Clandestine (The Betrayal's Game)
Share:

Clandestine (The Betrayal's Game)

READING AGE 16+

05dayDreamer Action

0 read

Magkahalong pagkabigla at tuwa ang naramdaman ng dalawampu’t anim na taong gulang na dalaga na si Rhian nang biglang umuwi ang nakakatanda niyang kapatid na si Via para kilalanin ang bilyunaryong lalaking pakakasalan niya. Simula kasi mamatay ang ama nila, limang taon na ang nakakalipas ay nilisan din ni Via ang kanilang tahanan upang magtrabaho sa ibang siyudad at ni minsan ay hindi ito nagpakita sa kanila; gayon pa man ay hindi naman naputol ang kanilang komunikasyon at ang suportang-pinansyal ni Via sa kaniya.
Labis siyang nagtaka at nabigla nang makita kung gaano kalaki ang pinagbago ng kaniyang ate. Ang noon ay maganda at mahinhing si Via ay animo’y mapanuksong pulang rosas na na napakakaakit-akit ngunit tila kung hahawakan ay maaari kang matinik. Napuno nang pagkabahala si Rhian sa pagkikita ng nobyo at ng kaniyang kapatid dahil nabanaag niya sa mga mata ng binata ang pagnanasa. Ayaw niya sanang mag-isip ng masama dahil may tiwala siya kay Via ngunit hindi pala iyon naging sapat upang mapanatag siya. Ang inakalang masayang araw ng pagbabalik ni Via sa buhay niya ay tila naging bangungot para kay Rhian; isa-isang nawala ang lahat sa kaniya dahil sa kagagawan ng taong pinakamalapit sa puso niya; iyon ay walang iba kung hindi ang kaniyang nag-iisang kapatid na si Via!

Unfold

Tags: billionaireHEgangsterdramabxgscaryharemsurrenderwild
Latest Updated
Chapter 81: Face Off

Rhian's POV



Naghintay ako sa loob ng opisina ni ate Via. Marahan pa akong lumakad at sinuri ang silid na iyon upang makakuha din ng ideya kung ano ba talagang nangyari sa kaniya. Napansin kong may ilang CCTV kamera na naroroon sa kisame pero... halata namang hindi gumagana ang mga 'yon, laruan lang kumbaga. ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.