WHAT IF IT'S ME
Share:

WHAT IF IT'S ME

READING AGE 16+

Miss Ahyenxii YA&Teenfiction

0 read

Maganda ang naging buhay ni Sandrynne kapiling ang mga magulang na umampon sa kaniya. Bukod sa marangyang buhay na kaniyang nararanasan ay totoong pagmamahal din ang ipinararamdam ng mga ito sa kaniya. Lahat ng mga bagay na kailangan at gustuhin ay madali rin niyang makuha. Sa madaling salita ay wala na siyang mahihiling pa...maliban sa isang bagay. Ang nawala niyang alaala dulot ng aksidente noong siya ay bata pa.
Sa kaniyang pagpasok sa kolehiyo, magkukrus ang landas nila ni Harris San Pedro—ang heartthrob troublemaker na may magaspang na pag-uugali at palaging nasasangkot sa gulo. Ganoon din si Tristan Arena—kababatang kaibigan ni Harris na naging malayo ang loob sa isa't-isa. At dahil sa kalokohan na ginawa niya, magiging dahilan ito para tuntunin siya ni Tristan at lumipat sa paaralan na kaniyang pinapasukan—dahilan para muli ring magtagpo ang landas ng dating magkaibigan.
Subalit hindi akalain ni Harris na sa sandaling panahon ay mahuhulong ang loob niya kay Sandrynne. Kahit pa nangako siyang hindi papasok sa isang relasyon hangga't hindi niya natatagpuan ang kaniyang childhood first love na si Mia.
At natuklasan ni Sandrynne na palihim at patuloy pa rin pala nitong hinahanap ang nawawalang kababata kahit sila ay magkarelasyon na. Ngunit kasabay ng paglitaw ni Mia—ang pagbabalik rin ng nawala niyang alaala. Matutuklasan niya na ang taong matagal ng hinahanap ni Harris ay walang iba kun'di siya. Subalit nang komprontahin niya ito at sabihin ang katotohanan ay hindi siya nito pinaniwalaan.
Paano nga ba niya magagawang kumbinsihin ito kung ang mga ebidensyang magpapatunay na siya si Mia ay nasa maling tao?

Unfold

Tags: familyfatedarrogantbadboystudentgangstercampusfirst loveself discoverschool
Latest Updated
IINY: Epilogue

SANDRYNNE POV

“Aww. You look so pretty,” Honey said as she kneeled down in front of me and enveloped me in a hug. Kasama niya si Bry at nakabilis na rin ito. “Masaya ‘ko para sa inyo ni Harris. You both deserve every bit of happiness.” I returned her hug and controlled the tears that were brimming inside my eyes. It was actually hap……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.