Amanda Lopez, dalamput dalawang taong gulang,maputi, maganda, matangos ang ilong, maganda ang hubog ng katawan, at ulilang lubos,at nagpakalat kalat sa lansangan para mabuhay. isang babae na hindi naniniwala sa tunay na pagmamahal. At isinarado ang puso sa kadahilanang takot masaktan, at umibig. "Sino ba naman ang magkaka gusto sa isang tulad ko? At mag mamahal ng tapat? Lalo na ang seryosohin ako. Gayong isa lamang akong hamak na babaeng nag tratrabaho sa isang bar, kung kaya mas nanaisin ko na lamang na pigilang umibig at isarado ang puso ko. Richard Avelino, 28 year's old, isang lalaking busilak ang kalooban, maputi gwapo, matangos ang ilong, matangkad at may mga matang mapang akit. Paano mo ba malalaman na mahal mo na ang isang tao? Kapag ba sa kanya mo ibinigay ang sarili mo? O dahil ba sa may nanyare sa inyo, kaya parang minahal mo na siya? O dito magsisimula ang lahat. Paano pala kung malaman mong buntis ka? Aaminin mo ba sa kanya? Gayong alam mo na takot kang masaktan, at umaasang mamahalalin ka? At alam mo na pakikisamahan kalang dahil sa bata? Anong gagawin mo? Kaya mo bang ipagkait sa iyong anak na makilala ang Ama nito? At kaya mo rin bang ibaon sa limot ang lahat. Kung nakikita mo ang iyong anak na kamukhang kamukha ng ama nito. #Richard&Amada"
"Pagkatapos mong buntisin ang kaisa-isang anak ko. Hindi mo pakakasalan? Baka gusto mong pasabugin ko ulo mo?!" banta at galit na galit na wika ng ama ni Aica kay Andrew. Hindi naman nakapagsalita si Andrew dahil sa takot at pagkabigla nito. Tiningnan lamang nito si Aica. "Dad, tama na po, Please," pagmamakaawa at umiiyak na saad ni Aica sa kanyang Ama. "Aica! Sinunod ko ang gusto mo. Pinag-aral kita ng medisina imbes na pag-aralan mo ang pagpatakbo ng kumpanya natin! Tapos malalaman ko binuntis ka lang ng sira ulong lalaki na ito at hindi ka pananagutan! Para ano? Para makaiwas ka sa lalaking ipapakasal ko sa iyo!" galit muli na wika ng Ama nito. Nagulat si Aica nang hinawakan ni Andrew ang kamay niya at hinala sa likod nito. "Pakakasalan ko na po ang anak niyo. Kaya kung maaari po iwan niyo na po kami at may pag-uusapan lang po kami," matapang na saad ni Andrew. "Dapat lang, dahil kapag hindi mo pinakasalan ang anak ko. Ililibig kita ng buhay," nanggigigigil at bantang wika ng ama ni Aica at lumabas na ito.
Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Status: (Under PTR) Hanica Vidal. Maldita, matalak, at workaholic . Ngunit mapagmahal na apo at gagawin ang lahat para sa kumpanya. Dahil ito ang kanyang mundo. At kahit minsan hindi pumasok sa utak nito ang pag-aasawa. Kaisa-isang apo ni Mr. Gilbert Vidal. Carlos Miguel, empleyado ni Hanica Vidal. Masunuring anak lalo na sa kanyang Lola Pacita. Ngunit hindi kasundo ang ama. Kaya ninais na lamang pumunta ng Manila dahil masgustong mamuhay mag-isa at lumayo upang makalimutan ang dating kasintahan. Paano kung malaman mong ang last will testament na naiwan ng 'yong Lolo Ay kailangan mong mag-asawa? Bago mo makuha ang kumpanya at magpatuloy na CEO. "Wala na akong ibang choice kung hindi ang magpakasal. Kanino? Gayong wala naman akong kasintahan?" Inis na tanon ng dalaga habang nakatingin kay Carlos Miguel. "Bakit ka nakatingin sa akin?" kunot-noong tanong ni Carlos. "Excuse me," wika ni Hanica at hinila nito ang binata palabas ng opisina. "Ano na naman ba, Ma'am Hanica? Ginagawa ko naman lahat ng pinag uutos n'yo," reklamo at kunot-noong tanong ni Carlos sa kanyang boss. "MARRY ME," Carlos Miguel. "What?! Nababaliw ka na ba? At saka bakit ako? Ang dami pa namang iba d'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Carlos. "Ano bang gusto mong gawin ko? Para pakasalan mo ako?" tanong ng dalaga na despirada na at walang choice kung hindi ang gawin 'yon. Kaysa naman makasal s'ya sa taong hindi kilala. "I think about it," wika na lamang ng binata at tinalikuran nito ang dalaga. "Carlos Miguel, sabihin mo lang kung magkano ang kailangan mo at ibinigay ko," pahabol na wika pa ng dalaga. Napatingin ang binata ng kunot-noo sa dalaga dahil sa sinabi nito at sinabing, "Ano'ng tingin ko sa akin? Mukha pera. Pakasalan mo 'yang pera mo!" Asik ng binata at nilalayasan nito ang dalaga. Paano kung malaman ni Hanica Vidal na ang utusan nito ay mas mayaman pa pala kaysa sa kanya? Abanga. . .
