ILLICIT AFFAIR (R18+)
Share:

ILLICIT AFFAIR (R18+)

READING AGE 16+

VERZOLAKRAM Romance

0 read

Sa edad na 18, naulila na si Mariya sa kaniyang magulang. Namatay ang magulang niya sa magkaibang araw pero magkaparehas na taon. Malungkot ang buhay ni Mariya dahil nag-iisa na lamang siya sa kaniyang buhay. Halos araw-araw ay umiiyak siya. Hanggang sa isang araw, dumating ang Tiya Espe niya na katapid ng daddy niya. Inangkin nito ang ari-arian ng pamilya niya. Lahat ay kinuha nito maski ang Hacienda Malvar na siyang pag-aari nila ay hindi nito pinalampas dahil dito raw ipinangalan ang last will ng daddy niya. Walang ibang nagawa si Mariya kundi tanggapin ang kapalaran niya. Minsan ay iniisip niya na sana'y hindi na lang siya nabuhay kung mararanasan niya ang lahat ng ito.

Inalipusta, pinahirapan, at itinuring na parang hindi tao. Iyan ang naging buhay ng dalaga sa kamay ng Tiya Espe niya. Naging katulong na siya sa sarili nilang bahay. Hindi na rin siya pinag-aral. Halos maging patapon na ang buhay ni Mariya sa mga kamay nila. Isama pa ang anak ng Tiya Espe niya. Si Kennedy, ang pinsan niyang ubod ng taray na walang ibang hanggad kundi ang pahirapan siya.

Lumipas ang maraming taon, walang pinagbago ang buhay ni Mariya. Ganoon at ganoon pa rin. Akala ni Mariya ay hindi na mahuhulog ang puso niyang matagal nang patay, ngunit nagkamali niya nang dumating si Nicholas, ang bagong driver ng pamilya ng Tiya Espe niya. Nahulog siya sa binata pero hindi niya sinasabi dahil alam niyang magagalit ang tiyahin niya. Ngunit isang araw, umamin si Nicholas sa kaniya na mahal siya nito. Niligawan at naging magkarelasyon kahit alam ng dalaga na papatigilin siya ng Tiya Espe niya. Pero nagkakamali siya, imbes na ito ang sisira sa kanila, si Kennedy pala ang magtatanggal ng tali sa pagitan nila ni Nicholas dahil may nararamdaman din pala ito para sa binata.

Unfold

Tags: forbiddenlove-trianglefriends to loversinspirationaldramasecretsweak to strongaffairaddicted to loveshy
Latest Updated
KABANATA 3

"CONDOLENCE, Mariya..."

"Condolence sa inyo, hija. Be story, God is with you."

"Bes, condolence..." Pekeng ngumiti si Mariya nang makita niya si Hades. Umupo ito sa tabi niya at niyakap siya nang patagilid. "I'm so sorry for your loss. Don't worry, nandito ako, I'll help you to recover," anito pa— tila'y pinapatatag siy……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.