When the Billionaire Fell In Love with the Fairy
Share:

When the Billionaire Fell In Love with the Fairy

READING AGE 18+

JayBee Romance

0 read

Si Yria ay isang Fairy na walang ginawa kundi ang gumawa ng problema sa paraiso ng mga Wings Fairy.

Kaya naman ay binigyan  siya ng kanilang Guardian Fairy ng isang tungkulin na hindi niya maaaring tanggihan. Ang tungkuling iyon ay gabayan at baguhin ang nagngangalang Hermes John Alejandro. 

Kapag hindi niya ito ginawa ay tuluyan na siyang mapapatalsik sa Wings Fairy at mawawala ang pinaka iingatan niyang pakpak na siyang pinakamaganda sa lahat ng Fairy.

Lahat naman ng Fairy sa paraiso nila ay binibigyan ng tungkulin. Ngunit kakaiba ang sa kanya dahil kailangan niyang magpanggap na isang ordinaryong tao na unang beses pa lamang niyang gagawin at hindi katulad ng mga kasama niya na nananatiling Fairy lamang.

Wala siyang ideya kung sino ang lalaking pinagkatiwala sa kan'ya ng Guardian Fairy dahil basta na lamang siya pinatapon sa mundo ng mga tao na walang sinabi kung paano makikilala ang gagabayan niya. 

Nang makaharap na niya si Hermes ay hiniling niya sa Guardian Fairy na kung maaari sana ay iba na lang ang ibigay sa kan'ya para gabayan. 

Kung si Yria ay matigas ang ulo at walang pakialam sa iba ay mas triple pa ang ugali ni Hermes. Bukod sa masama ang ugali nito ay bulag pa ito na palagi naman na  dinadahilan ang kapansanan nito.

Ngunit tila yata magugulo ang tahimik niyang puso dahil sa may kakatwa siyang nararamdaman sa bawat araw na kasama niya ang binata.  

May lugar ba ang Fairy na tulad ni Yria sa mundo ni Hermes o ang tungkulin lamang ang dapat gampanan? 

May pag-asa ba na ang isang Fairy at ang tao ay mamuhay na magkasama o tatanggapin na lamang ang katotohanan na walang puwang ang tulad niyang Fairy sa mundong ginagalawan ni Hermes?

Unfold

Tags: billionairepossessivearrogantmanipulativefairy/faerysweetmagical worldanother worldfirst love
Latest Updated
EPILOGO

EPILOGO

Yria's POV

Masaya akong nakatingin sa aking mag-ama na naglalaro sa hardin. Naghahabulan ang mga ito. Hindi nawawala ang mga ngiti ko sa labi dahil sa sayang nararamdaman ko.

Sa wakas ay nakasama ko na si Hermes. Matagal na panahon ko itong hinintay. Dumating pa sa punto na gusto ko na siyang puntahan dit……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.