Mr. Montenegro a 28 year's old, business man, who fall inlove to a Innocent girl Athena Gomez, who can do everything just get half Million pesos to save here mother Vigie Gomez. At sa hindi inaasahang pagkakataon pagtatagpuin ang landas nila sa isang bar,kung saan mababangga ni Mr.Montengro si Athena, at mai babarfine ng isang gabi kapalit ng kalahating Million..
Ako si Andrea Suarez, isang simpleng babae na namumuhay ng tahimik sa isang Isla na hindi kilala,at simple lang ang nais ko ang mamuhay ng tahimik at makasama ko lamang ang aking Lola. Ngunit sa di inaasahang pagkaka taon ay nakilala ko si Edward Montenegro ang kapatid ni Troy Montenegro. Dahil sa utang na loob ay sumama kami ng aking Lola sa Maynila at nagtrabaho ako sa kumpanya ng Montenegro. At dahil sa hindi magandang unang pagkikita namin ni Troy Montenegro, ay naging aso't pusa kami. Ngunit hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ang damdamin ko sa kanya. Ang tanong gano'on din kaya ang nararamdam saakin ni Mr.Troy Montenegro.
Lahat tayo'y may pangarap na nais matupad. Pangarap dahil sa kagustuhan at pangarap dahil kinakailangan. Rafael Del Rosario, ninais na maging isang pulis upang sumunod sa yapak ng kanyang idolo, ang kaniyang Ama. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nasaksihan niya kung paano binawian ng buhay ang kanyang ama. Binaril at namatay ito nang walang kalaban-laban. Napuno ng galit at hinanakit ang puso niya magmula ng araw na iyon. Ang nais na maging alagad ng batas at itinatak sa isip na hindi lang ito kanyang pangarap kung hindi paghahanap ng hustisya sa namayapang ama. Nagpatuloy ang binata sa misyon bitbit ang pangako sa sarili na hanapin ang taong pumatay sa kanyang ama at paghigantian ito. Sa kanyang paglalakbay, matatagpuan niya si Angela Rabago, ang babaeng nagpalambot sa puso niya. Matutupad kaya ang pangako ni Rafael na bigyan ng hustisya ang ama kung malaman niyang ama ito ng babaeng nagpabago ng kanyang buhay?
Matalino, guwapo at babaero. Ganyan ang paglalarawan ni Sheryl Hermosa. Kay Elton Galvez, ngunit ang hindi niya alam ay sa unang kita pa lamang sa kanya ni Elton ay may lihim na 'tong pagtingin sa kanya. Ngunit binabaliwa lamang 'to ng binata dahil takot siyang sumugal sa pag-ibig. kaya niya kayang pigilan ang nararamadam kung alam niya sa kanyang sarili na hindi niya kayang mawala sa kanyang tabi ang babaeng palihim na iniibig? Abangan!!
