One More Chance
READING AGE 18+
“Where are you going?” ang tanong nito na halatang galit.
“Bakit ka nandito?”
“Gusto mo talagang mag away kami ng kuya mo ano? Kakalabas mo pa lang ng hospital ay lalabas ka na agad? Ano hindi mo matiis na hindi makita ang kung sino mang lalaking kakatagpuin mo?” ang galit na tanong pa rin nito na ikinagalit din naman ni Monique.
“Eh ano kung lumandi man ako? Tsaka hindi naman ito malalaman ng kuya ko kung hindi ka bumalik. At bakit ka nga ulit nandito?” ang galit na sunud sunod na tanong din ng dalaga.
“Lalandi? Wala talaga akong pakialam sa kakatihan mo! Ang sa akin lang ay ipinagkatiwala ka sa akin ng kuya mo kaya ako bumalik dahil naalala kong hindi ka pa kumain, eh mukhang mas gusto mong madiligan kaysa ang lamnan ang tiyan mo kaya sige go ahead!”
“Talaga! Tsaka baka may lason pa yang dala mo. Mas gugustuhin kong kumain ng basura kaysa kainin ang anumang pagkaing galing sayo. At kahit gutom ako, kapag kasama ko ang lalaki ko ay busug na busog pa rin ang pakiramdam ko. Hindi kagaya kapag pag mumukha mo ang nakikita ko!” sagot naman ni Monique sabay hawi sa binata para makalabas na siya.
“Ah, ganun?” ang sabi naman ni Drix sabay hila sa kanya sa loob ng condo tapos ay isinara ito. Isinandal niya sa likod ng pinto ang dalaga sabay hinalikan. Hindi naman nakahuma si Monique dahil sa pagkabigla. At ng mahimasmasan ay agad niyang itinulak ang binata ngunit mukhang handa na ito sa gagawin niya dahil hindi niya ito natinag.
Patuloy ang naging paghalik ng binata sa kanya at ginalugad ang bawat bahagi ng kanyang bibig at ng mahagilap ang kanyang dila ay walang pasumandaling sinipsip pa niya ito. Nawala na sa kanyang sarili si Drix at tanging ang kasiyahang nararamdaman ang nanaig sa kanya.
Samantala, unti unti nang nakakaramdam ng panghihina ng kanyang tuhod si Monique at ilang sandali pa ay nakakunyapi na siya sa leeg ng binata habang tinutugon ang kanyang halik. Nagulat man ay binalewala na iyon ni Drix at nasisiyahan sa naging pagtugon ng dalaga.
Unfold
6 Months later…
Monique
Ito na ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Nasa mansyon ako at naghahanda para sa pinaka importanteng araw din ng aking buhay. Mag aalas dose na ng tanghali at hindi ko pa rin nakikita si Drix. Noong isang gabi pa kami huling nagkita dahil ayaw ni Mommy na magkasama kami until our wed……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……