Remnants of the Moon
Naipit sa kaguluhang nangyari sa sansinukob ang binatilyong si Limong dahil siya lang naman ang nag-iisang anak ng namatay na alipin sa gigilid na pinasok ng kadiliman. Kasama siyang nagpunta ng babaylan kaya inakala ng lahat na maging siya ay nagpaalam na rin sa mundong ibabaw. Pinagtangkaan siyang patayin dahil lamang isa siyang alipin sa gigilid. Ang hindi alam ng nagtangka sa kaniya ay nabuhay pa siya. Sa paghahanap niya ng paraan para makabalik sa kanilang tahanan iba ang nahanap niya. Sa pananatili niya sa gubat nalaman niyang mayroong siyang layunin para igtas ang sansinukob sa kadiliman.
Nakilala niya ang mga espiritung bantay na siyang nagsabi kung ano ang dapat niyang gawin. Inutusan siya ng mga ito na hanapin ang mga perlas na piraso ng nawasak na anim na buwan, sinabi rin sa kaniya na mabubuhay niya ang kaniyang ama na si La-in gamit ang mga iyon. Sa simula ay kasinungalingan lamang na kaya ng mga perlas na bumuhay ng mga nagpaalam na dahil kailangang makaalis ng mga espiritung bantay sa islang nagsilbi nilang kulungan sa mahabang panahon, ngunit kalauna'y nalaman ng mga espiritung bantay na siya nga naman ang sugong kanilang hinihintay. Dahil doon kailangang ngang mauna silang ipunin ang mga perlas dahil kung hindi muling mabubuhay si Sungkayaw na isang mortal na minsang naging makapangyarihan sa tulong ng demonyong si Kalunglaon.
Wala ngang nagawa si Limong kundi ang maglayag. Liban pa sa naging layunin niya mahihirapan siyang mabuhay kapag natuklasang nagtataglay siya ng karmang pinakaiiwasan ng datu, hindi niya alam na nagkaroon siya ng ganoon.
Sa kaniyang paglayo sa kinalakihang isla nalaman niya ang mga bagay-bagay na hindi dapat niya natuklasan. Ang mga bagay na ito'y magdudulot sa buong kalupaan na lamunin ng karagatan ng Pasipiko.
Ang kuwentong ito ay tumatalakay sa kung anong mayroon sa buhay ng isang tao katulad ni Limong sa sansinukob. Kasama niya sa pakikipagsapalaran ang lima pang katao: si Agat na bastardong anak ng datu, si Malaya na mula sa angkan ng babaylan, si Sibol na isang mahusay na mandirigma, Si Mada na isang kalahating diwata at si Kalsag na mula sa pamilya ng mga timawa.
Unfold
SA PAGLAPIT ng liwanag nagkaroon na siya ng ideya kung ano ang paparating. Maraming bilang ng mga alagad ng simbahana ang lumilipad sa kalangitan. Ang mga suot na puting balabal ng mga ito ang siyang nagpapalabas ng liwanag. Pagkarating na pagkarating ng mga ito sa kaniyang kinalalagyan pumaikot ang mga ito sa kaniya't gumawa ng bilog. Tinaas ng……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……