THE ACE OF SPADES: Miss. Attorney—Human Rights
READING AGE 18+
Si Elizabeth Dianna Williams ay nangarap na maging isang Human Rights Attorney, tagapagtanggol sa mga kababaihan na nakararanas ng kalupitan. At natupad nga ang kanyang pangarap dahil sa kanyang didikasyon sa buhay.
Isang araw, nagkaroon siya ng kliyente na kailangan ng tulong niya, hustisya sa krimin na ginawa ng isang alkalde. Sa loob ng korte, nakilala niya si Police Executive Master Sergeant o PEMS Victorino Mondragon Jr., arogante, mainitin ang ulo, at higit sa lahat lalaking walang modo, bastos kausap.
Si PEMS Mondragon Jr. ang humawak ng kaso ng kliyente niya dahil isang malaking isda ang makakalaban nila. Hindi magkasundo ang dalawa, sa tuwing magkikita sila sa hearing na para bang mga aso't pusa na palaging nagbabangayan. Wala sa kanila ang nagpapatalo, pilit nilang tinatama ang kanilang mga sariling katwiran.
Hanggang isang araw, nagkaroon ng malaking problema. Ang babae na humihingi ng hustisya sa ginawang panggagahasa dito ng isang Alkalde ng bayan ng San Agustin Maharlika ay kinidnap ito. Habang sinasagawa nila ang planong pagligtas sa babae ay nabuo ang kanilang pagtingin sa isa't isa.
Nagsimula ang pagkakasundo sa mga plano nila, mas kinilala nila ang isa't isa. Ang aso't pusa noon, ngayon dinaig pa si Jack at Rose sa pilikulang Titanic.
Ngunit sa kabila ng saya ay may kaakibat naman itong problema. Si PEMS Mondragon Jr. ay may nobya at malapit na silang ikasal. Ng igtas nila sa kamay ng Alkalde ang babae, nahaharap naman sa problema si PEMS Mondragon Jr. Kailangan nitong maikasal agad sa nobya nito sa lalong madaling panahon dahil ang kanyang lolo ay nag-aagaw buhay na dahil sa sakit nito.
Masakit para kay Dianna na ikakasal sa iba ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya, ngunit wala itong magagawa dahil may fiance na ang lalaki.
Hindi maisasalin ang lahat ng kayamanan ng matanda sa pangalan ni PEMS Mondragon Jr. kung hindi pa ito naikasal sa fiance nito. Lingid sa kaalaman ng lahat si PEMS Mondragon ay isang Mafia Leader ng Notorious Organization kaya lang naman ito naging isang Police dahil gusto nitong pagtakpan ang mga ellegal nitong gawain.
Hindi matutuloy ang kasal, dahil sumama sa ibang lalaki ang nobya nito. Wala ng makita pang ibang solusyon si PEMS Mondragon Jr. sa problema nito kundi makiusap kay Elizabeth Dianna Williams—ang maging subtitute bride ng kanyang nobya upang makuha nito ang lahat ng kayamanang maiiwan ng kanyang lolo at hindi mapunta sa pinsan nito na kalaban nito sa Organization.
Pumayag si Elizabeth Dianna ng makiusap si Victorino sa kanya, subalit may isang kondisyon. Ang kalahati ng mamanahin nito ay dapat maisalin sa kanyang pangalan. Kasakiman kung tawagin, pero naging praktikal lang siya.
Nagpakasal sila, ngunit pagkatapos ng isang buwan nilang bilang mag-asawa muling bumalik ang dating nobya ni PEMS Mondragon Jr.Gusto nitong bawiin ang dating nobyo kay Elizabeth Dianna, subalit nabigo ito.
Ano kayang dilubyo ang dala ni Karen Mercado kina Victorino at Elizabeth Dianna?
Unfold
Dianna PoV
"Matulog ka na, Dianna."
Yun lang ang tanging sagot sa akin ni Victorino, kaya lihim akong napangiti. Tapos sinarado na yung pinto ng silid ko.
"Bibigay ka din sa alindog ko Victorino. Nakikita ko sa mga mata mo ang pagbabasa na matikman mo. Sa susunod na pang-aakit ko sayo, tiyak kong hindi ka na makakapag-ti……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……