre ang babaeng nagbigay at naglaan sa kanya ng oras at atensyon. Nahulog ang loob nila sa isa't-isa na kailanman ay hindi niya naisip na mangyayari pa. Dahil halos lahat ng babaeng niligawan niya noon ay binasted at iniiwasan siya. Tutol ang lahat sa kanilang pag-iibigan lalo na ang kanyang ama dahil mali raw ang umibig sa parehong kasarian at kasalanan ito sa panginoon. Kinutya sila ng karamihan kasi salot raw sa lipunan ang kanilang pagmamahalan. Ngunit sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ay ipinaglaban pa rin nila ang kanilang bawal na pag-iibigan dahil nangako sila sa isa't-isa na walang makakasira ng kanilang pag-ibig kailanman at magiging sila hanggang sa dulo ng walang hanggan. Kahit sino pa man ang humadlang dahil ang tunay na pag-ibig ay may paninindigan. Pero saan nga ba sila dadalhin ng kanilang kapalaran kung ayaw sa kanila ng sambayanan? Paano nila sisimulan ang buhay na magkasama kung ang lahat ay tutol sa kanilang pagmamahalan? Kaya ba nilang panindigan na ang pag-ibig ay pangkalahatan at hindi basehan ang kasarian sa dalawang pusong nag-iibigan? Mapapatunayan kaya nila sa lipunan na ang pagmamahal ay walang pinipiling kasarian?
Mayen is eighten years old innocent young lady and secretly inlove with her brother's bestfriend at walang nakakaalam sa pamilya niya even her brother na sobrang close niya. Ang akala ng marami ay tomboy siya dahil sa mahilig itong magsuot ng panlalaki at malalaking damit. Bukod sa kaibigan niyang si Rica. Si Vincent lang ang nakakaalam sa feelings niya dahil inamin niya ng agaran ang nararamdaman. But Vincent chose to refuse and ignored her feelings. Ang masakit pa nalaman ng dalaga na may ibang nililigawan si Vincent at sinagot din siya agad ng babae. Sobrang nasaktan si Mayen kaya naman pinili niyang umalis muna sa bahay nila. Tinanggap niya ang alok ng tiyahin na sumama sa Canada para dooon siya pag-aralin at para iwasan na rin si Vincent. Then she came back after five years. The mature, the bolder and more sexier Mayen came na kahit sinong lalaki ay mapapalingon sa kanya. At nag krus ulit ang Landas nila ni Vincent. Kakayanin pa kaya ni Vincent ang pang-iignore sa mala-dyosang si Mayen? Paano niya ulit kukunin ang puso ng dalaga na alam niyang sinaktan niya noon?
As she stared at their big wedding picture hanging on the wall of their room, Harmonee remembered the promises Apollo had made on their wedding day. Pangakong sa simula lang ng pagsasama nila nagampanan at natupad dahil kalaunan ay unti-unti itong nagbago. The marriage of her dream is now getting more complicated. After a year of being together and living in South Ridge village. Apollo started to become cold and snob, but still she try to managed and understand him for the sake of their relationship. Minsan parang gusto na lang maniwala ni Harmonee sa kasabihang "Sa umpisa lang masaya ang pag-aasawa at hindi yan parang kaning mainit na kapag napaso ka ay iluluwa mo na lang." Ang pag-aasawa ay may kalakip na responsibilidad. Responsibilidad na dapat ay magkaagapay kayong mag-asawa. Pero paano kung ang responsibilidad na iyon ay ikaw na lang ang gumagawa? At paano kung tama ang hinala ni Harmonee na may third party sa relasyon nilang mag-asawa dahil sa bigla nitong panlalamig sa kanya? Nagsimula ang lahat when this Trina "the ultimate Kabit of the town" intruded. Matutulad rin ba siya sa mga kaibigan niya sa South Rigde? No! That's why she is determined to find it out. She will fight for her right and she will never allow anyone to destroy her marriage with Apollo. Hindi siya papayag na ang pinangarap at binuo niyang pamilya ay sisirain lang ng isang higad. She will fight for her husband whatever it takes even if she's a Fragile wife! —-Joy Cee—-
“P-parang awa mo na, pakawalan mo na ako. Please! Hindi ko talaga kilala ang kapatid mo.” Pagsusumamo ni Malorie. But Greg only devilishly grinned at her. Ni hindi mo makitaan ng pagkaawa para kay Malorie. “Talaga? Huh! Okay, if you insist, then I will make sure na ako lang ang maaalala mo, ang impyernong buhay kasama ako bilang asawa mo! Naiintindihan mo?!” Asik ni Greg. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sinimulan niya ang mabangis na kilos. Wala siyang pakialam kung masaktan man si Malorie o hindi. Wala siyang pakialam dahil ang gusto niya lang ay maghiganti. Ang hindi niya alam sobrang pinsala na ang naidulot niya sa puso at pagkatao ni Malorie. Ang tanging pag-asa na lang ngayon ni Mara ay may dumating at iligtas siya sa bangungot na kanyang kinasadlakan. Ngunit tulad nga ng sabi nila walang mangyayari kung hindi ka gagawa ng paraan. Dumating sa buhay niya si Greg hindi upang wakasan ang paghihirap niya ngunit upang madagdagan pa ito. Isang hayop. Walang puso, baliw at leader ng sindikato at ang pinakamasamang bangungot niya. Paano siya makakalaya sa mga kamay ni Greg? Mapapaniwala ba niya ito na inosente siya at walang kasalanan? O mas lalo siyang magdudusa sa piling ng lalaking pilit niyang minamahal ngunit ang tingin sa kanya ay laruan at parausan lamang.