"Ayaw na ayaw kong tinatakbuhan. O tinatakasan! Huwag na huwag kang gagaya kay Amanda, Mia. Dahil kapag sinabi ko. Ginagawa ko!" banta ni Bryan habang titig na titig ito sa dalaga. Hindi naman makapagsalita ang dalaga dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Bryan sa kanyang mukha. Takot din itong magsalita at baka bigla siyang halikan muli. Bagkus ay tiningnan na lamang niya ito ng matalim na tingin. "Bakit ganyan ka makatingin sa 'kin? Papalag ka ba? Baka gusto mo na namang makatim," saad ni Bryan at lalo pang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga. Kunting-kunti na lang at maglalapat na ang kanilang labi. Pinigilan na lamang ng dalaga ang kanyang pahinga. Habang pinagpapawisan na nakadikit sa ding-ding ang kanyang katawan. Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone at doon natuon ang kanilang pansin. Kaya agad na nagkaroon ng idea si Mia para umalis sa harapan ng binata. Umilalim siya sa braso ng binata at agad na kinuha ang cellphone sa na nasa ibabaw ng lamesa. Sinagot naman niya agad ang tawag. "Hello," saad ni Mia na mahina lamang. "Hello, friend," sagot naman ni Dana ang kaibigan nito. "Hi, babe. Ikaw pala, susunduin mo na ba ako?" tanong ni Mia. "Babe?" saad ni Byran ng kunot-noo habang nakatingin ito sa dalaga. Bigla nitong nilapitan si Mia at inagaw ang cellphone sa dalaga. "Who are you?" tanong ni Bryan na galit. "Ikaw, sino ka?" naiinis naman na wika ni Dana sa kabilang linya. Nang marinig ni Bryan na babae ito ay agad niya pinatay ang tawag. "Babe, pala, ah," saad ni Bryan na may nakakalokong ngiti habang nakatingin kay Mia. "Wala kang pakialam!" asik nito sa binata. "Sa susunod galingan mo, iyong kapani-paniwala. I pick you up tomorrow seven pm. Huwag mo akong tatakasan kung ayaw makatikim muli!"
"Dad, bakit naman sa dinami-rami ng tao sa mundo, siya pa? Saka, Dad. Hindi na ako bata na kailangan pang alagaan. Matanda na ako at kaya ko na ang sarili ko. Tapos halos sampong taon pa ang tanda niya sa akin. Hindi porque siya ang pinagkakatiwalaan niyo sa kaniya niyo rin ako ipapakasal. Ano ba 'yan? Napaka unfair niyo naman," reklamo nito at hindi sang-ayon sa kagustuhan ng kaniyang Ama. 'Doon pa talaga sa lalaking nanakit ng puso ko," aniya rin nito sa kaniyang isipan. "Belinda! Makinig ka sa akin. Hindi ko 'to ginagawa para sa 'kin. Ginagawa ko 'to para sa 'yo at pagdating ng araw maiintindihan mo rin kung bakit siya ang gusto ko para sa iyo. Isa pa, sa ayaw at gusto mo. Ako ang masusunod at habang nabubuhay ako. Ako ang batas sa pamamahay na 'to!" paliwanag at madiin na wika nito. "Susundin ko kung ano man ang gusto niyo. Kahit ayaw ko! Sino ba naman ako sa pamamahay na 'to. Isa lang naman akong sunudsunuran at walang kalayaan mula nang mamatay si Mommy," saad ng dalaga na nagmamaktol at iniwan na lamang ang ama nito. "Belinda! Bumalik ka rito!" Sa paglabas ng dalaga sa bahay ay agad naman itong sinundan ng kaniyang mga bodyguard. "Huwag kayong sasakay sa kotse ko, kung ayaw niyong mawala ako ulit sa paningin niyo at managot sa ama ko!" galit at bantang wika nito. Agad namang sumunod ang kaniyang mga alipores. Sasakay na sana ito ng kaniyang sasakyan nang mapansin ang isang kotse na huminto sa kaniyang harapan at bumaba ang lalaking unang nagpatibok at nanakit ng kaniyang puso. Bumaba ito ng sasakyan at seryoso ang mukha nang marinig niyang nagsalita ang dalaga. "Andito ka rin, pala. Pinapunta ka ba ng mahal kong, Ama? Masayang-masaya ka na siguro ngayon, ano? Natupad na ang pangarap mo. Akalain mo 'yon. Napaka suwerte mo naman. Sa dinarami-rami ng tao sa mundo sa iyo pa talaga ako ipapakasal ng ama ko. Sana all nakukuha ang lahat ng gusto, kasi naman ang galing mong sumipsip," nang-iinis na saad nito. "Mawalang galang na, pero hindi ako narito para makipagtalo sa 'yo. Oh, ang patulan ka. At huwag kang mag-aalala, dahil hindi rin ako sang-ayon sa kagustuhan ng ama mo. Pero wala akong magagawa," saad din nito na hindi nakatingin sa mga mata ng dalaga. "Walang magagawa? Oh, baka naman kasi, gustong-gusto mo rin? Sabagay, ikaw ba naman ang magiging boss kapag nakasal na sa akin at magkakaroon ng maraming pera. Bakit hindi 'di ba? Pera na 'yan kaysa maging bato pa," makahulugang saad pa ng dalaga. "Kung gusto man kita, sana noon pa. Noong sinabi mong gusto mo 'ko, 'di ba, baby girl?" makahugang wika ng binata. "Ay 'yon, ba? Sorry, ha? Limot ko na kasi 'yon, eh. Saka bata pa ako no'n. Kaya huwag kang umasta na patay na patay ako sa 'yo. Alam mo kung bakit? Kasi para sa akin. Isa ka lang asong ul*l na sunod nang sunod sa ama ko. Tandaan mo 'yan!" galit na wika nito. "Itong asong ul*l na 'to ang magpapaamo sa 'yo. Huwag kang mag-alala. Dahil no'ng sinabi ko sa 'yo noong bata ka pa na hindi kita gusto. Hanggang ngayon. At kahit kailan, hinding-hindi kita magugustuhan," saad naman ni Alex at iniwan na ang dalaga. Nakaramdam lalo ng galit si Belinda para sa binata at kasama na ng bahagyang kirot sa dibdib nito, kaya ipinangako nito sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat para mapa-ibig ang binata at makaganti.
