The Man From Her Book (Filipino)
READING AGE 18+
Si Stef ay dumanas ng napakatinding kabiguan sa pag-ibig nang isulat niya ang nobelang Sanely In Love With You. Dahil puno ng emosyon ang librong ito, hindi niya inakalang papatok ito nang todo sa masa.
Gayunman, kahit lumipas na ang tatlong taon simula nang maisulat niya ito ay tila hindi pa rin nakauusad ang kaniyang puso. Ang malala pa'y pati ang pangunahing karakter ng kaniyang libro na si Elijah Grey ay kinakausap niya at pinagpapantasyahan pa.
Samantala, nang umuwi ang kaniyang ninang na si Tamara galing sa ibang bansa, pinasalubungan siya ng isang librong may pamagat na Wunsken. Mukha itong ordinaryong libro lamang. Ngunit nang sumulat si Stef dito, natagpuan niya ang sariling naiipit sa totoong mundo at sa daigdig na gawa lamang ng kaniyang imahinasyon.
Nabuhay lang naman si Elijah— ang karakter sa kanyang nobelang Sanely In Love with You.
Unfold
Wari'y binibiyak ang ulo ni Stef nang siya'y magising. Kaya maingat siyang kumalas sa pagkakayakap ni Greg upang makabangon sa kama. Ngunit tatayo pa lang siya nang biglang hilain ni Greg ang braso niya. Muli, bilanggo na naman ang maliit niyang katawan sa loob ng malalakas na mga bisig.
He snores like crazy. Bahagya siyang nap……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……