Merciless Bastard
Share:

Merciless Bastard

READING AGE 18+

Vincent Little LGBT+

0 read

Bata pa lang hindi na maganda ang naging buhay ni Benjo kaya hindi na siya nagtaka na nahantong siya sa kulungan. Nang gumawa siya ng ilegal na bagay alam niyang darating ang araw na iyon. Nakulong nga siya matapos siyang isumbong ng kasamahan niya sa mga pulis na nagbebenta siya ng droga kapalit ng paglinis sa pangalan nito.

Hindi siya nakaramdam ng ano mang pagsisi sa nangyari dahil pinili niya nga naman ang buhay na mayroon siya.

Ang hindi niya lang nagustuhan sa loob ng kulungan ay ang makilala ang binatang si Aristhon sapagkat ang binatang ito ay lubos na mapanganib, sa isang pitik lang ng daliri nito mahahantong na siya sa kamatayan. Ngunit sadyang pinaglalaruan siya ng pagkakataon, wala siyang napagpilian dahil kailangan niya ang proteksiyon nito habang naroon. Sa bawat araw na kaniyang itinatagal sa kulungan nararamdaman niya ang mga matang nagbabantay sa kaniya. Ang nagmamay-ari sa mga matang iyon ay nais siyang gawan nang masama kahit na wala namang rason, wala nga namang magawa ang mga bilanggo kundi ang paglaruan ang katulad niyang bagong salta.

Dahil nga sa naging sitwasyon niya napilitan siyang dumikit sa binata. Ginawa niya ang lahat para mapansin nito na nangyari rin naman sa huli. Dinagdagan niya ang tapang na mayroon siya sa bawat pagkakataong makaharap niya ito para makita nitong wala siyang kinakatakutan. Sa simula ay nakipag-away pa nga siya rito na nagkaroon din naman ng magandang resulta kahit na nabugbog ang kaniyang buong katawan, nakuha niya itong pangitiin na hindi na nito nagagawa.

Madalas na nga silang nagkasama matapos na hayaan siya nito na dumikit-dikit siya rito. Mistula siyang naging aso nito na buntot nang buntot, kung nasaan ito ay naroon din siya kaya nalaman niya ang mga ilegal nitong gawain kahit nasa loob ng piitan. Hindi siya mapakaniwala sa mga nakita niya sapagkat para bang hindi ito isang bilanggo, hawak nito sa mga kamay ang buong piitan.

Unfold

Tags: kidnapfamilydominantdramabxbbullycitymxmlove at the first sight
Latest Updated
Kabanata 87

PINAGMASDAN niya sa malayo kung paano lagyan ng mga posas ang kamay nina Aristhon at Mikal. Aminin niya man o hindi wala rin naman siyang nararamdamang tuwa sa nangyayari. Hindi niya na alam kung tama pa ba ang kaniyang ginawa. Ang iniisip niya na lang ay para sa kabutihan hindi lang niya kundi ng iba pa kaya kailangang makulaong si Aristhon. Bu……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.