Jaylyn Servallos, 27 years old. Isang simpleng house wife. Joey Servallos, 27 years old. Asawa ni Jaylyn nagtatrabahong sa fabrika. Ronald Feire Sola, 27years old. Katrabaho ni Joey at kumpare. Kapag nagmamahal tayo. Ginagawa natin ang lahat para sa taong mahal natin upang mapaligaya natin sila at ma-satisfied. Ngunit paano kung ipapamigay ka na lang nito sa ibang lalaki upang makuha ang inaasam-asam niya. Papayag ka ba na magpagam*t sa ibang lalake? Para lang maging maayos ang relasyon niyo ng taong mahal mo? Abangan!
Totoy bato, isang simpleng lalaki na gagawin ang lahat para makapag tapos ng pag -aaral. At ang makabawi sa mga umampon sa kanya. Basurero, kargador, taga tinda ng isda sa palengke, ya'n ang namulatan nyang trabaho, at buhay ng mga taong nakapulot at umampon kanya. Na cha-chalenged siya kay Karen Mendoza, as Kariang, ang babaeng bumihag ng kanyang puso. Si Adam Guillermo, ang ka-isa isang lalaki na nag patibok ng puso ni Karen Mendoza, Si Karen Mendoza, isang babae na nais makapag asawa ng mayaman at gusto ng marangyang buhay para sa kapatid nito, ngunit may lihim na pagtingin kay Totoy bato, at pilit na pinipigilan ang nararamdaman at itinatanggi. Hanggang kailan mo pipigilan ang nararamdaman mo? Kung alam mo sa sarili mo na siya lang ang mahal mo. At kaya mo bang ibalin sa iba ang nararamdaman mo? " Paano pala kung malaman mo Kariang? Na si Totoy bato, ay anak mayaman, gayong dinurog mo ang puso nito. Paano mo siya haharapin? Kung alam mo na ibang Totoy bato na ang kaharap mo. "At ano ang gagawin mo? Kung galit at pagka muhi ang nararamdaman ng taong mahal mo sayo. Makakaya mo bang tanggapin ang bawat sakit na ipaparamdam nya sayo? At hanggang kailan ka magtitiis at aasa na mamahalin ka ulit ng tao mahal mo? Mapapawi ba ng pag mamahal ang galit at pagkamuhi?
Title: 12 Inches Written by: Miss_Choi Genre: Romcom Kapag tumibok ang puso, wala itong pinipiling oras, panahon, itsura O kahit pa edad. Dahil kapag tinamaan ka ng pana ni kupido wala kang takas, at hahamakin mo ang lahat masunod lamang ang isinisigaw ng puso mo. Higit sa lahat nagiging bulag ka at bingi pagdating sa pag-ibig. Yolly Agoncillo 35 years old. Isang babaeng simple lamang ang nais sa buhay. Ang magmahal at mahalin siya. Pipoy Ranches 60 years old. Isang binatang matandang lalaki na ang nais lamang ay may mag-alaga at makasama sa buhay. Paano kung sa dinami-rami ng tao sa mundo ay tumibok ang puso mo sa isang matandang lalaki? Kaya mo kayang magtiis sa kanya kung seloso ito at napaka-hilig? Abangan.. Kayo na pong bahalang humusga😅🤣🤣
Si Fiona Dominguez ay ibininta ng kanyang ina kay Lorenzo Salvacion kapalit ng malaking halaga. Upang madugtungan ang buhay ng nakababatang kapatid nitong si Myla na nag-aagaw buhay sa hospital.Sa pananatili ni Fiona sa mansyon ay masasaksihan nito ang pangit na pag-uugaling taglay ng kanyang among binata. "Kung gaano kapangit ang mukha mo ay siya namang taglay din ng pag-uugali mayroon ka." Saad ni Fiona na galit na rin sa binatang amo nito. "Tandaan mo, Fiona. Habang nabubuhay ako. Hinding-hindi ka makakatakas sa akin. Dahil ako, ako lang ang nagmamay-ari sa 'yo. At akin ka lang!" madiin na wika ni Lorenzo. At pilit na pinipigilan ang kanyang damdamin nais kumawala. Kaya niluwagan na lamang nito ang kanyang necktie.
