Heroine, At Last! (I Want This Love To Happen)
READING AGE 16+
"Dahan-dahan ka lang sa pagpili ng taong mamahalin mo, baka kasi malagpasan mo 'ko."
[PUBLISHED 2013] Snoopy was up to no good. To be exact, nasa kasagsagan siya sa pagkakalat ng masamang tsismis tungkol sa best friend niya para masira ang image nito sa lalaking pareho nilang gusto.
Garfield happened to be at the wrong place and the wrong time. Ito ang pobreng naipit sa evil plans niya at ito rin ang witness sa lahat ng "krimen" niya. Tinakot niya ito para manahimik ito.
Pero sa kasamaang-palad, muling nagkrus ang mga landas nila ni Garfield sa mismong bahay ng kanyang ina. It turned out that her mom and his mom were best friends. Right then and there, nagawa siyang i-black ng walanghiya para mapasunod siya sa kagustuhan nito!
"Well, ano kaya ang magiging reaksiyon ng mommy mo kapag nalaman niya na ang anak niya ay pinuno pala ng kulto ng mga brat sa Emerald University?" banta ni Garfield.
Tinakpan ni Snoopy ng kamay niya ang bibig ni Garfield. "Don't tell Mom anything. Pumapayag na 'kong maging babysitter mo!"
Yes, he needed a babysitter! It turned out that this jerk was a big-and lazy-spoiled brat!
Unfold
Three months later
"WELCOME back, Snoopy!"
Isa-isang pinasadahan ng tingin ni Snoopy ang mga tao na sumundo sa kanya sa airport: ang mommy niya, si Tita Gracia, at si Odie.
"Where's Garfield?" nagtatakang tanong niya.
Nagkatinginan ang mga ito na parang ba nagtatanungan kung sino ang dapat sumagot……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……