Si Edison Mondragon ay isang anak ng Heneral. Kailangan lahat ng sasabihin sa kanya ng ama ay gagawin niya. Ang pangarap niya lang sa buhay ay makatagpo ng babaeng magmamahal sa kanya ng buong puso. After a Year he found Samantha. He fell inlove sa unang tingin pa lang niya sa dalaga and then they developed each other at naging magkasintahan sila. Ngunit kalaunan ay iniwan siya ni Sam nang walang dahilan. At dahil sa pangyayaring ito. Nagalit ang kanyang ama. Binugbog siya at pinalayas sa kanilang bahay. Dahil irisponsable siya at hinayaan niyang mawala sa kanya si Sam. Boto ang kanyang ama kay Samantha Valdez bilang asawa niya dahil mayaman ito at kilala sa kanilang lugar. Lubos siyang nasaktan sa pangyayaring iyon kaya naman nagsumikap si Edison at muling binuo ang sarili. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil muling nagkrus ang landas nila ni Sam at nakabuo siya ng plano para makapaghiganti dito. Kinidnap niya ito. He used all his power and connection para makasal sa kanya ang babae kahit sapilitan. And he find his ways to torture this lady para makapaghiganti. Pero ang hindi niya alam ay ibang babae ang pinakasalan niya kundi kamukha lamang ng kanyang dating kasintahan. Paano lulusutan ni Edison ang gulo at problemang pinasok niya kapag nalaman niyang ibang babae pala ang pinakasalan niya?
Marriage is not perfect. It has happiness and of course sadness. Isa lang masasabi ko ang buhay ng tao has ups and downs. Hindi lahat ng buhay ay perpekto. At masusubok ang samahan sa mga pagsubok na dumarating sa buhay nilang mag-asawa. Its either they keep on fighting as a lover or they'll just give up on each other. Please support po ☺️
Claire Morcilla has a dark secret that she hides for a long time. All she wanted was a happy and simple life and this was her dream. She was alone at mag-isang itinataguyod ang sarili. Subalit may malaking halaga siyang kailangan bayaran. Ito ang pamanang iniwan sa kanya na hindi niya matatakasan. Ang sampung milyong utang ng kanyang yumaong ama at ito ang dahilan kung bakit araw-gabi siya kumakayod para mabilis makaipon upang makabayad. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana o ipinanganak lang talaga siyang may kalakip na malas sa buhay dahil hindi pa niya masosolusyunan ang utang ng kanyang ama ay may panibago na namang dagok ang dumating sa kanyang buhay. Una ay si Steve Mendez. Ang lalaking niligtas niya sa bingit ng kamatayan na inakala niyang kaibigan at mapagkakatiwalaan. Ngunit may maitim pa lang binabalak sa kanya kapalit ng hindi pagbubunyag ng sikretong iniingatan. Pangalawa ay si Benedict Gallego isang negosyanteng pinagkakautangan ng kanyang ama. Baliw na baliw rin sa angking kagandahan ni Claire na kahit sino ay babanggain makuha lamang ang atensyon ng dalaga. At dito magsisimula ang masalimuot na buhay ni Claire sa dalawang lalaking nag-aagawan sa kanya. Hanggang kailan kakayanin ni Claire ang hamon sa kanya ng buhay? Kailan ito matatapos? Sino ang magliligtas sa kanya sa masalimuot niyang sitwasyon? Meron ba siyang matatawag na knight in shining Armor? Sino at kailan ito darating para iligtas siya?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.