Labing limang taon pa lamang noon si Mirasol nang mamatay ang kanyang magulang sa car accident at bago maganap ang trahedyang iyon ay sinabi ng kanyang ama at ina na sa kanyang pagtungtong ng 18 years old ay nakatadhana na siya na magpakasal sa isang Greg Salazar dahil sa utang na loob ng kanyang pamilya sa pamilya nito. At noon pa man ay napag-usapan na 'yon ng kanilang pamilya. Paano kung nalaman mo na ang lalaking pakakasalan mo ay siya pa lang lalaki na ayaw mo ng makita muli dahil sa isang pangyayari na hindi kanais-nais. Pakakasal ka pa kaya? Paano kung sapilitan kang ikasal sa kanya? Ano kaya ang mangyayari? Paano kaya mabubuo ang isang pag-ibig kung pereho n'yo namang hindi gustong ikasal sa isa't isat. Abangan. . .
Kapag nagmamahal tayo, lahat ginagawa natin para sa taong mahal natin at ibinibigay ang lahat ng walang kapalit. Kung minsan pa nga, wala na tayong tinitira para sa sarili natin. Dahil madalas mas inuuna natin sila kaysa sa sarili natin. Venus Camba. Gagawin ang lahat para sa lalaking mahal n'ya. Kahit ipagkanulo pa nito ang kaniyang sarili. Jake Damian. Kasintahan ni Venus ang lalaking pinakamamahal n'ya, ito rin ang taong magiging ugat at dahilan kung bakit siya magiging ALIPIN. Dave Corpuz . Ang lalaking malaki ang galit sa dating kaibigan na si Jake. Dahil sa pagkamatay ng kaniyang kasintahan. Gagawin ang lahat para makapaghiganti ito at siya ang tutulong para maipagamot ang dating kaibigan. At si Venus ang magiging kapalit ng pagtulong niya. Paano kung ang inakala mong mabuting tao at malinis ang intensyo ay mali ka pala ng inakala? Dahil ginamit ka lamang at pinaamo para paghigantian ang taong labis mong mahal. Makakaalis ka pa kaya sa sitwasyon gayong alam mong nakapako ka sa lalaking pinangakuan mo. Oh, lalaban ka pa. Gayong alam mong wala ka ng pinaglalaban? O baka naman bibigay ka na lang dahil alam mong pinagtaksiklan ka ng lalaking labis mong mahal. Ano ang gagawin mo kung malaman mong buntis ka sa taong hindi mo naman mahal? Abangan. . . ----------------------------------- "Namatay ako, para mabuhay ka. Ginawa ko ang lahat kahit hindi dapat at ayoko. Kahit sukang-sukang ako sa sarili ko at nandidiri ginawa ko pa rin dahil sa pagmamahal ko sa 'yo. Tapos ganito lang ang igaganti mo sa akin?!" galit na wika ni Venus at sinampal nito ang pisngi ni Jake. Habang umiiyak siya. "I'm sorry, Venus. Patawarin mo ako. Noon ko pa dapat sinabi sa 'yo 'to. Pero natakot ako," saad ng binata na umiiyak at nagmamakaawa. "Sana pinatay mo na lang ako," saad ng dalaga na nagdurugo ang puso. Maglalakad na sana 'to palayo nang bigla s'yang makaramdam ng pagkahilo at mahimatay.
