Fall In Love With My Contracted Ex-Wife
READING AGE 18+
PROMDI GIRL MEETS THE HANDSOME BILLIONAIREIsang simpleng dalaga si Emy, morena, matangkad, at may likas na gandang hindi kailangang ipagsigawan. Lumaki siya sa probinsya ng Siargao, kung saan ang bawat araw ay laban para mabuhay. Sa murang edad, natutunan niyang magsikap para sa pamilya. Makikita siya sa dalampasigan, naglalako ng mga souvenir sa mga turista, tangan ang pangarap na balang araw ay maiahon sila sa kahirapan.Marami mang dayuhang humahanga at handang mag-alok ng kasal kapalit ng maginhawang buhay, pinipili pa rin ni Emy ang sariling pagsisikap kaysa umasa sa iba. Para sa kanya, walang puwang ang pag-ibig... lalo na kung ito’y magiging hadlang sa kanyang mga pangarap.Samantala, si Clint Parker ay isang guwapo at makapangyarihang bilyonaryo. Sanay siyang makuha ang lahat ng kanyang gusto, lalo na pagdating sa mga babae na para sa kanya ay pansamantala lamang. Walang seryosong relasyon, walang commitment, at lalong walang pag-ibig.Ngunit magbabago ang lahat nang hilingin ng kanyang inang may malubhang karamdaman ang isang bagay na hindi niya kayang tanggihan... ang magpakasal at bigyan siya ng apo bago pa man ito tuluyang mawala.Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, magtatagpo ang landas nina Emy at Clint, isang promdi girl na walang interes sa pag-ibig, at isang bilyonaryong hindi naniniwala rito.Paano kung ang isang kasunduan ay mauwi sa totoong damdamin?At paano kung ang pusong matagal nang sarado… ay biglang matutong magmahal?
Unfold
EMY
Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko habang inaayos ko ang mga natitira kong gamit dito sa aplaya. Pakiramdam ko kasi jackpot ang araw na ‘to. Isang bentahan lang, sold out agad lahat ng paninda ko. Hindi na masama para sa isang katulad kong araw-araw kumakayod sa initan para sa pamilya ko.
"Liza, maaga pa nam……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……