In Her Smile (Free & Completed)
Share:

In Her Smile (Free & Completed)

READING AGE 16+

dloveOdyssey Romance

0 read

Disclaimer: This story is FREE & COMPLETED. Wala rin po itong kontrata kaya FREE EVER po ito.
Humihingi po ako ng paumanhin sa mga errors na makikita niyo sa kuwentong ito. Unedited po ito pero sana ay magustuhan niyo pa rin po. Short story lang po ito at purong romance. Ang kuwento rin pong ito ay konektado sa MY SWEET ADMIRER - this is the story of FRANCO ALMENDRAL.
Happy reading!
Lumaking iyakin si Winrose. Iyon ay dahil sa mga taong walang ginawa kundi hamakin ang kapansanan niya. Hanggang sa ibigay sa kanya ng Langit ang isang bagay na alam niyang makakapagpabago sa malungkot at nakakatakot niyang buhay. Ngayon ay malaya na siyang humarap sa mga tao ng may tiwala sa sarili. May laya na din siyang magmahal ng lalaking magugustuhan niya. Pero nagkamali yata ang puso niya sa pagpili ng lalaking mamahalin. Dahil isang kagaya ni Franco ang nagpatibok ng puso niya. Isang lalaking napakataas para sa isang kagaya niya. Pero mukhang napakabait sa kanya ng tadhana. Nagawa niyang paibigin si Franco. Tapat itong umibig sa kanya. Pero siyempre ay hindi nawawala ang kontrabida. At sa lahat ng kontrabida ay napakahirap yatang kalaban ng mama nito. Hindi niya masisi ang ina ng binata. Kumpara sa babaeng inirereto nito ay ano ang laban ng operada niyang mukha. Pero ipinaglaban siya ni Franco. Akala niya ay sasaya na sila. Pero hanggang sa huli ay naging kalaban pa rin niya ang pamilya nito. Kailangang mamili ng binata, siya o ang buhay ng mama nito. Napakasakit. Dahil kailangan niyang magparaya....

Unfold

Tags: familyHEblue collarlighthearted
Latest Updated
Chapter 25

ISANG buwan na ng huling pagkikita nila ni Franco. Isang buwan na din siyang madalas na nawawala sa sarili. Sumapit ang graduation ng mga bata at papasok na ang bakasyon pero magulo pa rin ang isip niya. O mas tamang sabihing patuloy sa pagnguyngoy ang puso niya dahil sa paghihiwalay nila ni Franco. Nagluluksa ang isip, puso at kaluluwa niya……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.