TEASER😂😂😂😂 Title: Stuck on You Written by Miss Choi Genre: Romcom/Action Name: Thomas Muraton Nick name: Tom Role: Main lead Age: 30 Work: Boss ng isang sindikato Positive traits: Maginoo pero medyo bastos, Matapang, at Mapagbigay. Negative traits: Bastos, Arrogante, Babaero, Mabilis uminit ang ulo at ayaw na ayaw ang pinaghihintay siya, seloso at malibog. Partner Name: Thamara Alonzo Nick name: Tham Role : Female lead Age : 30 years old Work: Cashier Positive traits: Masipag, Mapagmahal Negative traits: Selosa at Mahilig magreklamo. Anong gagawin mo kung nahulong ka sa barkong sinasakyan mo? At ang nakapulot sa 'yo O ang nagligtas ng buhay mo ay isang Boss ng sindikato. Paano kung alukin ka bigla na maging asawa ng isang Boss ng sindikato? Kapalit ng malaking halaga. Papayag ka ba? Kung alam mong wala kang choice dahil sa ayaw at gusto mo Boss ang masusunod. 😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂 #FIGHTYOURTEMPTATION😂😂😂
Paalala! ❌No to minor's❌ 🚫Ang laman ng storya na ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga kabataan. Sa eded na 18 years old pababa. Sabi nila kapag naranasan mo na raw O nakatikim ka na ng luto ng diyos hahanap-hanapin mo na raw ito. Dahil sa kakaibang sarap at kaligayahang hatid nito. Higit sa lahat nakaka-addict raw. Ruby Santiago 19 years old. Matalino, maganda, maputi at makinis ang balat, nag-aaral ng kursong nursing. Gagawin ang lahat para makapag tapos ng pag-aaral. Ngunit sa likod ng napakangandang mukha ay nakatago ang isang sekreto. Gavin Tolentino, 20 years old. Guwapo, masipag, studyante at gagawin ang lahat para Ruby na kanyang kasintahan. Paano kung makita mong sumasayaw ang babaeng pinakamamahal mo sa harap ng intablado na nakasuot lamang ng panty at bra? Ano ang gagawin mo? Matatanggap mo kaya ito kapag nalaman mo ang sekretong tinatago nito na isa siyang,.bayarang babae? Abangan . . Hango sa tunay na buhay. Please huwag niyo pong huhugashan ang bida natin sa kwento.😅😊
May mga bagay sa mundo na mahirap intindihin at hindi mo alam kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo bakit s'ya pa ang minahal mo. Nicole Ladesma, anak mayaman. Isa itong studyante na nag-aaral sa University. Masipag, mabuting anak at lahat ay ginagawa nito para magustuhan s'ya at mapansin ng kanyang ina. Pero kahit ano'ng gawin nitong pagpapakitang gilas at pagsunod sa mga magulang ay ang kapatid pa rin nito ang nakikita nilang magaling sa paningin nila. Kaya pakiramdam n'ya ay mula no'n at magpahanggang ngayon ay wala s'yang nagawang mabuti. At mga mali lamang n'ya ang nakikita ng kanyang ina. Hanggang sa nagrebelde ito. Naging matigas ang ulo, hindi umuuwi sa bahay ng maaaga. Nakilala nito si Edwin Salazar. Ang unang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. Hindi nagtagal ay nagkaroon sila ng ralasyon at itinago n'ya 'yon sa pamilya n'ya dahil bawal. Di naglaon ay naibigay nito ang kanyang sarili sa kanyang kasintahan. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagbunga ang namagitan sa kanila. Ngunit hindi s'ya pinanagutan nito at ang masaklap ay iniwan s'ya na parang na hindi man lang nagpaalam sa kanya. Si Jun Acosta, isang studyante na nag-aaral sa unibersidad ng Manila. Nag-aaral ito ng mabuti at nagsusumikap upang maging mayaman balang araw at paghigantihan ang taong umalipusta sa kanyang ina. Kaibigan n'ya si Nicole at may lihim na pagtingin sa dalaga. Nang dahil sa pagmamahal n'ya sa dalaga ay s'ya ang umako sa batang pinagbubuntis nito at pinakasalan n'ya ito ng walang hinihinging kapalit. Ano ang gagawin mo kung ang taong pinaglaban mo sa magulang mo at pinili mong makasama ay anak pala ng taong nais mong paghigantian? Maisakatuparan mo pa kaya ang paghihiganti kung alam mong masasaktan mo ang babaeng pinakamamahal mo? Sino ang pipiliin mo ang magulang mo na nagbigay ng buhay mo? O ang babaeng karugtong ng pahinga mo? Ang kwentong ito ang magpapakita ng tunay na pagmamahal sa magulang, asawa, at anak. Abangan. . .
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.